Chapter 4

17 3 4
                                    

"Sinasabi ko talaga sa'yo Marem!" Inis kong sinabi sa kaniya.

Ang tanging maririnig mo ay ang malakas na tili ni Marem habang hinahampas ang sarili ng unan.

"Ang sabihin mo, ginusto mo rin yung set-up na ginawa ko para sa inyong dalawa," palng-aasar na sinabi niya sa'kin.

Sa halip na sagutin ang kaniyang pang-aasar ay inalala ko muli kung ano ang nangyari matapos akong pigilan ni Daniel na umalis.

"O-okay, wala naman na akong dapat gawin eh..." nagdadalawang-isip kong sagot.

Napalibutan kami ng katahimikan. Wala sa amin ang gustong magsalita habang iniiwasan namin na magtama ang aming mga mata.

Ang mga taong nagbibiruan kanina lang ay biglang naglaho at napalitan ng dalawang tao na nahihiyang magsalita.

Finally deciding to break the silence, I cleared my throat. Ayoko ng ganitong awkward moment. Kung kailangan mag first move then bahala na.

"What made you join this zoom meeting ba?" Tumingin ako sa kaniya at nagsalita ulit, "For sure Marem must have said something for you to be here."

"Hmmm... as much as it's embarrassing to say this but, I joined this zoom meeting kasi may irereto daw si Marem sa'kin."

Sa sinabi niyang iyon ay tumahimik ulit kami at napatingin sa iba't-ibang bahagi ng aming mga kwarto.

'Awkward naman,' sambit ko sa sarili.

"You're Amaris Delos Reyes, right?" Tanong niya.

Tumango ako at napangiti.

"Yes," sagot ko. "If you don't mind me asking, may nabanggit ba si Marem tungkol sa'kin?" Kabado kong tanong sa kaniya.

"Oh no, don't worry. Marem told me a lot of great things about you and..." kinamot niya ang kaniyang batok sa hiya habang nagpatuloy sa pagsasalita, "I'm pretty sure ikaw yung gumagawa nung fan made videos ko."

Dahil dito ay napatawa na lamang ako ng bahagiya at napag-isipan na asarin siya.

"I'm pretty sure rin na ikaw yung taong nakalaan para sa'kin," Sinabi ko bigla ng walang pag-aalinlangan.

Lumaki ang kaniyang mga mata sa aking sinabi bago humalakhak. Napahawak siya sa kaniyang noo habang umiiling.

"Alam mo, ikaw yung unang babae na nakilala ko na grabe ang lakas ng loob makipag flirt."

"Hmm, should I take that as a compliment or an insult?" tanong ko.

"You should take me instead."

Galing rin makisabay ng taong 'to ha. I tried so hard no to blush pero wala talaga eh. Naramdaman ko nalang na uminit ang aking pisngi kaya napaiwas ako ng tingin baka sakaling hindi niya mapansin.

"You're cute," He chuckled.

Naputol ang aking pag-alala sa nangyari dahil sa lakas ng sigaw ni Marem. Dali-dali kong tinakpan ang aking tenga at binigyan siya ng masamang tingin.

"Ano ba ang problema mo?" irita kong tinanong si Marem.

Biglang tumigil sa paggalaw si Marem at dahan-dahang tumingin sa akin na para bang meron akong napatay na tao.

"Teka, huwag mong sabihin na kaya ka tulala kanina dahil iniisip mo siya?"

Tumahimik lamang ako at kinuha ang aking cellphone para tingnan kung may bago ba akong notification.

"Sabi ko na nga ba eh!" Mapanghusgang sinabi ni Marem. "Sabihin mo na kasi sa'kin kung anong nangyari nung isang araw."

Patuloy niya akong kinulit sa kung ano nga ba ang nangyari. Siyempre hindi ako nagpadala sa pagpupumilit niya.

"Ayoko nga," sambit ko sa kaniya habang kinindatan siya.

"Omg!!! Meron talagang nangyari, I can feel it!"

Minsan ang OA lang talaga nitong kaibigan kong 'to. Magsasalita na sana ako ngunit tumunog ang aking cellphone.

[2 Notifications] Instagram

daniel_jlim started following you.

daniel_jlim
3 messages

Nanlaki ang aking mata at hindi ko napigilang sumigaw ng malakas sa gulat. Buti nalang at ako lang ang naiwan so bahay ngayong hapon na ito.

"Bakit, bakit?" nabigla ring tanong ni Marem sa'kin.

"Marem, mag-usap nalang tayo mamaya ha," nagmamadali kong sinabi sa kaniya. "Kailangan ko ng umalis, bye!"

Umalis na ako sa Discord bago pa man makasagot si Marem. Napatalon ako sa aking kama at niyakap ang aking unan. Hindi ko na rin napigilan ang sarili na tumili sa kilig.

'Jusko po, totoo ba talaga 'to o isang panaginip lamang?' Ako'y napa-isip.

Huminga muna ako ng malalamin bago nagkaroon ng lakas loob na buksan ang kaniyang message.

Today 4:08 PM

"Hey, musta?"

"I don't know how to say this but, can we be friends?"

"I really enjoyed our talk last time."

Pakiramdam ko'y nasa isang panaginip lamang ako.

Kung panaginip man ang lahat ng ito ay sana hindi na ako magising mula dito.

Sana'y hayaan niyo naman akong makaramdam ng ganitong saya.

Saya ng pagiging bida sa aming sariling estorya.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Comment.Share.Vote

Soulless Dream of AmarisTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang