Chapter 13

10 2 0
                                    


"We need to go," Palusot ko kay Tim habang ngumingiti. "Baka hinahanap na kami ng mga kasama namin."

Nagkunwari akong masaya na nagkita kami kahit sa totoo ay hindi naman talaga. Hinawakan ko na sana ang kamay ni Lia upang hatakin siya papalayo nang nagsalita muli si Tim.

"Oh," He started. "When can we talk again?"

"Uhh," Nag-isip agad ako ng palusot ngunit walang pumasok sa aking isipan. Buti nalang at nagsalita si Lia.

"Naku, nandiyan na pala ang sundo natin Mari!" Arte niya at hinawakan ang aking kamay. "Pasensya ka na Tim ha, kailangan na talaga naming umalis."

Tumango lang ako kay Tim habang ngumiti naman siya sa akin sa huling pagkakataon. Pagkatapos noon ay kinaladkad na ako ni Lia papalayo at pabalik sa couch namin.

Pagkaupo namin ay agad-agad niya akong tinanong, "Magkakilala kayo ni Timber Anthony Sy???"

Tumango lamang ako at nilagyan ng alak ang baso ko dahil sa stress. Nawala tuloy ang excitement ko dahil sa nangyari.

Napabuntong-hininga ako bago nagsalita.

"Matalik siya na kaibigan ni..." Hindi ko na natapos dahil tumili ng malakas si Lia.

"What the hell!" Napatingin sina Kath, Aly, at si Yna na kakarating lang, dahil sa lakas ng tili ni Lia.

"Hoy spill the tea naman diyan mare!" Chismosang sabi ni Yna.

"Amaris almost made out with her ex's bestfriend," Lia spoke before me.

Napamura ng malakas si Yna habang tumingin naman sina Kath at Aly sa'kin dahil sa pag-aalala.

"I don't wanna talk about it."

I kept drinking, not giving them a glance as I had my 3rd glass of Tequila. I felt Kath stood up and walked towards me. She placed her hands on my shoulders before saying, "Alam mo na kung anong mangyayari, Mari."

I nodded, staring at the people dancing in front of us. My mind going blank for a second.

"You know what, let's forget all of that and just get wasted tonight!" Lia interrupted and raised her glass towards us.

Pagkatapos ng tatlong oras ay nakaubos na kami ng dalawang bote ng Bacardi  Gold, isang boteng Jim Beam at pangalawang shot ko ng Ciroc Vodka. Pabalik-balik na sa cr sina Kath at Yna dahil mahina silang uminom. Nahihilo naman ako ngunit hindi kagaya ng kalagayan ng mga kaibigan ko.

I don't know if having a high alcohol tolerance is a good or bad thing. All I could say was...patay ako nito pag-uwi.

"Mukhang lasing na lasing na sila Lia," Tinulungan kong makatayo si Aly mula sa sahig.

"Yeah, I think it's best if umuwi na tayo."

Binayaran ko ang bill namin at tinulungan si Lia sa pagpapatayo sa mga lasing naming kaibigan. Mabuti naman at nakayanan namin silang buhatin hanggang sa parking lot.

"Lia, ok lang ba kung ikaw na ang maghatid sa kanila pauwi?" Tanong ko nang nasa harapan na kami ng kotse.

"Oo naman, pero diba magkatapat lang ang condo unit ninyo ni Aly?"

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at inilagay ang aking bag bago sumagot sa kaniya.

"I'm not staying in my condo tonight," I looked at her. "Uuwi ako sa bahay para kunin ang ilang bagay."

Naintindihan naman ako ni Lia at pumayag na ihatid ang aming mga kasama. Hinintay ko muna silang makaalis bago ako sumunod.

Kahit na nasa Cubao lang naman ang bahay namin ay mas pinili ko na magcondo nalang.

I wanted to be independent. To have my freedom.

Sakto naman at gustong magcondo rin ni Aly kaya, naghanap kami malapit sa UST at pinili ang condo unit na magkatapat lang.

Salamat naman at hindi traffic kaya mabilis lang ang biyahe. Alas tres na ng madaling araw kaya siguradong mapapagalitan ako nito.

Binuksan ng kasambahay ang gate matapos akong bumusina. Pumasok ako sa garahe at itinabi ang aking kotse sa van ni papa.

Binati naman ako ng aming kasambahay kaya ako'y ngumiti ng konti at pumasok sa bahay. Madilim na ang sala at 2nd floor. Malamang tulog na silang lahat dahil madaling araw na.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nagtungo na ako sa itaas upang maligo at matulog.

"Uminom ka na naman ba?" Biglang lumabas si mama sa kwarto at tinanong ako.

Naabutan pa talaga niya ako kahit na bubuksan ko na sana ang pintuan sa aking kwarto.

Tumango lang ako at naghintay sa sermon na siguradomg darating.

"Amaris hanggang kailan mo ba 'to gagawin sa sarili mo?" Lumapit siya sa akin.

"Anak, alam mong hindi solusyon ang pag-inom at pagpapabaya sa sarili mo. Akala mo hindi ko napapansin?"

Tinitigan ko lamang ang sahig at nagsalita, "What's the point of living like I used to, Ma?"

"Amaris..." Hinawakan niya ang aking kamay.

"The doctor said that anytime pwede akong magka-heart failure," Tumingin ako sa kaniyang mga mata. "Dami na nating sinubukang mga paraan para gamutin ako pero wala...wala namang nakagagamot sa akin!"

"Amaris, anak, manalangin ka lang!" Naiiyak na sabi ni mama habang siya'y nagpatuloy, "Mas lalo mo lang pinapalala ang kalagayan mo dahil sa pag-inom."

"Pagod na pagod na ako, Ma..." Hinayaan ko na ang sarili kong magpadala sa emosyon. Tumulo ang aking luha at niyakap ako ni mama ng mahigpit.

"Pagod na akong umasa na gagaling pa ako!"

"Shhh 'wag mong sabihin yan!" Pinatahan niya ako. "Sabi naman ng doktor na unti-unting bumubuti ang kalagayan mo sa bago mong gamot. Kaya huwag mong sabihin na walang nakagagamot sa'yo"

"At tsaka, heart failure is just the worst case scenario. Pero hindi ko hahayaan na umabot ka sa puntong iyon. Tandaan mo yan."

Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya at umiyak ng malakas.

Mula noong nag-collapse ako, dalawang taon na ang nakalipas, ay nalaman namin na may congenital heart disease pala ako. Ngunit, matagal lang lumabas ang sintomas nito. Simula noon ay ginawa na lahat nila mama at papa ang kanilang makakaya upang gumaling lang ako.

Mas naging maingat at mahigpit din sila dahil sa takot na lumala ang aking kalagayan. Noong una'y ayaw nilang magcondo ako at pumunta sa UST dahil nga bawal akong ma-stress. Pero kahit anong gawin nila ay mas inalala nila ang sinabi ng doktor na bawal akong ma-stress, at isa na doon ay kung maaapektuhan ang aking emosyon. Dahil dito ay hindi na masyadong strikto ang aking nga magulang.

Simula nang malaman ko ang aking kalagayan ay nagsimula akong magbago at mas naging mainitin ang ulo. Nagsimula na rin akong maging wild. Palagi akong pumupunta sa mga parties kahit na alam ko na magpapalala lang iyon sa sakit ko.

Bakit?

Dahil pagod na ako.

Dahil nawawalan na ako ng dahilan upang lumaban.

It was the start of a new life for me.

A life full of misery.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

1104 words.

Vote.Share.Comment.

Soulless Dream of AmarisWhere stories live. Discover now