Chapter 3

14 3 1
                                    

Makalipas ang dalawang buwan ay mas nabighani lamang ako kay Daniel at napadalas na rin ang aking pagpupuyat. Ngunit, aking napagtanto na hindi na mabuti itong nararamdaman ko. Simula noon ay ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para pigilan muna ang sarili mula sa pagiging fan niya. Tumigil muna ako sa pagpost sa fan account at mas nagfocus sa aking pag-aaral.

'Tigilan mo na ang kabaliwan na 'to Amaris! Magtatapos ka na sa Junior High School kaya dapat focus ka lang sa studies mo,' paalala ko sa sarili.

"Ms. Delos Reyes, are you still there?" Malakas na tawag ng aking guro sa math matapos hindi ako sumagot sa tanong niya. Mahina kasi ang signal kung kaya't hindi ko na binuksan ang aking camera.

"Yes po, ma'am. 2/5 po ang sagot," mahina kong sinabi.

Nagpatuloy ang pagtawag niya sa mga kaklase ko hanggang sa natapos na rin sa wakas ang klase namin.

Noong nakaraang buwan ay naglive si Daniel sa Tiktok at ang ginamit ko na account habang nanonood ay yung sa fan account na ginawa ko. Natuwa ako noon dahil nagustuhan rin ng mga kaibigan niya ang mga edits ko.

Dahil sa edits ko ay nagkaroon ako ng
bagong kaibigan na si Marem Go. Bestfriend siya ni Daniel at napakafriendly na tao. Kahit na fan lang ako ng kaibigan niya eh naging komportable kaagad siya sa'kin. Kahit na tumigil muna ako sa pagsubaybay kay Daniel ay hindi nahinto ang komunikasyon namin ni Marem.

"Amaris, may kaibigan sana ako na gustong makipagzoom sa'yo," pinadalhan ako ni Marem ng DM.

'Bakit naman gustong makipagmeet sa zoom ng kaibigan niya?' tanong ko sa aking sarili.

"Sino ba 'yan?," sambit ko.

"Bastaaaaa...kaibigan ko lang," sagot niya bago nagpatuloy, "Huwag kang mag-alala, marami naman tayo sa zoom at fan lang talaga ang kaibigan ko sa edits mo."

Wala namang mawawala sa'kin kapag pumayag ako diba? Naku, Bahala na si batman!

"Sige, payag na ako."

Pinindot ko ang link na pinadala ni Marem at naghintay para sa host.

The meeting host will let you in soon.

Pinapasok din ako kaagad ng host pagkatapos ng isang minuto.

'Patay ka talaga sa'kin mamaya, Marem!'

Nasa harapan ko ngayon ang sinasabing kaibigan ni Marem na gusto raw akong makausap. Ang siyang dahilan mismo kung bakit ako gumagawa ng mga edits.

"Hi, your name is Amaris right?" Bati niya sa akin habang ngumingiti.

Sa kaba ay napatango lang ako habang patuloy tumititig sa kaniya. Napansin niya siguro ito at nagsalita siya muli.

"Take a picture, it will last longer," asar niya sa akin.

Kinausap lang naman ako ng nag-iisang  Daniel Joaquin Lim. Ang sinasabi ni Marem na kaibigan niyang "gustong makipagzoom" sa akin.

Sa sinabi niyang iyon ay natauhan ako at napatawa na rin kasabay niya. Dahil dun ay nawala ang mabigat na tension kanina.

"Hahaha no thanks. I'd rather have a marriage certificate para wala ng kawala," biro kong sagot.

He chuckled at what I said bago tumahimik muli.

"You must be shocked and confused kung bakit ka napunta sa zoom kasama ko," He stated habang pinagmasdan ang reaksyon ko.

Umiling lang ako habang kinagat ng bahagiya ang aking labi. Biting my lips was always my habit when I got nervous.

"Yeah, parang ganoon na nga...sabi kasi ni Marem na gusto akong makausap ng kaibigan niya at marami naman daw ang sasali sa zoom."

Narinig ko na napasinghal siya.

"We were set up," Daniel realized habang umiiling.

Huminga na lamang ako ng malalim habang napaisip sa mga gagawin ko kay Marem mamaya.

"I should just leave. Nakakahiya naman 'to hahaha thank you for giving me the luxury of your time," magpapaalam na sana ako nang bigla niya akong pinigilan.

"Don't," He blurted out.

"I-i mean...if you're not busy, can you please stay?" Nag-aalangan na tanong niya.

Sa buong buhay ko ay hindi ko inakala na darating ang pagkakataong ito. Ang oras kung saan makakausap ko ang taong gusto ko.

Sana ito na ang simula ng ating estorya.

Estoryang ninanais kong ibahagi sa lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Comment.Vote.Share





Soulless Dream of AmarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon