KABANATA 14

18.8K 768 36
                                    

Arianna's P.O.V.

Dati rati, gustong-gusto ko talaga kapag umuulan. Naaaliw akong panoorin ang pagpatak ng tubig habang nakadungaw ako sa labas ng bintana.

Gusto ko ang tunog ng pagtama at pagtalbog ng bawat patak ng tubig-ulan sa bubungan; ang tila musikang paglagaslas ng tubig na nagmumula sa mga alulod, pati na rin ang naka-aaliw na paghampas ng hangin sa mga dahon ng puno at mga sanga.

Gusto ko ang ulan.

Kakaibang tao nga siguro ako, sapagka't gustong-gusto rin noon ang tunog ng dumadagundong na kulog. Natutuwa rin ako sa pagguhit ng pumipilantik na kidlat, na tila bahagyang nagkukubli sa kulay abong alapaap. Kaya nga't hindi ko akalain na hahantong ang mga panahong ito, na hihilingin kong hindi na muna sana dumating ito. Lalo't higit ngayong napagtanto kong...

Gusto ko lamang pala ang ulan kung hindi ako mababasa.

Gusto ko lamang pala ang pagdaluyong ng hangin, kung hindi ako giginawin.

Gusto ko lamang pala ang kulog at kidlat, kung nakasisiguro ako na hindi ako tatamaan.

Inabot ako ng ulan sa daan. Kaya naman halos madapa na ako sa paghangos sa pinakamalapit na bus stop na may waiting shed. Ang kaso mo, bago ako nakahanap at nakasukob sa isa, ay huli na ang lahat. Basang-basa na ako. Pati na ang lahat ang lahat ng dala-dala ko.

Medyo tumila rin naman ang ulan. Pero kapalit naman noon ay ang humahagibis na hanging tila humuhuni pa sa himpapawid. Ginaw na ginaw ako, pero maging ang jacket ko ay basang-basa. Hindi ko alam alam kung saan ako sisiksik. Lalo na nang naubos na ang mga taong nagbabantay ng masasakyan, na siya namang nakatutulong na humarang sa ihip ng hanging hunahampas sa aking katawan.

Hatinggabi na nang halos nanigas na ako sa lamig. Bumibigat na rin ang aking pakiramdam... mukhang dinapuan na ako ng sipon. Kakaunti na ang mga dumadaang sasakyan, at halos wala na ring mga tao sa lansangang iyon. At katulad ng nakagawian ko na...

Nag-iisa na naman ako. Nag-iisang nakasiksik sa isang sulok ng bukaskas na waiting shed na 'yon. Nag-uumpisa nang uminit ang mga mata ko, kaya't alam kong anumang oras maaring lalagnatin na rin ako. Pero ano nga ba ang magagawa ng isang tulad kong palaboy kung hindi ang magtiis?

I passed out because of extreme cold. Ayoko sana ang nakakatulog ako sa lansangan dahil sa takot na ako'y manakawan. Pero hindi ko na kinaya ang lamig. Hindi na rin kinaya ng resistensya ko ang pagdapo ng sipon, pananakit ng lalamunan, na may halong lagnat. I have no better choice but to sit there. Wala rin naman akong magagawa kahit maghangad ako ng iba.

"Aria... Aria..." Mahina pero malinaw kong nadidinig sa aking pagkakaidlip.

At bagama't nararamdaman kong inaalog, at bahagyang tinatampal ako ng gumigising sa akin, ay hindi ko talaga nagawang imulat ang aking mga mata.

I am really sick at alam ko na mataas na rin ang aking temparatura. Kaya naman hindi na ako nagtatakang sumund na roon ang tuluyang pagkawala ko na sa aking kamalayan.

***

"Yes, she's still here." 'Yun ang nadidinig kong mga kataga, habang bumabalik ako sa kamalayan. "Don't worry, ok? Have a safe trip. Bye." Pininot na nito ang hawak na cellphone. "Aria?" Nang mapansin niyang gising na ako, at nakatingin na ako sa kanya.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon