Chapter 7

11 3 0
                                    


Exams week nila ngayon ni Dan habang abala naman ako sa aking oral defense para sa Research. Sa sobrang busy namin ay hindi pa kami nakapag-usap muli. Gumagawa ako ng revisions sa final paper ko habang kausap ang aking mga kaibagan na sina Alyza at Katherine. Kinuwento ko sa kanila kanina ang tungkol dun sa babaeng kaibigan ni Dan na si Jamie.

"Naku sinasabi ko talaga sa'yo Amaris kung hindi mo siya tatanungin ay kami ang haharap sa kaniya!" Galit na sinabi ni Alyza.

Napahinto ako sa pagtype sa aking laptop at tumingin lamang sa screen na para bang tulala. Alam ko na dapat ko siyang tanungin at kausapin tungkol dito para malinawagan naman ako. Ngunit, parang may parte sa akin na takot kung ano ang maaari kong malaman.

Tumango naman si Katherine at nagsalita, "Tanungin mo lang siya bestie...wala namang mawawala diba?"

"Kakausapin ko siya, I promise."

Nagtinginan sina Katherine at Alyza habang umiiling sa tigas ng aking ulo.

Pagsapit ng gabi ay nagmessage ako kay Dan kung pwede ba kaming mag-usap sa Discord. Mabuti at pumayag naman siya kahit na abala siya sa pag-aaral.

"Is something bothering you?" He asked hesitantly pagkatapos makita ang aking naguguluhang tingin.

Huminga ako ng malalim at pinilit ang aking sarili na magsalita.

"The truth is...something's bothering me for a while now," Simula ko. "Last time when you posted in Instagram...I saw your reply to someone named Jamie.."

"Amaris..." He trailed off.

"No, please let me continue," I looked at him with a pained look.

Tumango naman siya at nakinig lang sa aking pagsasalita.

"Dan, mali ba kung sabihin ko sa'yo na nasasaktan ako? I'm freaking jealous here Dan, at alam ko na hindi dapat kasi I'm not your girlfriend," Nararamdaman ko na namumuo na ang luha sa aking mga mata.

"Sino ba naman ang magiging masaya kung yung palagi mong kausap at kachat ay tinatawag ang ibang babae ng 'Baby'!" Napalakas kong sabi, "Valid ba 'tong galit at pagseselos na nararamdaman ko?"

Nakatingin lamang siya sa malayo habang nag-iisip. Sa bawat patak ng oras na siya lamang ay tahimik ay kumikirot rin ang aking puso.

After a minute he finally decided to speak.

"Your feelings will never be invalid for me, Amaris."

"Jamie is just my friend at besides, 'bat pa ako maghahanap ng iba kung nandiyan ka naman?" He reassured.

Ngumiti siya ng bahagiya at nagpatuloy.

"You are more than eno-" huminto siya sa pagsasalita nang tumunog ng malakas ang kaniyang telepono.

"Umm yeah..I know. Thanks Ja-" Nagdadalawang isip niyang pagbanggit bago tuluyang pinutol ang tawag.

"She's just my friend..." Panunuya ko habang napangisi. "Tingnan mo nga naman. Should we end this call now so that you can talk all night with her?"

I could see the annoyance starting to spark in Daniel's eyes as he stared at me.

"Amaris can you stop being unreasonable?" Iritang sinabi ni Daniel habang tumataas ang kaniyang boses.

"Jamie is in a relationship with Vern kaya pigilan mo na 'yang iniisip mo tungkol sa aming dalawa."

"Oh akala ko ba never magiging invalid ang feelings ko?" I continued to mock him, "Did I hit a nerve there, Dan?"

Minasahe niya ang sentido ng kaniyang ulo dahil nagsisimula na itong sumakit.

"Amaris, please...stop this nonsense. She's just a friend from my class at kung gusto mo, tanungin mo na rin sina Marem at Vern."

"We should stop talking for the meantime..." I said coldly.

Lumaki naman ang kaniyang mga mata at napalapit sa kaniyang laptop sa bigla.

"Mari I swear hindi kita niloloko," Siya'y nagpatuloy, "Sana naman intindihin mo rin ako."

Sa dami ng tumatakbo sa aking isipan ay hindi ko na alam kung papaniwalaan ko ba siya.

"Ang dami ng iniisip natin Dan."

"You're having a rough time in preparing for your midterms habang andito naman ako abala for my defense presentation," Pinag-isipan ko ng maigi kung ano ang mas nakabubuti sa amin.

"It would be better for the both of us kung bibigyan natin ang isa't-isa ng space. Let's not talk for the meantime."

"Is this what you really want, Amaris?" He asked, trying to respect me and my decision.

"Yes."

Bago pa man siya sumagot ay nagsalita ako muli.

"I need to go," Tiningnan ko siya sa isa pang pagkakataon habang tumango naman siya.

Alam niya na gusto ko ng tapusin 'tong pag-uusap namin bago pa lumala ang aming alitan.

Pinindot ko muna ang 'leave' bago huminga ng maayos.

Nilagay ko ang aking kamay sa ulo habang ginulo ang aking buhok sa stress. Ewan ko ba at hindi ko napigilan ang aking sarili kanina. Lumabas tuloy ang aking pagkaselosa.

Kinabukasan ay maganda naman ang takbo ng aming klase. Mabuti at hindi kami binigyan ng masyadong gawain kaya't makakapagpahinga na ako ngayong hapon. 

Ako'y nakatayo sa balcony ng aking kwarto habang nilalanghap ang sariwang hangin. Sa kasamaang palad ay tumunog ng malakas ang aking cellphone kaya ako'y dali-daling bumalik sa loob at kinuha ito mula sa lamesa.

Marem Go is calling...

Natagalan bago ko sinagot ang tawag niya dahil nga ako'y napaisip kung ano ang sasabihin ko sa kaniya tungkol sa nangyari. Pagkatapos ng ilang segundo ay sinagot ko na rin ang tawag.

"At sa wakas sinagot mo na rin!" Madramang sinabi ni Marem.

Tumawa naman ako ng bahagiya bago sumagot, "Himala at napatawag ka."

"Sino ba naman ang hindi mapapatawag kung yung lolo mo eh ang sungit!"

Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Bakit, ano bang sinabi niya?"

Maririnig mo ang buntong-hininga ni Marem mula sa kabilang linya.

"He told me about what happened, Mari," Simula niya. "Don't let your feelings get ahead of you. Besides, alam ko naman na gusto niyo talaga ang isa't-isa. Kaya please, don't let this one misunderstanding ruin what you both have."

Tumango lamang ako at hinayaan siyang ituloy ang kaniyang sinasabi.

"Remember what Colette said, 'Quand on est aimé on ne doute de rien. Quand on aime, on doute de tout'." Huminto siya saglit bago nagpatuloy, "When we are loved, we doubt nothing. When we love, we doubt everything.” Seryoso niyang sinabi.

At sa sinabi niyang iyon ay napaisip ako ng maigi sa aking nararamdaman. Panahon na upang magdesisyon ako kung ipagpapatuloy ko pa ba kung ano ang mayroon kami ni Daniel. Kung dapat ko na bang tapusin ang lahat ng ito...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hey guys!

I decided to publish a longer chapter since I wasn't able to update sooner because of my heavy load of school works. Hoping for everyone warm love and support.

Thanks! <3

Vote.Share.Comment

Soulless Dream of AmarisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon