KABANATA 5

26K 948 54
                                    

Arianna's P.O.V.

I've already seen this coming, but I never expected that it'll be during the worst circumstances. Isang buwan na ang nakalilipas matapos na mailibing ang aming anak, pero ni anino ni Rafael ay hindi ko na nakita. Hindi na siya umuwi. Tuluyan na nga niya akong inabandona.

Ang nakapagtataka lamang, ay kung bakit, hindi man lamang siya nag-empake. Ni hindi niya dinala ang kanyang mga damit, maging ang mga pinaka-importante niyang personal na gamit. Kung ano 'yung dala-dala niya noong huling araw na umalis siya ng bahay, yun lamang din ang wala sa mga kagamitan niya ngayon. Kung ano 'yung suot-suot niya noong huling araw na umalis siya ng bahay, 'yun lamang din ang damit na wala sa cabinet niya.

"Hay naku, magkasama ang dalawang 'yun ni Brianna for sure." Si Nina. Naririto kami ngayon sa isang coffeeshop.

"'Yan din ang iniisip ko dati." Sagot ko. "Pero hindi naman nawawala si Brianna. Hindi man kami nag-uusap, but she's visible everywhere."

"Did you checked his office? Sino na ngayon ang namamahala ng negosyo niya?"

"I did. Pero wala na rin doon ang sekretarya niya. Iba na ang naroroon. May iba nang nakapwesto sa kanyang opisina. Isang lalaki na hindi ko kilala. Ang sabi niya. Siya na raw ang bagong may-ari ng kumpanya. Ibinenta raw ito ng asawa ko sa kanya."

"Tinanong mo ba siya kung alam niya kung nasaan si Rafael?"

"Oo. Tinanong ko siya. Pero ang sabi niya, hindi raw niya alam."

"Ha? Huwag mong sabihin na tuluyan ka nang nilayasan ni Rafael?"

"Ewan ko Nina. Alam kong hindi ako mahal ni Rafael. At alam ko rin na ni wala akong halaga sa kanya kaya't alam kong magiging madali lamang para sa kanya ang iwanan ako. Pero masama ang kutob ko. Malakas ang pakiramdam ko na may nangyari nang masama sa kanya."

"Paano mo naman nasabi 'yun?"

"Look. Lahat ng bagay na mahahalaga sa kanya, nasa safe pa niya. Pati mga pera, mga alahas na minana niya sa parents niya, mga bank accounts at mahahalagang papeles niya ay naroon pa. So paanong sasadyain niya mawa--"

"Talaga? S-saan nakalagay? Ba't wala naman akong nakitang gano'n sa safe niyo sa kuwar--to..."

"Pa'no mo nalaman na may safe kami sa kuwarto?"

Halatang-halata ang pagkagimbal sa kanyang mukha. Namumutla. Ang pagkilos niya ay halatang hindi mapakali.

Tanga lamang ako sa pag-ibig. Pero hindi naman ako tanga para hindi mahalata ang kakaibang ikinikilos ni Nina.

"H-hindi ba itinuro mo sa akin dati? Remember?" Tatawa-tawa siya, bagama't halata ko naman na fake lang ito.

Hindi. Hindi ko 'yun itinuro sa kanya kahit kailan.

"Ang ganun ba?" Pagtatanga-tangahan ko para lamang magpanggap na wala akong nahahalata. "Sorry nakalimutan ko."

"Eh kasi naman, puro si Rafael 'yan nasa kokote mo." Habang tinitingnan niya ang mga daliri sa kanyang mga kamay, na tadtad ng mga mamahaling sing-sing." So may iba pa pala kayong safe sa bahay huh." Hindi ito nakatingin sa akin.

"No." Diretsahang agot ko. "'Yun na mismo ang safe na tinutukoy ko. Nasa bandang likuran lamang siguro 'yung mga tinukoy ko. Baka 'yun ang dahilan kung bakit hindi mo nakita nung itinuro ko kamo ito sa iyo."

I lied. Itinodo ko na ang pagpapanggap na tanga. Mahirap na. Dahil kung totoo man ang kutob ko na may hidden agenda siya, ayokong mas maging agresibo siya lalo pa't wala akong kasama sa bahay.

"Ah... ok." Sagot niya.

There is something about her uncanny smile. Something na hindi ko matukoy, bagama't sigurado naman ako na hindi ito maganda. Knowing my bestfriend isn't true to me is bad enough. Realizing she's even thinking of something really bad against me--or my property, is even worse. The way I see it. I can no longer trust her with my life anymore.

I don't know what exactly is going on with all the people around me. But I sure am willing to understand all of these mess soon enough.

"Ahm. Best." Sabi ko habang tumitingin sa aking wrist watch "Sisimba muna ako, g-gusto mo bang sumama?"

"Are you kidding?" Tatawa-tawa siya. "Of course not. Sige na, magpakabanal ka na. Ipagdasal mo na rin ang nawawala mong asawa."

I've never noticed her facial expressions this way before. Akala ko talaga noon, sincere ang mga ngiti niya. Magkaparehas naman ang mga ngiti niya noon at ngayon, pero ibang-iba na talaga ang epekto nito sa akin ngayon. Siguro dahil alam ko na ngayon na hindi ko naman pala talaga siya tunay na kaibigan. Siguro dahil alam ko na ngayon, kung ano ang kaya niya gawin sa akin kapag hindi ako nakatingin.

Katatapos lamang ng unang misa nang makarating ako sa simbahan. Kaya naman napakaraming tao ang dumadagsa papalabas, habang ako naman ay nagbabalak makapasok sa loob.

Tumatabi ako para paraanin ang mga tao--sa bungad ng pintuan, nang bigla na lamang may humila sa akin papunta sa loob ng confession booth.

"Rafael?!" Gulat na gulat na utas ko nang makita ko na ang mukha ng estrangherong humila sa akin.

"Ako nga." Nakasuot siya ng baseball cap underneath his hoodie jacket.

"Where have you been?" Umiiyak na ako, "Alam mo na ba ang nangyari sa anak natin?"

Tumango siya, kalakip ng malungkot na ekspresyon ng kanyang mukha. "I'm sorry kung wala ako sa tabi mo pero kasi..." Umiyak na siya, "Hindi ko alam kung maiintindihan mo kung ano ang totoong nangyayari. Pero gusto kong malaman mo ang lahat, para maunawaan mo na rin ang totoong sitwasyon."

Hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang ginawa. Ikinulong niya ako sa kanyang mga bisig at saka niya ako buong lambing na hinalikan sa aking mga labi. Naging matagal iyon, mariin at malalim. Bagay na hindi ko maalala kung nangyari na noon sa amin.

"May sulat ako para sa 'yo." Bulong niya sa aking tenga, "Inilagay ko ito sa ilalim ng washing machine sa laundry area. Pakiusap na huwag mo itong ipakikita o babasahin sa bahay natin?"

"Pero bakit?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"May mga hidden camera sa bahay. Kahit sa banyo, bodega at laundry area ay meron. Pero alam kong may anggulo sa laundry area na hindi natutukan ng camera. May nakaharang na tubo kasi sa bandang kanan ng kinalalagyan nito. 'Yun ang dahilan kung bakit doon ko inilagay ang sulat ko para sa 'yo. Heto..." May iniabot siya sa akin na maliit na piraso ng papel, "Eto ang numero ko. Tawagan mo ako kapag nabasa mo na. Pero huwag mong gagamitin ang cellphone mo. Gumamit ka ng iba, para hindi nila tayo mate-trace."

Tumango lamang ako matapos kong abutin ang papel na iyon.

"Mag-iingat ka, Aria." Maiyak-iyak na sambit niya habang sinasapo ang aking mukha.

Tumango lamang ako bago niya ako hinalikang muli. Mga halik na hindi ko inaasahan mararanasan ko mula sa kanya. Mga halik na punong-puno ng paglalambing at pagkasabik. Wala man siyang sinasabi sa nararamdaman niya, ay damang-dama ko naman ito sa init ng kanyang mga yakap.

Mahal niya ako. Mahal ako ni Rafael.

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon