KABANATA 25

21.6K 845 119
                                    

Arianna's P.O.V.

Nasa gilid na ako ng simbahan, sa loob bg bridal car, nag tinawagan ako ni Mrs. Roa.  Naroon na pala siya sa loob ng simbahan.

"Nasaan ka na?" Tumatawang tanong nito.

"Narito na po kami sa labas."

"Naku, mabuti naman. Dalian mo." Humahagikhik ito. "Dahil pakiramdam ko, kaunti na lang ay malapit nang mahimatay si Anton.  Nerbyos na nerbyos. Butil-butil ang pawis. Bakit ka ba na-late?" 

"Na-traffic lang po." Sagot ko. "Sige po, kailangan ko na raw pong bumaba sabi ng Maid of Honor ko." Tatawa-tawa ako, habang sumisenyas kay Cheska.  Siya kasi ang Maid of Honor ko.

"Ate ano ka ba naman." Habang tinutulungan niya akong bumama at ayusin ang gown ko, "Alam mo naman na ito ang greatest fear ni Kuya, bakit ka naman na-late ng ganitong katagal? Thirty-minutes late ka na oh." Ipinakita niya sa akin ang oras kanyang wrist watch.

"Sorry Cheska." Habang nagmamadali kaming humahangos sa may main door. "May nangyari kasing aksidente do'n sa dinaanan namin."

"Ay siya. Hindi bale. Ang mahalaga, narito ka na."  Binulungan nito ang isa sa mga wedding organizers na patugtugin na ang musika para bridal march.

Kinakabahan ako. Kabang hindi nawala habang naglalakad ako papunta sa altar.  Nasa bandang gitna na ako nang matanaw ko na nang malinaw si Anton. Abot sa magkabilang tenga ang kanyang mga ngiti. Mga ngiting hindi naman napawi hanggang sa natapos ang seremonya.

He was in tears before he could actually kiss me nang inanunsyo ng pari na pwede na niya akong halikan. He's so adorable in his own sweet little ways na pati ako ay nahahawa na sa pagiging sentimental niya. Everyone was shouting with joy for us.  Masayang-masaya si Anton sa kabila ng pangangantiyaw sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

"Sa wakas, natuloy din!" Sisigaw nila. Na susundan naman ng pagtatawanan

"Hawakan mong mabuti 'yan Anton, baka makawala na naman!" Kantyaw naman ng iba.

Our wedding was indeed one of the happiest days of my life. Sobrang saya rin sa reception, lalo pa't hindi naman siya tinigilan ng mga kabarakada niya sa pangangantiyaw sa kanya.

"I wish Walter is here."  Mahinang bulong niya sa akin, habang pinanonood namin ang mga bisita naming naglalaro ng kung ano-anong parlor games

Imbes na sumagot, ay pinisil ko na lamang ang kamay niya. He looked at me.  Mukha namang masaya siya, bagama't halata ko sa kanyang mga mata na nalulungkot din siya.

"Pasensya ka na kung nabanggit ko na naman siya." Sabi niya. "Naalala ko lang kasing pinagpustahan din namin noon kung sino ang magkakaroon ng mas magandang misis. Sayang... sayang wala siya rito para naipamukha ko sa kanyang... talo siya." Naglalawa ang kanyang nga mata.  "He's like a brother to me you know? He's the only brother I never had."

***

We're happy but really exhausted. Kaya nga matapos naming mag-shower nang magkasabay sa hotel na tinuluyan namin, ay hindi na namin nagawa pa ang dapat ginagawa ng bagong kasal.

But it wasn't for long though. Bandang madaling araw nang ginising ako ng kanyang mga halik. Mga halik at haplos ng paanyaya, para maiparating niya sa akin, na gusto na niyang makipagtalik.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now