KABANATA 6

30.8K 872 77
                                    

Rafael's P.O.V.

"Akala mo ba maiisahan mo ako?"

Tinig 'yon ng isang babaeng nagkukubli, sa madilim na bahagi ng isang eskinita, na malapit lamang sa maliit na kuwartong pansamantala kong tinutuluyan.

Walang isang segundo, nakaramdam ako kaagad ang matinding kaba. Lalo pa't bago ko pa man din ito maaninag, ay naamoy ko na sa simoy ng hangin, ang isang pamilyar na mamahaling pabango.

"Brianna." Bulong ko. Habang lumilitaw na siya sa maliwanag na bahagi ng naiilawan ng poste.

That smug look on her face doesn't surprise me anymore, but undoubtedly stirs my stoicism like never before.

Paano kaya ako natunton ng babaeng ito? Ano, at sino na naman kaya ang ginamit niya para malaman ang kinaroroonan ko?

I hate her.

I loathe her to death right now.

She's the last person I ever want to see anyday. Bukod kasi sa hindi ko matanggap na minsan kong pinag-alayan ng buhay, panahon at tunay na pagmamahal ang babaeng ito, ay hindi ko rin masikmura kung ano ang kaya niyang gawin, para lamang mawala sa kanyang landas ang kanyang kakambal na si Arianna.

Ang una niyang dahilan? She can't accept that she lost me when I decided to marry her sister. She thinks it was a total embarrassment on her part, since everybody knows that I was hers.

Ang pangalawang dahilan, she wants her dead, so she could get everything they are supposed jointly inherit from their parents.

At pangatlo, she's envious of her, for many reasons only God knows what else.

"Just as I've said..." Habang marahan niya akong iniikutan sa aking kinatatayuan. "What makes you think na maiisahan mo ako?"

Hindi ako nagsalita. Pinakiramdaman ko lamang ang kanyang marahang paglalakad, habang ipinapadausos niya ang kanyang hintuturo sa aking dibdib, paikot sa gilid aking kanang braso, likuran at gilid ng aking kaliwang braso. Ito ay habang patuloy pa rin niya akong iniikutan.

"Ibinenta mo ang shares mo kay Conrad?" Pagtutuloy niya, "Alam mo bang mas pinadali mo lamang ang pag-angkin ko sa dati mong kumpanya!"

Tiningnan ko siya ng matalim, nang dumako na siya sa aking bandang harapan.

"O bakit?" Nang-uuyam na sabi niya, habang pansamantalang nakahinto sa aking harapan, "Don't you think I can't make him kiss my feet, just like that?" Kasabay ng kanyang huling salita ang pagpitik niya sa kanyang kanang mga daliri, sa bungad mismo ng aking mukha. "Kung ikaw nga, napaamo ko noon..." Muli niya akong inikutan, "Halos ibigay mo na nga pati ang kaluluwa mo sa akin, 'di ba? Ikaw nga na di hamak na mas kilala na ako, ay napaikot ko sa mga palad ko na parang gago, siya pa kaya?"

"'Yun naman pala eh. Ano pa bang kailangan mo sa akin?" Ako, sa mababang tono.

"Hindi ka pa tumutupad sa usapan!" Sinundan niya iyon ng isang malakas na sampal sa aking mukha, "Ang sabi ko, kailangang ibangon mo ang aking dignidad sa mata ng maraming tao dahil sa pagpapakasal mo kay Arianna. Pumayag ka, hindi ba? Ang usapan natin, ipahihiya mo rin siya sa maraming tao. Ang usapan natin, wawasakin mo siya. Ang usapan nati--"

"Hindi ba't nangyari na ang lahat ng 'yan sa pag-abandona ko sa kanya? Ano pa ba ang gusto mo?"

"Bakit? Sino ba ang gumawa ng paraan para mangyari ang mga nangyari sa kanya? Hindi ba't ako? Ang sabi ko, ikaw ang gagawa. Pero sa mga nangyari, ako lamang ang kumilos! Alam mo ba kung magkano ang ibinayad ko kay Nina, para lamang masiguro ko na hindi mabubuhay ang sanggo--"

"Anong sinabi mo?" Nag-abo't-abot ang paghinga ko. "Bakit? Anong kinalaman mo sa pagkamatay ng anak namin?"

Huminto siyang muli pahiris sa aking kanan, at saka niya ako nginisian.

"Ano sa tingin mo?"

Sinugod ko siya. Mahigpit na pinigilan sa kanyang magkabilang braso, at saka ko siya iniyugyog sa sobrang galit, "Ano sabi eh!" Ramdam ko na rin ang pagbukal ng mga luha sa aking mga mata, maging ang unti-unting pag-iinit ng aking pisngi bunga ng matinding emosyon.

"Aba!" Kumawala siya at lumayo sa akin nang mahigit pa sa isang dipa. "Malay ko ba na sagad ang katangahan ng Arianna na 'yan, para inumin ang kahit ano mang ipinaiinom sa kanya ni Nina. Kaya nga maganda na rin 'yang namatay na ang anak ninyo, para naman hindi na madagdagan pa ang mga bagong silang na tanga sa mundong ibaba--"

Sinampal ko siya ng malakas. Halos tumilapon siya sa akin ginawa. Pero imbes na indahin iyon, ay tinawanan lamang niya ako, na mas lalo namang ipinag-init ng ulo ko.

Madalim na ang paligid. Alas nuebe na kasi ng gabi. At dahil naroroon kami sa isang sulok na nakakubli sa magulo at maingay na lugar, ay wala namang nakakapansin sa amin. Sanay na kasi ang mga tao roon sa mga nagbubuntalan. Sa mga lasing na nagrarambulan. Sa mga siraulong bigla na lamang nag-aamok, at sa mga mag-asawang pisikal na nagsasakitan at nagbabatuhan ng kani-kanilang mga kasangkapan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Mas nagdidilim na ngayon kumpara sa aking kapaligiran ang aking paningin. Sumagad na sa buto ang galit ko kaya't wala na akong pakialam. Messing with mine and Arianna's life is severe enough, and finding out that she has something to do with our child's death, is definitely my last straw.

I want to kill her right now. You have no idea how much I want to hold her neck with my bare hands and snap every bones in it. Pero bago pa man din ako nakalapit sa kanya, ay may dinukot siya sa kanyang bag, mabilis na ikinasa at itinutok sa aking mukha.

It was a .22 small caliber handgun. Pero sa sobrang lapit ng aming distansya. Siguradong patay ako sa isang kalabit niya.

"I'm not going to hesitate to kill you, since I don't really need you anymore." Parang sa baliw na ang ekpresyon ng kanyang mukha, "Kaya ko na rin namang patayin si Arianna nang mag-isa, at pagkatapos ay palalabasin na ikaw ang pumatay sa kanya. Pero dahil mabait ako, at gusto ko pang maglaro, bibigyan pa kita ng isa pag pagkakataong mabuhay nang mas matagal. Pero 'yun ay, kung susundin mo lamang ang lahat-lahat ng mga ipag-uutos ko sa 'yo."

"Hinding-hindi na ako magpapagamit sa 'yo." Ako, sa mababang tono.

"Oh really?" Nakangising sambit niya, "Ito ba ay kahit na sabihin ko sa 'yo, na hawak ko ngayon ang buhay ni Arianna?"

Inilabas niya ang kanyang cellphone gamit ang kaliwang kamay--habang hawak pa rin ng kanyang kanan ang baril na nakatutok sa aking mukha. Pinindot niya ang cellphone na 'yon, iniharap sa aking mukha, at saka ipinakita sa akin ang live video ni Arianna sa aming bahay.

She's asleep in our bedroom. But there is also somebody in there--sa kanyang bandang paanan, intently watching her sleep. Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko nang unti-unting iniuunat na ng taong 'yon ang kanyang braso. Hawak-hawak ang isang baril sa kanyang kanang kamay, na unti-unti naman nitong itinututok sa natutulog kong asawa.

"Sabihin mo lang, kung ayaw mo na talagang sumali sa aking laro, Rafael." Habang binabawi na niya ang kanyang cellphone, "Pasalamat ka nga at pinasasali pa kita. Dahil kung hindi, isang tawag ko lang, Arianna is done. My major problem is gone."

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora