KABANATA 22

20.6K 836 159
                                    

Arianna's P.O.V.

I insisted I have to go, at inirespeto naman nila 'yon.  Except of course sa mag-amang Anton at Kylie. Umiiyak si Kylie habang sumasakay na ako sa kotse—si Anton ang maghahatid sa akin. Ang hindi ko lamang maintindihan ay... kung bakit may dala-dala rin siyang malaking bag.

"Para saan 'yan bag mo sa likod?" Naglakas loob na akong tanungin siya, nang nalapit na kami sa kuwartong aking uupahan. "Mag-a-out of town ka?"

Hindi siya nagsalita. Inihinto na niya ang kotse sa tapat mismo ng aking titirhan.

Siya ang nag-unload ng mga bagahe ko, siya rin ang nagdala ng mga 'yon sa kuwarto ko, ang ipinagtaka ko lamang talaga, ay kung bakit pati 'yung bag niya ay dinala niya rito.

"So?" Anya, habang tinitingnan ang maliit na espasyo ng aking kuwarto. "Dito tayo titira?" Isinara na niya ang pintuan.

"Tayo?"

Tiningnan lang niya ako, kinuha ang bag niya, binuksan, at sinimulan ng ilabas ang lahat ng mga damit niya.

"May banyo pero walang kusina?" Sabi niya, habang inilalagay na niya ang mga gamit sa kalahating parte ng kabinet. Lumilinga-linga pa rin sa kapaligiran. "Di bale, we can eat out naman.  But, we are getting a better place, eventually, right?" Lumingon na siya sa akin, at natagpuan niya akong nakatulala.

"We?" Ako.

"Yes, we."  Nakabungisngis siya.

"No. You're going home Mr. Gutierrez."  Kinuha ko ang nga damit niya sa kabinet, pinaglalagay muli ang mga 'yon sa bag.

"I am home."  Kinuha niya ang bag sa akin at inilagay ulit ang mga damit niya sa cabinet.

"No. This is my home. You, you better go back to your palace Prince Charming." Kinukuha ko ulit ang bag, pero ayaw niyang bitawan.

"How can this be a home if you're all by yourself?"

Hindi ako sumagot.

"The Prince go, where his Princess go." Inilagay na niya pati bag niya sa cabinet, isinara at sinandalan niya 'yon.

Nakipagbuno ako para mabuksan ang cabinet. Humahalakhak na hindi naman siya natinag.  Bagkus, ay sinunggaban niya ako, binuhat at saka nakahigang ibinaba sa kama. Babagon sana ako, pero pumaibabaw siya sa akin. Pigil-pigil ang magkabila kong kamay sa magkabilang tabi.

"You're not going anywhere without me, from now on."  Hinalikan niya ang aking noo, na bumaba sa ilong, na bumaba sa mga labi.

He's a good kisser. Really, really good. Nakapanglalata.  Nakadadala. Nakawawala sa sarili.

"Sandali nga, Anton."  Nang makabalik ako sa huwisyo.  Nagpumilit akong bumangon, pinabayaan naman niya ako. "Hindi pa kita sinasagot, kung makapagdamba ka diyan akala mo boyfriend na kita." Inayos ko ang sarili.

"But you like it, didn't you?" Nginitian niya ako ng pilyo.  Kumindat pa.

Hindi ako napakali. Pero pinigilan ko ang aking sarili.  Kung bakit ba naman kasi napakaguwapo ng lalaking 'to. Di lang guwapo, sexy pa at mabango. Kung di lang sana gusto ko munang pahirapan ang gagong 'to, matagal ko na siyang tinikman. Ang kaso mo... Gusto kong makaganti sa pagsusungit niya sa akin, pati na rin sa, pagsesante niya sa akin nung first day ko sa trabaho.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon