KABANATA 26

20.2K 758 159
                                    

Arianna's P.O.V.

I promised Anton to be calm, but I can't help it, lalo na when I 'm alone.  Takot na takot ako kapag hindi siya nakakatawag. Halos mahimatay rin ako sa nerbyos kapag hindi siya nakakauwi on time.  Daig ko pa ang nakasabit sa himpapawid na naghihintay na lamang kung kailan ako malalaglag.

My life has never been the same since our wedding day.  I am supposed to be happy--and I am happy. But not with all the worrisome things he told on our honeymoon though. That freaks me out, almost wanting to dissappear so I don't need to worry about anything. But my fear is right there, nagging me up the last fraction of my sanity.

One day after another. There was indeed unsuccessful attempts to kill him. Gamuntik na siyang mabaril sa gitna ng traffic jam, nang may dalawang taong magka-angkas daw sa motorsiklo ang bigla na lang pinagbabaril ang kotseng sinasakyan nina Anton. May nasugatan sa kanyang mga body guards. Bagama't non-fatal ay hindi naman nagbabago ang katotohanan na may gusto talagang sa kaniya ay magpapatay.

Ang isa pang unsuccessful attempt, ay nang bigla nalamang may naglabas ng panaksak sa isang restaurant. Uundayan sana nito ng saksak si Anton, kung hindi lamang ito napigilan ng kanyang mga guwardya. Sa kasawiang palad. Nakatakbo ang taong 'yon. Nakaligtas man siya roon ay nag-aalala pa rin ako, dahil hindi pa rin naman nagbabago ang katotohanang, pinagtangkaan at may nagtatangka pa rin sa buhay ni Anton.

"Anton." Umiiyak na daing ko isang gabi bago kami matulog. "I can't take this anymore." Niyakap niya ako.

"I know... I know.... But, please be strong for me and the whole family. Remember that I am doing the best I could to make this go away."

"But how?  How can you make this go away? Takot na takot ako Anton. I don't want to lose you. I love you so much, please don't leave me."

"Kailangang makuha ko na yung ebidensya kay Brianna.  I know it's risky, I know this could take my life, but this... this troublesome life we have right now won't stop unless I finally do it. Do you understand?"

"No, I don't."

"Aria please?"

"No!" Sumubsob na ako sa kanyang dibdib.

"I will need to go an get it myself. It might take some time kaya baka matatagalan akong mawawala. But I need you to promise me that you will do what I told you to do. Kung..."

Naiiyak na rin siya...

"Kung hindi na ako nakabalik or the moment na nabalitaan mo na may nangyari na sa akin. I want you to do what I already told you.  Don't waste any second. Do it immediately. Do you understand?"

And so I wept. Like I never wept before.

***

Anton discretely left in the middle of the night with 4 of his body guards and two civilian men na may takip ang mukha.  Anton instructed me to make it appear na nagtungo lamang siya sa isang business trip.  Gano'n ang pagkakaalam ng mga kasambahay at iba pang mga tauhan at empleyado ng Familia Gutierrez--maging ng mga bata at lahat ng aking mga in-laws. Kami lamang talagang dalawang mag-asawa, at ang ilan sa kaniyang mga tauhan ang nakakaalam ng totoo. Kung bakit gano'n ang kanyang naging kahilingan? Wala siyang sinabi, kaya't ang inisip ko na lang, ay baka ayaw niya lamang bigyan ng alalahanin ang kanyang mga magulang, anak at mga kapatid.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

He left to do some risky task, without a guarantee that he will come back alive--or if he will ever come back at all. At wala na na sigurong hihirap pa sa, wala akong nakaramay sa bahay, sa pag-aalalang itinatago ko sa aking kalooban

Dahil doon ay daig ko pa ang nagluluksa sa bawat araw na lumilipas.  Nakadungaw sa bintana--araw at gabi, at naghihintay sa kanyang pagbabalik. It's been a week. I don't know what is taking him so long to do one task, and why is he not calling us--or me. But one thing is certain. It is killing me inside and out.

"Aria. Kumain ka muna."  Alok ng biyenan ko. "Kahapon ka pa raw hindi kumakain ah."

"Wala po akong gana, Mama."

"I know you're worried. Kami rin naman. Anak ko siya. Nanggaling siya sa akin. Baka naman sobrang busy lang kaya hindi nakakatawag. Please take care of yourself. Lalo na sa kalagayan mo. 'Your baby needs nutrition. Please eat, para kahit man lamang sa anak ninyo ni Anton."

Hindi ako sumagot, pero kinuha ko ang soup na iniaalok niya. Hinigop 'yon at saka dumungaw ulit sa bintana.

Kung alam kaya ni Mama kung saan talaga nagpunta si Anton, will she say the same thing? Hindi kaya mas malamang na mauuna pa siyang maghisterya sa akin?

"Mama! Aria!" Humahagulhol na pagsugod ni Ate Alessa sa aming kuwarto ni Anton.

"O bakit?" Kinakabahang tanong ni Mama.

"Bumalik na raw ang dalawang body guards ni Anton. Nasa Ospital sila at mga sugatan."

"Eh si Anton Ate?!" Ako, umiiyak na.  "Nasaan daw si Anton."

Umiling ito at saka humagulhol. "They said he didn't make it."

"What?!" Gulat na gulat na utas ko.

"He's gone. Anton is gone."

"Where is he?!"  Naghihisteryang tanong ng biyenan ko."

"Parts of him are being investigated." Sagot ni Ate Alessa.

"What do you mean by parts of him?" Si Mama.

"Ayon do'n sa nakausap ko.  He was tortured for several days, killed and his body severed into pieces. Kinuhanan... p-pa raw ito ng recorded video.... na n-nakita sa pinangyarihan ng krimen."

"Oh my God, ang anak ko!" Naghihistertang tugon ni Mama bago nahimatay. Nasambot naman namin siya ni Ate at saka namin magkausong na inihiga sa kama namin ni Anton.

I was trying to calm myself nang maalala ko ang bilin ni Anton.  I need to get the folder from our safe.  The folder he prepared for this day, and take them to his lawyers and the police.

***

Kinumpirma ng mga nakatokang imbestigador na positibo ang DNA ni Anton sa mga natagpuan nilang pira-pirasong katawan sa pinangyarihan ng krimen.  Wala raw ang ulo nito dahil dinala raw ito ng dumukot sa kanya.

Hindi kaya ni Mama at Cheska na panoorin ang video, kaya't kami na lamang ni Ate Alessa at Kuya Melchor--ate Alessa's ex husband, ang naglakas loob na manood nito.

It was a grainy black and white video pero medyo kita naman ang mga mukha. I can positively hear Anton's voice screaming sa sobrang sakit kaya't kahit paano'y nakakasiguro ako, na siya nga at ang pumatay sa kanya ang nasa video na 'yun. Akala ko kaya kong tapusin... Hindi pala.

Sa muling paghiyaw ni Anton.  Habang tila pinuputol ang braso niya ay tumakbo na ako sa banyo ng presinto to throw up in a toilet bowl. I sat next to it after that; Panting.  And then I cried, and cried with some useless cries. Cries that will never ease the pain. Cries that will never be heard by Anton, again.

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now