KABANATA 15

20.1K 696 26
                                    

Arianna's P.O.V.

Wala na yatang mas nakakailang pa sa taong tinititigan ka nang mahigit pa sa limang minuto, pero wala naman itong sinasabi. Mabuti sana kung hindi matatalim ang kanyang mga tingin, at mabuti sana kung nakangiti man lamang siya.

Makaraan ang mahigit sampung minuto na naka-gano'n lamang siya, ay unti-unti ko nang inilawit ang aking kanang paa mula sa canopy bed na kinauupuan ko. Sumusulyap-sulyap ako sa kanya, kaya't alam kong sinusundan niya ako ng tingin kahit saan ako magpunta.

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga titig niyang iyon. Pero para sa akin. Hudyat na 'yun na kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang umpisahan ang mag-empake, dahil ayaw niyang nakikita pa ang pagmumukha ko sa pamamahay nila.

"Ano ginagawa mo?" Masungit na tanong niya, habang pinapanood niya akong nagpaparoo't-parito. Nag-eempake na ako ng mga damit kong inilagay nina Melay at Betchay sa closet.

Napahinto ako. Iniipit ang mga labis kong buhok sa gilid ng aking magkabilang panga, papunta sa likuran ng aking magkabilang tenga. "Ahm. I'm sorry kung nandito na naman ako." Muli kong itinuloy ang pag-eempake. "H-hindi ko naman alam na dito ulit ako mapapadpad." Medyo sumisinghot ako dahil may sipon pa rin ako. "Sorry talaga... An-" Naalala ko bigla na ayaw niyang tawagin ko siya on a first name basis, "S-sir." Isinara ko na ang zippers ng luggage ko. "M-magbibihis lang ako nang mabilis, aalis na rin ako."

"Aalis ka?!" Iritable ang ekspresyon ng kanyang mukha, "Tapos ano? Aablahin mo na naman sina Papa at Mama sa paghahanap sa 'yo kung saan-saan?"

Natigilan ako. Hindi makapagsalita.

"Magbihis ka nga ng matinong damit!" Nakatingin siya sa malaking T-shirt na suot ko. "Hihintayin ka namin ng mga bata sa ibaba."

"H-ha? Bakit?"

"Anong bakit?!" Medyo nagulat ako sa pagkakasabi niya "Anong balak mo, ang magmukmok dito? Para ano? Para lalo kang magkasakit at magkapurwisyo ng ibang tao sa pag-aalaga sa 'yo? Sinabihan ako ni Mama na isama raw kita sa pamamasyal ng mga bata sa Park. Para masinagan ka naman daw ng araw!" Medyo pabalang ang kanyang pagsasalita, na para bang labag na labag sa kanyang kalooban ang ipinag-uutos sa kanya ng kanyang ina. "Bilisan mo!" At saka ito umalis.

***

Akala ko naman ay napakalayo ng Park na 'yun. Park pala 'yun do'n mismo sa kanilang first class subdivision. Malapit lamang iyon sa Mansyon, kaya't naglakad na lamang kami papunta roon.

Makukulit ang mga bata at masayahin-siya rin naman sa kanila. Nakikipagharutan pa nga ito sa mga ito. Nakikilundag, nakikitakbo. Pero ewan ko ba kung bakit kapag napapadako ang kanyang mga tingin sa akin, ay awtomatikong sumisimangot ito. Sinasamaan niya ako ng tingin. Mga tinging tila kaunting kalabit na lamang ay magbubunga na siya ng usok at apoy.

"Hey, Anton!" Pagbati ng isa niyang kakilala sa Park. Isa itong lalaking mga kaidaran din niya. May kasama itong babae at isang batang lalaki "Are you on vacay?"

"Yup." Sagot naman ni Anton

"Oh yeah... I heard about..." Hindi na nito itinuloy. Mukha namang nagkakaintindihan na sila. Maaring ang tinutukoy nito, ay ang naunsiyaming pagpapakasal ni Anton. "Will you be ok?"

"Yup." Matipid na sagot ni Anton.

Ilang mga tao pa ang nakasalamuha namin sa Park, and they only have one thing to ask Anton: Ang tungkol naunsiyami niyang pag-aasawa. Halatang ayaw na talaga niyang kalkalin pa ng mga tao ang mga nangyari, pero dahil natural na atribido at tsismoso ang mga tao-lalong-lalo na sa mga kapalpakan at eskandalo ng ibang tao-they simply don't care. Tanong pa rin sila ng tanong. Kalkal pa rin sila ng kalkal. Na para bang, nasisiyahan sila na halos walang maisagot sa kanila si Anton. Dumating na nga 'yung puntong, napapamura na si Anton. Partikular na, kapag mayroon na naman siyang mga kakilalang papalapit.

"Good riddance."

"Mas maganda na nga 'yung nangyari."

"You deserve better."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Ang ilan sa mga pampalubag loob na namumutawi sa kanilang mga bibig, 'yun ay matapos nilang i-violate ang privacy at comfort zone ni Anton-sa pagtatanong ng kung ano-ano. They thought they look sincere. But I know people like them, they are nothing but bunches insensitive people, who has covert pleasures on poking their noses on other people's predicaments. Alam niyo ba 'yung mga tao na, sikretong natutuwa sa kamalasan ng iba, dahil napaglilibangan nilang isipin at pag-usapan ang buhay ng ibang tao?

"Papa, can you tie my shoe laces please?" Nakakatuwang itinaas na ni Kylie ang kanyang kanang paa, at ipinatong 'yun sa tuhod ng kanyang ama habang nakaupo ang huli sa bench. Tahimik na itinali lamang naman 'yun ni Anton.

"Hey Anton!" Sigaw na naman ng isang pang bagong parating. Isa itong lalaking kumakaway-kaway pa sa kanya habang papalapit.

Kitang-kita ko ang pagbubuntong-hininga ni Anton, habang ibinababa na nito ang paa ng kanyang anak.

Tumayo si Anton,"Dale." Mahinang pagbati niya sa bagong dating.

"Kailan ang balik mo sa opisina mo?" Tanong nito, na mabuti naman at kakaiba, kumpara sa mga itinanong ng mga nauna sa kaniya kanina.

"Maybe next week." Kalmadong sagot ni Anton.

"Kumusta na ang ate mo?" Napatingin ito kay Harvey. Mukhang ang mother ni Harvey ang tinutukoy nito.

"Hayun, workaholic pa rin."

"What's new, right?"

Tumango lamang si Anton. Nakangiti.

"Well, if that makes her happy, right?"

"Yup." Matipid pala talagang magsalita si Anton sa ibang tao.

"So pa'no pare," Tinapik nito sa balikat si Anton, "Medyo business kasi ang pakay ko sa 'yo, but I do not want to ruin your break so... I'll see you next week?"

"Sure."

Tinapik pa siya nito ng isang beses sa braso, bago tuluyang umalis.

"Tito, will you have time to fix my bird's house today?" Tanong ni Harvey kay Anton. Naglalakad na kami pabalik sa Mansyon.

"Sure." Ginulo nito ang buhok ni Harvey, "Maybe this afternoon."

"Really?" Namilog ang mga mata ng batang lalaki.

"Yes, really." Nakangiting sagot ni Anton.

"Buti ka pa you have time for me." Nakangusong utas ni Harvey, "Unlike my Dad he's always away. Mom doesn't have time for me either."

Hindi na sumagot si Anton. Malamang ay iniiwasan na makapagsabi ng hindi maganda, tungkol sa mga magulang ng kanyang pamangkin.

"Papa can you fix my Barbie and my doll house as well?" Si Kylie naman.

Nagtama ang aming mga mata ni Anton. Nailang ako, kaya't ako na lamang ang umiwas ng tingin.

"I'll see what I can do, Kylie. But, we'll fix Harvey's bird's house first, ok?" Nadinig kong sabi ni Anton.

"Ok." Sagot naman ni Kylie.

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now