KABANATA 27

19.2K 786 92
                                    

Arianna's P.O.V.

I chose to have his remains cremated, just so I can take him with me wherever I go. I want his ashes right in our room, just so I can feel him close.

Tila wala nang pinag-iba ang araw at gabi simula nang mawala siya. Para sa akin. Parati na lang gabi. Parati na lang madilim at hindi na siguro magliliwanag pa. Nakadungaw ako sa bintana pero wala naman akong nakikita. Nakatulala na para bang hindi na tumutuloy ang agos ng buhay.

Kung hindi lamang talaga para sa batang nasa sinapupunan ko. Ayoko na talagang ituloy ang buhay ko. Ano pa nga ba ang silbi na naririto nga ako, kung wala na rin naman ang lalaking pinakamamahal ko?

Akala ko, masakit na ang ginawa sa akin ni Rafael, at ang mga nangyari sa akin noon ang pinakamalulungkot nang yugto ng aking buhay. Pero ngayong naririto ako at dinadama ang pagkawala ng taong nagmahal sa akin ng lubos, ay tila namamanhid ang buo kong pagkatao sa sobrang sakit. Sakit na hindi na siguro nawawala hangga't akoy nabubuhay.

Pero alam ko, kailangan kong maging malakas para sa anak namin. At kailangan ko ring maging matapang para sa pagkuha ng hustisya laban sa mga taong posibleng may kinalaman sa kanyang pagkamatay.

Si Rafael at si Brianna. Sila lamang ang naiisip kong may pakana ng lahat. Sila lamang ang naiisip kong maaaring magtangka sa kanyang buhay--dahil sa kanilang kuneksyon sa kaso ng pagkamatay ni Walter, and only God knows what else.

***

Dahil sa mga ibinigay kong dokumento sa mga abogado ni Anton, at pati na rin sa kinauukulan, ay muling nabuksan na nga ang kaso ni Walter.

"Bakit si Rafael lang ang sinampahan ng kaso?", Tanong sa akin ni Mama Conception. Naririto kami ngayon sa ika-limang cross examination day ng kasong iyon.

"Hindi ko rin alam Mama." Bulong ko. "Nang tiningnan ko 'yung mga dokumento ni Anton, si Rafael lang talaga ang idinidiin niya. Nagtataka nga ako kasi ang alam ko, si Brianna talaga ang pinagsususpetsahan niya."

"Naguguluhan ako." Sabi ni Cheska. Nakatingin lang naman si Ate Alessa.

Hindi na ako nagsalita. Tinitingnan lamang si Rafael na naka-upo sa harapan para sa cross-examination.

"Rafael Guerrero." Utas ng abogadong nagko-cross examine sa kay Rafael. "Uulitin ko ang tanong. Ikaw ba, o hindi ikaw ang pumatay kay Walter Soriano?"

"Hindi po talaga ako. Wala akong pinapatay!" Nagpapanic ito.

"Wala kang pinapatay? Kung wala kang pinapatay? Bakit ikaw rin ang itinuturo ng mga ebidensya na siyang pumaslang kay Anton Gutierrez."

"Objection your honor!" Utas ng abogado ng dipensa, "Leading. This court proceedings is for the murder trial of Walter Soriano's case, not for Anton Gutierrez."

"Sustained." Sagot ng hukom. "Please rephrase your question." Sabi nito sa Prosecutor.

"Yes your honor." Sagot ng Prosecutor. "Mr. Rafael Guerrero." Pagbaling nito kay Rafael, "Kung hindi ikaw ang pumatay kay Walter Soriano, ay sino?"

Uumiiling si Rafael na parang naghihisterya.

"Hindi ako! Hindi ako! Siya po! Siya po ang pumatay kay Walter!" May itinuro ito sa audience.

It was Brianna.

Nagkagulo sa korte. "Order in the court!" Hiyaw ng hukom. "Kung hindi ninyo pananatilihing tahimik ang aking husgado. Palalabasin ko kayong lahat."

Pinagsabihan din nito ang panig ng depensa na pakalmahin ang kanilang kliyente.

Tumahimik naman ang lahat. Kumalma rin naman si Rafael. Tumingin ako kay Brianna. Kalmado lamang din ito.

"Kung iba at hindi ikaw ang pumatay, bakit ikaw ang nakarecord sa vid---"

"That's a spliced video to frame me. Pero siya talaga ang pumatay kay Walter. Siya!"

"May ebidensya ka?" Tanong ng Prosecutor.

"Your honor." Utas ng Defense attorney sa hukom. Habang lumalapit dito "Magsusumite po ang depensa ng mga bagong ebidensya."

Iniabot nito ang tig-dadalawang piraso ng disk sa hukom at sa panig ng opensa. Tinaggap naman ito ng hukom at pinamarkahan.

Tumingin ako kay Brianna. Halatang nag-panic ito ng kaunti. Pero bago ko pa matanggal ang aking paningin sa kanya, ang tumawag na ng ilang minutong recess ang hukuman.

Kitang-kita ko ang pasimpleng pag-alis nito. Na siya namang naging dahilan ng pagwawala ni Rafael.

"Huwag niyo siyang pakakawalan, siya ang pumatay kay Walter! Siya! Siya!"

***

Ang dalawang video na isinumite ng depensa, ay ang mismong mga video na mag-aabsuwelto kay Rafael.

The first video was a clear alibi. It was a video recording from a third party na may timestamp na nasa isang hotel si Rafael kasama ang kanyang nga kaibigan nang eksatong oras na maganap ang krimen. Hindi raw ito nailabas kaagad dahil sa nakunan din nito ang pagpa-pot session ng magkakaibigan at pakikipagtalik nila bilang isang grupo sa iisang prostitute.

A murder accusation weighs more than the scandal. Kaya siguro minatamis na lamang ni Rafael na ilabas ito kaysa naman ang madiin siya sa pagpatay sa taong hindi naman talaga niya pinatay.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Ang pangalawang video ay ang mismong original uncut video na itinatago ni Brianna sa bahay niya sa Alabang. 'Yun mismong video na pilit kinukuha ni Anton na naging mitsa ng kanyang buhay. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung paanong napunta 'yun sa panig ni Rafael? Sino ang tunay nakakuha no'n? Si Rafael bao si Anton. Kung si Anton, bakit ito na kay Rafael. Kung si Rafael naman, eh ano pala ang ipibagbuwis ng buhay ni Anton?

The first and second video gave Rafael the ticket to freedom. His case as the accused murderer of Walter Soriano has been dismissed.

The second video on the other hand, puts Brianna and a certain masked tall male figure as the new prime suspect for the murder. Ilang araw din silang pinaghahanap ng mga alagad ng batas, but only Brianna was caught and put on trial.

***

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Rafael sa akin, matapos niyang maabsuwelto. "Things will be better, you'll see."

Umiling muna ako, bago ko sinabing, "It'll never be better anymore without him."

The horizons may be clearer for Rafael. But not for me. I don't know who really killed Anton and nobody could really tell me who actually tortured and killed him in the worst possible way. Nakamaskara kasi ang nasa video. Walang trace ni walang clue.

"Don't lose hope, Aria. Kung kailangan mo ako, nandito lang ako."

Those words could be so comforting for me kung noon ko ito narinig sa kanya. Noong mga panahong baliw na baliw pa ako sa kanya. Noong mga panahong mahal na mahal ko pa siya. But no words from anyone can comfort me anymore. If not for Anton's flesh and blood inside of me. If not for our child. I am no better off than a dead person.

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now