Chapter 18

9 1 0
                                    

"Ayoko na talaga sa mga lalaki!" Lasing na sinabi ni Yna habang tinuturo ang mga lalaking nakikita niya sa paligid.

Inalalayan namin siya palabas dahil hirap na itong makalakad sa sobrang lasing.

"Ano na ang gagawin natin sa babaeng 'to?" Tumingin si Kath sa aming lahat, nagbabakasakaling may magmamagandang loob na ihatid si Yna pauwi.

Naguguluhan nga ako diyan kay Yna kung bakit napakakuripot niya. Nung debut nga niya ay niregaluhan siya ng mga magulang niya ng bagong sasakyan kaso hindi naman niya ginagamit.

I do remember her telling me that her parents are both engineers. She rarely spends time with them because they're always travelling to other places to visit construction sites.

"Ako na ang maghahatid sa kaniya," Dein offered.

I felt at ease because Dein will be the one to take her home. She's in good hands.

I looked around and noticed that Lia was now wearing a jacket. To be exact, it was owned by a man. Lia isn't one for leather jackets.

"Hindi ka naba giniginaw, Lia?" Binigyan ko siya ng tingin.

Namumula ang kaniyang pisngi at hindi siya makatitig nang diretso sa aking mga mata.

She's hiding something.

"Uh-uh...oo, malakas kasi ang hangin kanina."

I knew better than to question her further. She'll tell me about it when she's ready.

"Oh, mag-ingat kayo papauwi ha!" Bilin ko sa kanilang lahat lalo na kay Dein na maghahatid pa kay Yna.

I started to walk towards my car when a black Lamborghini Urus stopped in front of us. Sino naman 'to?

Lahat kami napatingin sa nagmamaneho habang nakakunot ang noo. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at lumabas ang isang matangkad at mestizong lalaki.

He was wearing a black hoodie and ripped jeans. Malamang mahuhulog ako sa mala-anghel na mukha ng lalaking ito kung hindi ko lang talaga alam kung sino siya.

"Vier," sambit ko nang siya'y lumapit sa amin.

"Dami namang ganap sa gabing ito," narinig ko na bulong ni Kath sa sarili.

Kinagat ko ang aking labi sa pagpipigil na tumawa ng malakas. Kahit kailan talaga 'to si Katherine.

"Amaris," He replied.

He looked at me in acknowledgement before turning to Dein who was now struggling with our drunk friend.

"I'll be the one to take her home," He stated and softly took Yna out of Dein's hold.

None of us said a word and just stealed glances towards each other. We knew that he was Yna's guy bestfriend but we couldn't avoid being worried for our friend's safety.

I mean, he is the "Vier Delgado". A well-known playboy of UST, and the heir to Felicidad which is a popular wedding planning company in the country. Sa pagkakaalam ko sikat din sa Espanya ang kompanya ng mga Delgado kaso ewan ko lang kung ano ang mangyayari kung si Vier ang magiging tagapagmana nun.

Maingat niyang pinaupo si Yna sa harapan ng sasakyan bago isinara ang pinto. Hindi man lang nakapagpaalam si Yna dahil sa kalasingan. Tumango lamang si Vier sa amin at pumasok na rin sa sasakyan.

Wala man lang kaming nasabi bago umandar ang kotse at humarurot palayo.

"Anong dasal kaya ang ginagamit ni Yna," Maharot na sinabi ni Dein habang nakatingin pa rin sa direksyon nang sasakyan.

"Ipagdasal mo na lang ang sarili mo ngayong gabi, Yna."

Ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa kaibigan ko matapos siyang e-uwi ni Vier. Binaling ko ang atensyon ko sa mga naiwan kong kaibigan at kumaway para umuwi na. 

Tiningnan ko ang sarili sa salamin at napangiti.

"Mukhang makukuha mo na ang happy ending na matagal mo nang minimithi, Amaris."

Pinaandar ko na ang kotse at humarurot na rin pauwi. Malapit na maghating-gabi kaya nagmadali na ako.

"Aly!" Tawag ko habang kumakatok.

Pang-apat ko nang katok pero walang sumasagot. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko at nanlamig ako. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko na maaaring mangyari kay Aly.

"Oo nga pala," Napalakas kong sabi at hinalungkat ang mga gamit sa bag.

Meron nga pala akong susi sa unit niya.

Binuksan ko ang pinto ngunit mas lalo lang akong nag-alala. Madilim ang paligid at mukhang wala dito si Aly.

Ensakto naman at biglang tumunog ang cellphone ko.

"Ay gagi!" Gulat kong sabi.

[Alymango is calling...]

"Hoy Alyziana! Alam mo ba at nag-aalala na ako sa'yo???" Hindi ko mapigilang sabi.

"Opo, sorry na po!" Natatawang sagot ni Aly.

Kung kailan ka talaga Aly!

"Don't worry Mari, I just went home."

Biglaan ata yung pag-uwi niya. Gusto ko pa sana nagtanong pero mas pinili ko na lang itikom ang aking bibig.

"Ok ka lang ba diyan?" Panghuli kong tanong sa kaniya bago ako maging kalmado.

"Oo, 'wag kang mag-alala."

Pinutol na rin niya ang tawag pagkatapos ko mag "goodnight" sa kaniya.

Bumalik ako sa aking unit at naghanda para matulog.

I kept on staring at the ceiling as I layed on my bed. Sana maging ganito nalang ka kalmado at ka saya palagi. Kung pwede lang talaga.

Lumingon ako tungo sa kalendaryo na nakapatong sa aking side table.

November 25 - Friday

Appointment with Dr. Santiago

Kung kailan ako'y napakasaya ay sumagi naman sa aking isipan ang katotohanan. Ang masakit na reyalidad na matagal ko ng tinatakasan.

Tumunog na naman ang aking cellphone sa kalagitnaan ng aking pag-iisip. Akala ko okay na ang lahat ngunit hindi pa pala. Kasabay ng kilig at tamis ang mapait na katotohanan na ibig ko pang sabihin kay Dan.

See you tomorrow at 9 a.m, Mari! I'll treat you to breakfast sa campus niyo.

    -Dan

I didn't even notice the huge grin I wore as I read his text all over again. Iba talaga ang kilig kapag ganito ang galawan ng lalaki. Pero teka...

Katipunan to Espanya???

Nasisiraan na ata ng ulo si Dan.

'Tanga, sabihin mo kinikilig ka dahil magmamaneho siya ng ganiyan kalayo para lang makasama kang kumain ng almusal!' Sambit ko sa sarili.

Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon ay nakatulog na nga ako ng mahingbing.

Ito na sana ang simula...

Simula ng bagong pahina sa hindi natapos naming kabanata.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

1017 Words.

Vote.Comment.Share

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soulless Dream of AmarisWhere stories live. Discover now