KABANATA 11

21.3K 798 54
                                    

Arianna's P.O.V.

Nasaan na nga ba ang dating ako? Nagmahal lamang ako ng todo ay tila naiwaglit ko na ang buong pagkatao ko.

Nasaan na nga ba ang dating Arianna na matapang, palaban at may paninindigan? Tila nga yata pinabayaan na niya ngayon ang kanyang sarili, na maliitin at apak-apakan ng iba.

Nagmahal lamang ako ng totoo. 'Yun ang totoong ang naging problema ko. Pagmamahal na hindi naman nasuklian. Kahit na buong oras, panahon, karera at kinabukasan ko na, ang walang pag-aatubiling isinuko ko para rito.  

Gusto ko pa ring magdamdam kay Rafael; ang magkaraoon ng panahong, maipagluksa ko ang aking anak, pati na rin ang pagkakataong dumaing sa Panginoon, sa lahat ng nawala sa aking lakas at panahon.

Lumagpas na sa akin ang masakit na KAHAPON. Yumakap na rin ang walang katiyakang NGAYON.  Darating kaya ang BUKAS?

Ang sarap maligo. Pakiramdam ko ay maraming pasanin ang pansamantalang dinadala ng mainit-init na tubig mula sa shower, pababa sa sewer. At bagama't magaan na rin sa pakirmamdam ang umimpis ko nang puson at tiyan, ay naalala ko pa rin ang aking anak na dating naroroon—ang aking anak na hindi ko man lamang naaruga at naalagaan.

Ang ganda ng guestroom. Tripleng mas maganda at mas malaki sa kuwarto ko no'ng dalaga pa ako. May sariling banyo na may shower and bath tub. May mga makabagong vanity furnitures and walk-in closet. Ang hihigaan ko ay isang queen-sized canopy bed, at ang iba pang mga kasangkapan do'n ay talaga namang mga de primera clase. Daig ko pa ang isang prinsesang bisita. Parang nahihiya lalo tuloy ako. Dahil na rin siguro sa katotohanang, ang may ari ng mga ito, ay hindi naman talaga ako kilala—at hindi rin ako kilala.

Ilang minuto na akong nakahiga, nang maalala ko, at maramdaman muli ang matinding uhaw. Kaninang-kanina pa nga pala ako uhaw na uhaw. Kaninang naglalakad pa lamang ako sa kalye, bago pa man ako natagpuan ni Donya Conception.

Naku. Paano kaya ako kukuha ng tubig sa kanilang kusina? Sa laki kasi ng mansyon, ay hindi ko na matandaan ang pasikot-sikot na dinaan namin kanina.  

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Nasaan nga ba ang papuntang kusina? Sa kaliwa ba, o sa kanan? Nalilitong kakamot-kamot lamang ako habang nakasilip ako sa may pintuan. Hindi makapagdesisyon, kung aling direksyon ang aking pupuntahan.  Alam kong nasa-ibaba 'yun, at nasa ikalawang palapag ako ngayon. Kaya nga ang aking ikalawang tanong, ay nasaan na nga ba ang hagdanang inakyatan ko kanina?

Hay naku. Malaki rin naman ang bahay ng parents ko, pero hindi naman 'yon ganito kagara at kalaki. Isang tingin ko pa lang sa mansyong ito, ay tila tatlong beses na mas malaki ito kumpara sa bahay ng mga magulang ko.

Bahala na. Tatandaan ko na lamang siguro—simula ngayon, ang lahat ng aking lalakaran. Para kung sakaling mawala man ako, ay makakabalik pa rin ako sa kuwartong tinutuluyan ko.

Madilim na sa mga pasilyo. Pero mabuti na lamang at may mga nightlights sa bawat sockets. At least nakikita ko ang nilalakaran ko, kahit na medyo kinakabahan talaga ko, dahil hindi naman nagbabago, na hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Ano ba 'to? Bakit ba ang laki ng bahay na 'to? Ilan kaya silang nakatira rito? Ilang kasambahay kaya ang nagtutulong-tulong na linisin ito.

Nakita ko na ang hagdanan. Diyos ko, ba't kasi napakatarik naman! Bagama't kumukurba ang hugis nito, at malalapad ang bawat baitang. Nakakatakot pa ring bumaba roon sa dilim, lalo na siguro kung walang hawakan. Mabuti na lang may hawakan, kung saan ay kumapit-tuko ako, habang bumababa ng dahan-dahan.

Ang susunod na problema ko. Saan kaya ang susunod kong destinasyon? Naku, mas madilim pa naman sa ibaba. Bukod doon ay napakalawak pa nito at napakaraming pwedeng puntahan. Dahil sa takot kong maligaw, umupo muna ako ikalawang baitang para. Nag-iipon ng lakas ng loob; ginagawang motivation ang aking matinding pagka-uhaw.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang