KABANATA 4

25.2K 833 54
                                    

Arianna's P.O.V.

I have been calling Rafael for almost 45 minutes now. Base sa kasi dalas ng contractions ng tiyan ko, malakas ang pakiramdam ko na manganganak na ako anytime.

I called his office. Wala raw siya roon. I called his cellphone, pero hindi naman siya sumasagot. I texted him several times, but he never texted me back.

Mukhang minamalas talaga ako. Wala rin kasi si Nina, ang nag-iisang naaasahan ko. Nakaka-frustrate na kung kailan ko siya kailangan, saka naman niya naisipang mangibang bansa. Kung kailan ko mas kalingan ang kanyang kalinga, no'n pa niya naisipang mawala.

Kaya naman out of desperation, napilitan akong tumawag sa parents ko. Labag ito sa kalooban ko, dahil hindi naman sila ang takbuhan ko. Ang kaso mo, wala rin naman palang silbi ang pagtawag ko. They were both out. Nasa cruise daw pala ang mga ito, sabi ng katulong.

I don't know what to do. I'm so afraid. Lalo na when I felt my water broke. Mas lalo pang tumindi ang takot ko, nang nag-umpisa na ang aking pagdurugo.

Halos gumapang ako papunta sa pintuan. Umaasang matutulungan ako ng mga karatig-Unit. Isa-isa ko silang kinatok. Pero ni isa sa kanila, ay wala namang tumugon sa akin. Palibhasa, puro mga nagtatrabaho ang mga nakatira sa mga condominium units sa gusaling iyon, kaya naman hindi na ako nagtataka, na wala talaga sa mga bahay nila ang mga nakira roon.

Ang sa akin lamang naman, nagbabakasakali lang. Wala rin naman kasi akong ibang option sa aking kasulukuyang sitwasyon.

I can almost feel my baby's head's ready to come out, kaya't sa takot ko na baka bumagsak siya sa sahig--kung magpupumilit akong maglakad, ay naupo na lamang ako sa sahig. Sumandal sa pader, sa tabihan mismo ng pintuan sa labas ng aming unit.

Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi lamang ang pisikal na panganganak, kung hindi ang pakiramdam ng nag-iisa. Iginala ko ang aking paningin sa lahat ng parte ng sahig na nadaanan ko. Droplets of my blood are almost everywhere. Tiningnan ko ang ibabang bahangi ng aking katawan. My legs are soaking in my own blood.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umiyak. Lalo pa't wala na akong lakas sa dami na rin siguro ng mga dugong nawawala sa akin. Nararamdam ko na rin na unti-unti na akong giniginaw. Isang hudyat na marami na ngang dugo ang nawawala sa aking katawan.

I have no other choice kung hindi umiri at subukang iluwal ang aking anak nang mag-isa. It was very hard and heartbreaking, lalo pa't wala akong mahagilap na suporta kahit man lang mula sa mga estranghero. Mag-isa lamang ako, walang karamay; gustong kumapit, ngunit wala namang may gustong hawakan ang aking mga kamay.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

I am alone in this cold earth--I am always aware of that, even when Nina is around... even when she can be found. Mas marami rin naman kasi ang mga pagkakataon na hindi niya ako nasasamahan, and I don't blame her for that. May sarili rin naman kasi siyang buhay, at karapatan niya itong bigyan ng pagpahalaga, kahit na ako pa ang pinakamatalik niyang kaibigan.

Napuno ng alingaw-ngaw ng aking mga impit na daing ang buong palapag. Daing na unti-unti na ring namang kumukupas, dahil sa unti-unti kong panghihina.

I felt my baby completely came out. Pero ang ipinagtataka ko, ay wala man lamang akong narinig na pag-iyak. I tried to reach for him between my legs, but I'm too weak. I could barely lift my own head. Sinipat ko siya sa kabila ng panlalabo ng aking mga mata. He's not moving. I don't think he's even breathing. I wanted to cry, but I passed out instead.

***

"Everything happens for a reason." Pangangaral ng isa sa mga nagmamagaling na mga kaibigan ng aking mga magulang.

I know she said that to make me feel better. Pero nainis lamang ako dahil I know, deep inside me, nothing can make me feel better. I just lost my child, na ilang buwan ko ring inasam na makita at maalagaan. I am hurting deep inside. I am mourning, and this is not one of those days na gusto kong mapagsabihan.

"Nasaan si Rafael?" Walang pakundahangang tanong ng isa pa sa mga plastic na kaibigan ni Mama.

Plastic, dahil 'yun naman talaga sila. Kunwari'y nakikiramay, pero ang totoo, gusto lamang nila ang maki-usyoso sa lahat ng mga tsismis at escandalo ng aming pamilya. Lahat sila ay tila nakangiti kapag ako'y nakaharap, pero 'wag ka, sa oras na tumalikod ako, ay ako na ang pinakamasamang babae na nang-agaw sa nobyo ng kakambal.

"Hindi ko po alam." Mahinang sagot ko.

"Hindi mo alam?" Nang-uuyam na tanong ng isa pa sa mga intrimitida. "Bakit hindi mo alam?" Tumaas pa ang isang kilay nito at tila pasimpleng ngumingisi, "Hindi ba't ikaw ang asawa?" At nagpaypay pa ito na akala mo'y kung sinong Donya.

Hindi na lang ako nagsalita. Bagkus ay tumayo at sinilip ang aking anak sa kanyang mumunting kabaong.

He looks so peaceful like an angel, habang ang puso ko'y nanakit, gulong-gulo ang isip, ang kaluluwa'y tila punit.

Wala akong balak umiyak sa harapan ng mga plastic, pero hindi ko naman ito napigilan. Hindi ko na lamang inalintana ang kanilang  mapanuring mga matang palihim na nangungutya sa aking pagkatao.

Nasaan na nga ba si Rafael?

Bakit nga ba wala pa siya rito?

Tatlong araw na simula ng manganak ako, pero hindi ko pa nakikita ni kanyang anino.

Wala ba talaga siyang pakialam, maski na sa aming anak?

Pati ba naman ang bata, ay idinadamay niya sa matinding pagkamuhi niya sa akin?

Ano nga bang klaseng tao ba itong minahal ko? Anong klaseng lalaki ba itong pinag-alayan ko ng buhay ko?

Kailangan ko ba talagang mauntog nang ganito kalakas bago ako magising sa katotohanan?

Ang katotohanang naging tanga ako.

Ang katotohanang naging martir ako.

Ang katotoohanang hindi ko talaga maaaring pilitin ang isang tao na mahalin ako.

I know he is with Brianna right now. I can feel it. I used to cry so hard, by the thought of it. But I guess it's true that... tragedies--more often than not, triggers the turning point in a person's life. 

Kapag nakaranas ka na pala ng mas masasakit pa sa buhay, ang lahat ng dating akala mo'y napakasakit na, ay tila mga gasgas na lamang kumpara sa mas malalaki at sariwang mga sugat na kasalukuyan mong iniinda.  Ang dating mahirap, mas madali na. Ang noon ay halos hindi mo malagpasan, ngayon, ay dadaan-daanan mo na lamang.

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now