KABANATA 12

18.7K 717 40
                                    

Arianna's P.O.V.

"Kapag may kailangan ka, kahit gabi na, iutos mo na lamang sa mga kasambahay." Sabi ni Donya Conception, habang iniaabot niya sa akin ang isang basong tubig. "Merong ilan sa kanila na gising hanggang alas-tres ng umaga." Tatawa-tawa ito.

"Alas-tres ng umaga?" Pag-uulit ko.

"Oo. 'Yung mga mas bata. Ewan ko ba kung anong pinagkakaabalahan nila. Malamang ay 'yung mga cellphones nila."

"Mabuti po hindi kayo istrikto."

"Hindi naman. Ang sa akin lang, basta't hindi naman nila ginagawa 'yun sa oras ng trabaho, walang problema."

Ininom ko na kaagad ang tubig na ibinigay niya sa akin.

"Ah, eh... Pasensya na po ulit sa kaguluhan kanina. Lalo po yatang nagalit sa akin ang anak ninyo. Huwag po kayong mag-alala, hindi naman po ako magtatagal dito. Kailangan ko lamang pong makahanap ng trabaho at matutuluyan."

"Hindi hija. Ako ang dapat humingi ng paumanhin sa iyo, para sa kanya. Katulad nga ng nasabi ko na, hindi naman talaga siya natural na masungit. Meron lamang siyang mabigat na pinagdadaanan ngayon, kaya't hindi ko rin masisi. Mabait naman 'yun, sa ordinaryong araw."

"Dahil po ba 'yun sa nangyari sa simbahan kanina?"

Tumango ito.

"Huwag po kayong mag-alala, naiintindihan ko po."

"Pangatlong beses na kasi ito, kaya masyadong dinidibdib na niya."

"Pangatlong beses na ano po?!"

"Oo." Seryoso na ang kanyang mukha. "'Yung una, do'n sa ina ng anak niya. 'Yung biological mom ni Kylie. Civil wedding lamang sana 'yun matapos maipanganak si Kylie. Ang kaso mo, tumanggi na itong magpakasal, nang malaman niya, na pipirma siya sa isang pre-nuptial agreement. Hindi na nagpakita simula noon. Ni hindi na rin dinalaw man lamang ang kanyang anak. It was only a year ago when we've heard. Nagpakasal na raw pala ito sa dati nitong nobyo. 'Yung pangalawa, ewan ko ba, medyo magulo 'yun. Away bati kasi sila ng isang 'yon. Basta't ang nangyari, hindi rin 'yun sumipot sa araw ng kanilang kasal. Sumama rin daw sa dating kinakasama. 'Yung dito nga sa pangatlo, nakialam na kami. Kami na ang nag-asikaso ng lahat para wala nang iisipin ang kampo ng babae. Kasunduan na nga ito para mas sigurado na. Hindi pa rin pala."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Bakit po ganun? Is there anything wrong with him? Well... aside po sa pagiging masungit? I mean, hindi naman po siya pangit. "

Natawa siya, "Gusto ko sanang sabihin na wala,dahil anak ko siya, pero yes. I think there is really something wrong with him."

"Masungit?"

Umiling siya. Nakabungisngis.

"Suplado?"

Umiling ulit.

"Topakin?"

Natawa siya, pero umiling ulit.

"Babaero?"

Umiling ulit siya. Nakangiti pa rin.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now