PROLOGO

47.7K 1.1K 84
                                    

Ang sabi nila. Masarap daw ang magmahal. Ang sabi nila. Mas masarap daw ang mahalin. Ang sabi ko naman, paano kung...

Hindi ko mahal ang nagmamahal sa akin, o ang mas malala, hindi ako mahal ng taong minamahal ko?

"Buntis ako." Sabi ko kay Rafael.

Ang lalaking mahal ko. Ang lalaking nagmamay-ari ng aking puso.

"Buntis? Papaano ka mabu'-"

"Nagsinungaling ako," Umiiyak na pang-amin ko, "Hindi totoong nagpi-pills ako. Sinabi ko lamang 'yun para makampante ka. Sinabi ko lamang 'yu--"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Stop, right there, Arianna!" Iniharang niya ang kanyang kanang palad sa aking mukha. "Are you trying to tell me na niloko mo lamang ako, nang gabing 'yon?"

"I-I have no choice Rafael. K-kung hindi ko sasabihin sa 'yo 'yun, are you going to sleep with me?"

Hindi siya nagsalita. Ngunit wala nang mas lilinaw pa sa ibig sabihin no'n. Umiyak na lamang ako. Pag-iyak na hindi ko pa nagagawa sa harap ng kahit sinumang tao.

"Alam mong si Brianna ang gusto ko," Si Brianna'y ang aking kakambal. "Alam mong siya lamang ang gusto ko, at wala nang iba. Malinaw sa 'yo 'yan sa simula pa lang. Maging no'ng gabi ng ating pagkakamali." Nanlulumo ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Pagkakamali? 'Yun lang ba ako sa 'yo, isang pagkakamali?" Umiyak na ako nang tuluyan. "Magkamukha naman kami ah, magkasingtaas, at halos pareho lamang naman kami ng kilos at galaw. Parehas lamang din kaming may pinag-aralan, at may kani-kanyang karera. Ano bang meron siya na wala ako, Rafael?"

"Mahal ko siya... 'Yun ang meron siya, na wala ka."

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now