Chapter 11

9 2 0
                                    

2 MONTHS LATER...

       Wala namang nagbago mula noong naging kami ni Daniel. Everything has been perfect ever since. Ang bilis nga ng panahon at sa susunod na linggo na ang 2nd monthsary namin. Ever since the pandemic started our life has been like a cycle. The excitement and fun of our youth was snatched from us because of the pandemic. I didn't expect that in the midst of what's happening ay makakaramdam pa ako ng ganitong saya

"Amaris, tulungan mo nga ako dito anak," Tawag ni mama habang hinahalo ang chocolate cake mix.

Nagtungo ako sa sink at hinugasan muna ang aking kamay bago nagsuot ng apron. Kinuha ko ang ibang ingredients na pinapakuha ni mama at tumulong sa paghalo ng cake mix. Iniwan niya ako saglit dahil tinawag siya ni papa doon sa living room.

Sa sobrang abala ko sa paghahalo sa lahat ng ingredients ay hindi ko man lang namalayan na tumutunog na pala ang aking cellphone mula sa kitchen countertop.

"Daniel Lim," Biglang narinig kong sambit ni mama.

Nanlaki ang aking mata at nabitawan ko agad ang whisk. Lumingon ako kay mama at nakitang nasa kamay na niya ang phone ko. Mukhang message notifications yung tumutunog mula kanina pa.

Napalunok ako ng malakas at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Umaasa ako na hindi niya bubuksan ang mga messages namin ngunit, sa kasamaang palad, ay binuksan niya ito.

Parang nanigas ang mga paa ko at hindi na ako makagalaw habang nanlamig naman ang aking kamay sa kaba.

Anger and betrayal was clearly evident in her eyes as she scrolled through our conversations. I could see her eyebrows creasing as minutes passed by with me just standing still.

Nung ibinaba na niya ang phone ko ay mas kinabahan lamang ako. Halata mula sa kaniyang mga mata ang disappointment niya sa akin.

"Ma, I'm sorry..." I whispered.

I could hear her breathe in deeply, trying to calm herself down before speaking, "You just broke my trust in you, Amaris."

I nodded as I cried silently. I kept my head down, not having much strength to face her.

"You...you have a boyfriend?" Her voice got louder with each word she said.

The commotion got my dad's attention as he rushed to where we stood. He looked at us in mere confusion as mom fueled in anger.

"Matapos ka namin pagkatiwalaan ng buong-buo ay ganito ang igaganti mo sa amin?!"

Nilapitan na siya ni papa upang pakalmahin sabay tanong, "Bakit ka ba nagagalit mahal?"

Unti-unti akong tumingin sa kanila at humingi ng patawad.

"Ma,Pa...I'm so sorry..." I choked as I cried harder.

"Ayan! Yang magaling mong anak ay may jowa na pala!" Sigaw ni mama habang hinampas ang kitchen countertop sa galit. Napakunot naman ang noo ni papa sa kaniyang nalaman.

Kagaya ng reaksyon ni mama kanina ay makikita rin and disappointment mula sa mga mata ni papa.

"Ang bata mo pa para sa mga ganiyan Amaris!" Striktong sabi ni papa. "Imbes na pag-aaral ang atupagin mo ay iba na pala."

I closed my eyes in sadness and guilt as their words pierced through my heart.

"Nasaan yang lalaking yan?," Tanong ni papa. "Tawagan mo siya, ngayon na!"

Sa takot ay wala akong ibang nagawa kundi sumunod lamang sa kanila. Inabot ni mama ang phone ko sa akin at tinawagan ko si Dan agad. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso dahil sa kaba. Takot sa kung ano ang mangyayari kay Dan.

Soulless Dream of AmarisWhere stories live. Discover now