KABANATA 3

32.7K 960 67
                                    

Rafael's P.O.V.

"Anong nangyari rito?!" Gulat na gulat na tanong ko kay Brianna, nang matagpuan ko siyang duguan, kasama ang nakahandusay na si Walter--my business partner.

Naroon sila mismo sa aking opisina.

"T-tulungan mo ako Raffy..." Agaw-buhay na utas ni Walter, habang pilit inaabot ng kaliwang kamay niya ang aking kamay. Habang ang kanyang kanan naman, ay sapo-sapo ang kanyang duguang sikmurang may nakatarak na punyal.

"Anong ginawa mo?" Pagbaling ko kay Brianna.

Hindi ito sumagot. Nakatulala lamang ito na pinagmamasdan ang kanyang mga duguang kamay.

Nagmadali akong lapitan si Walter, binuhat ito at hinila mula sa kanyang likuran, bago ko ito iniupo sa pinakamalapit na upuan... ang aking swivelling chair.

"T-tanggalin mo. T-tanggalin mo!" Tinutukoy ni Walter ang kutsilyo sa kanyang tiyan.

Natatarantang tinanggal ko naman ang punyal na nakatarak sa kanyang sikmura. Nagulat ako, dahil pekeng punyal pala ito.

"You killed him." Nasabi ni Brianna sa wakas, na may kasamang ngisi at matatalim na mga tingin. "You had an argument, as you usually do in front of your employees, and then you snapped and killed him." Anya.

"What?!" Natutulirong sagot ko.

Sa gitna ng aking pagkataranta, ay bigla na lamang siyang humalakhak... maging si Walter. Habang ako naman ay gulat na gulat na pinagmamasdan ang kanyang pagtayo mula sa kanyang kinauupuan.

"Ayos ba ang acting namin?" Tanong ng tatawa-tawang si Walter, bago niya iniitsa ang mga bituka ng hayup, na kunwari'y mga bituka niya.

"Don't you know that by simple video editing and reverse playback, ay pwede kong palabasin na sinasaksak mo siya?" Si Brianna, habang pinupunasan niya ng wetwipes ang mga kamay niya.

"What the f--ck is this all about?" Tanong ko sa dalawa, habang sila naman ay lumalakad papasalubong sa isa't-isa upang maghalikan mismo sa harapan ko.

"Give me your shares, Raffy. And I will keep you out of trouble." Nakangising wika ni Walter.

"Trouble?"

"Yes, trouble." Si Brianna, habang papalapit ito sa akin, para laru-laruin ang collar ko.

* * *

"Sir Raffy! Sir Raffy!" Sumisigaw na pagsugod sa akin ng aking sekretarya isang umaga.

"Bakit?!" Sagot ko, habang papasok na ako sa opisina ko.

"Si sir W-walter po..." Utas nito, habang ako naman ay inililibot ang aking paningin sa loob ng opisina kong, pinagpipiyestahan na ng mga pulis, paramediko at imbestigador.

Dahan-dahan akong pumasok, habang nakapako ang aking paningin kay Walter, na wala nang buhay na nakaupo sa aking swivelling chair. May nakatarak nang tunay na punyal sa sikmura nito, ang hitsura at posisyon niya ay katulad na katulad noong iniupo ko siya sa swivelling chair ko noong isang linggo.

"Maari ko ba kayong maimbitahan sa presinto, Mr. Guerrero?" Seryosong salubong sa akin ng isa sa mga imbestigador.

***

Brianna killed him. Wala akong hawak na matibay na ebidensya, but I know that for sure. Sino pa ba ang gagawa noon, kung hindi siya? Ang hindi ko lamang masigurado, ay kung papaanong kumagat si Walter sa patibong ng demonyong babaeng 'yon. Ang kanyang pagkagat, na siya naman mismong naging mitsa ng kanyang buhay.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

I know that evil woman killed him. Tulad na rin ng ilang beses niyang pagtatangka sa buhay ng kakambal niya. Mga pagtatangkang binabaliktad niya, kapag pumapalpak ang mga plano niya. Ang resulta? Sa mata ng mga tao, siya ang mabuti, si Arianna ang masama; siya ang anghel si Arianna ang demonyo.

Kung ebidensya ang pag-uusapan. Mas may ebidensya si Brianna laban sa akin. Isa na roon ang video na kinuhanan nila ni Walter, nang sinet-up nila ako sa aking opisina. Ang ebidensyang ginagamit din niyang panakot sa akin, kung hindi ko susundin ang lahat ng mga ipinag-uutos niya.

Una niyang iniutos ang pag-set up ng hidden cameras sa aking sariling bahay at opisina. Sumunod ay ang ipakita ko sa kanya, na hindi ko tinatrato ng maayos si Arianna. Ang aking pagsunod, kapalit ng pagtatago niya ng mga ebidensya laban sa akin. Ang aking pagtupad sa kanyang kagustuhan, kapalit ng kaligtasan ni Arianna at ng aming anak.

Tawagin mo na akong duwag. Pero ano ba ang gagawin mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Hindi bale kung ako lang ang mapapahamak, pero kung madadamay ang aking asawa't magiging anak, ay ibang usapan na 'yun.

"Rafael." Salubong ni Arianna sa akin sa aking pag-uwi kinahapunan. "Nagluto ako ng paborito mong kare-kare. Gusto mo na bang kumain?"

Gustong-gusto ko siyempre. Lalo pa at nasa malayo pa lamang ako, ay naamoy ko na ito. Gamuntik na akong mapasagot ng oo. Kung hindi ko lamang nasulyapang gumalaw ang hidden camera, ay hindi magbabago ang mood ko.

"Ayoko." Malamig na sagot ko sa asawa ko. "Hindi ako nagugutom." At saka dirediretsong lumakad sa kuwarto ko.

Oo. Sa kuwarto ko, dahil isa sa kasunduan namin ni Brianna, ang hindi kami pwedeng matulog sa iisang silid ni Arianna. Hindi rin kami pwedeng magsiping o magkuwentuhan man lang.

"B-bakit? Naghapunan ka na ba?" Pahabol na tanong nito. Naroon na ako sa mismong pintuan ng kuwarto ko.

Hindi pa. Nagugutom na nga ako eh. At gusto ko talagang maghapunan kasabay mo. Ang makipagkuwentuhan sa iyo, ang yakapin ka at maghagkan.

"Ano bang pakialam mo, kung naghapunan na ako o hindi?!" Masungit na singhal ko sa kanya bago ako tuluyang pumasok ng aking silid at isinara ang aking pinto.

Shit. This is not getting any easier. Lalo na kapag nasusulyapan ko ang magaganda ngunit malulungkot niyang mga mukha.

Tumunog ang cellphone ko. One message received from the evil woman: Good job.

She's definitely watching. Watching our every move. Hearing our every conversations. Knowing everything as if she's a god!

Wala na akong nagawa kung hindi ang patayin ang ilaw sa aking kuwarto, para hindi niya ako masyadong makita sa camera. Pagkatapos noon ay sumiksik ako sa isang sulok, at tahimik na umiyak na parang isang batang pipi.

Hindi ko na kaya ito. Kailangan ko nang makahanap ng paraan para makawala kay Brianna.

'Yung paraang sigurado.

'Yung paraang hindi niya mahahalata.

'Yung paraang... hindi ko pa alam kung ano at paano.

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now