Chapter 9

9 2 0
                                    

"Happy birthday to you, Happy birthday~~~" Malakas na pag-awit nila papa habang pumapasok sa aking kwarto upang ako'y gisingin.

"Awwww thank you ma, pa!" Inaantok kong sinabi at niyakap sila.

"Oh siya magbihis kana kasi hinanda ko lahat ng paborito mo," Excited na sinabi ni mama.

Ngumiti ako at tumango sa kanila nang sila na ay palabas sa aking kwarto. Pagtingin ko sa phone ko ay nakita ko na 11:47 a.m na pala. Napansin ko rin ang mga notifications sa social media accounts ko.

[daniel_jlim sent you a message] Instagram

Anak ng---huwag mong sabihin na nalaman na niya?! Sinadya ko pa naman na ibahin yung birthday ko sa social media accounts.

Nervous and excited, I finally decided to open his message. He sent me a video.

"Hi Amaris Jian! First, I just wanna greet you a happy, happy birthday. I want you to know that ever since you started to support me eh I always read your comments and messages. Marem told me how much you are a fan of my videos noon which sparked a sudden interest from me. I really appreciate all your support and I want you to know that I am proud of you. Congratulations on moving up and I am hoping that you will give me a second chance. A chance to prove myself of how much I like you. To let you know how much I'm serious about you."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na napahawak ako sa aking dibdib. Ang saya na aking naramdaman ay hindi masukat. Dali-dali akong nagtype at nagpasalamat sa kaniya.

"Thank you so much, Daniel! I wasn't expecting such greetings from you. Please give me enough time to think."

Nakakahiya man aminin pero kinilig at naiyak ako sa kaniyang mensahe. Nakita ko kung gaano siya ka seryoso sa akin.

Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos bago nagtungo sa hapag-kainan. Nagsuot lang ako ng simple pink dress at pinakulot ang buhok ko.

"Oh hali ka't kumain na tayo anak," Sambit ni mama. Abala siya sa paglalagay ng mga pagkain sa lamesa habang inaayos naman ni papa ang mga balloons. Sa araw na ito'y 17 na taong gulang na ako.

Kahit na simple lang ang handaan namin dahil sa kasalukuyang nangyayari sa ating paligid ay nagpapasalamat pa rin ako dahil kasama ko ang aking pamilya sa aking kaarawan.

Inaabangan ko rin ang tawag ng kapatid ko na nasa Paris ngayon. Wala na akong ibang mahihilang pa.

Naging maganda ang takbo ng aking kaarawan hanggang sa hindi ko na namalayan na gabi na pala. Paghiga ko sa kama ay kinuha ko ang aking cellphone at pinadalhan ng message si Daniel.

                            "Goodnight, Daniel🌙"
                                                               Seen

"Goodnight my Amaris."

Bawat araw pagkatapos ako pinadalhan ni Dan ng video greeting ay wala na akong maisip kundi kung ano ba talaga ang nararamdaman ko tungkol sa kaniya.

Unang araw ng buwan ng Hulyo ngayon at simula na rin ng aming bakasyon.

"Ano ba ang plano mo?" Nagtatakang tanong ni Katherine.

Pati si Alyza na busy sa kaniyang panonood ng Anime ay nakinig sa aming usapan.

"Hindi ko talaga alam but all I know is that one should always follow their heart."

"Basta alagaan mo lang yang puso m-" Hindi na natapos ang kaniyang sinasabi dahil biglang may tumawag sa akin.

Nagtinginan kaming tatlo at halatang-halata sa mga mukha nila ang kagustuhang makinig sa usapan namin ni Daniel.

"Dali na, sagutin mo na!" Kulit na sinabi ni Alyza.

"Speaker on mo ha!" Pahabol naman ni Katherine.

Umiling na lamang ako sa dalawang chismosang kaibigan ko at sinagot ang tawag.

"Amaris," He breathed out.

"Hmm, bakit ka napatawag?" I asked him softly.

Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magsalita.

"For the past months that we've been talking, I've realized how much I was falling for you. Your voice, smile, just you. Alam ko bawal ka pa magkajowa but I am willing to take the responsibility. Kahit ano, gagawin ko mapasaakin ka lang Amaris. I am willing to face your parents kung yun ang kinakailangan," He paused. "So, will you give me the honor of having you as my girlfriend?"

The whole time he was talking I just stared in space. My mouth was left hanging while tears welled up my eyes. I could see Alyza and Katherine jumping in their rooms out of excitement.

"Kumain na ba ang boyfriend ko?" Nahihiya kong tanong.

Sabay tumili sina Katherine at Alyza sa kilig at napasigaw ng "sana all" habang narinig ko naman na sumigaw si Daniel ng "yes".

"Seryoso ba 'to Amaris?" Ulit niyang tanong dahil sa saya.

"Gusto mo bawiin ko ang sinabi ko?" Biro ko.

Tumawa siya ng malakas at maririnig mo rin na siya'y parang tumatalon.

Napangiti ako sa sarili at sa aking sagot. Alam ko na mali ito dahil sinuway ko ang aking mga magulang subalit, mas pipiliin ko ang aking puso sa pagkakataong ito. Kung hindi man papalarin ay lubos kong tatanggapin ang aking parusa.

Ngayon ay masasabi ko nang boyfriend kita...

Daniel Joaquin Lim.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote.Share.Comment.






Soulless Dream of Amarisजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें