KABANATA 16

19.3K 794 67
                                    

Arianna's P.O.V.

"So, you're Brianna San Carlos' infamous twin sister, huh?" Nakangising utas niya sa akin, habang inaayos ang bird's nest ni Harvey, "The so-called wicked and shoddy version of herself?"

"K-kilala mo si Brianna?"

Hindi siya umimik kaagad. Tiningnan niya lamang ako ng makahulugan, bago niya ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

"How much did she paid you, to make it into our residence?" Nakangisi pa rin siya.

"A-ano?"

Hindi ulit siya sumagot, bagkus ay binigyan lamang niya ako ng pekeng ngiti.

"How long did you practice, to act that innocent?"

Nalilito ako. Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi niya.

"O baka naman ikaw na mismo si Brianna?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "I'll be damned. You look exactly the same!"

Hindi ako nagsalita. Naiilang sa pagtingin niya sa bawat parte ng aking pisikal na pagkatao. Inikutan pa niya ako, na tila namamangha sa eksaktong pagkakamukha namin ng aking kakambal.

"Papa'no mo nakilala si Brianna?" Ako, nang dumako na siya sa aking harapan.

Tiningnan niya ako ng matalim, "Magkano?"

"Magkano ang alin?"

"Magkano ang kailangan mo para lubayan mo na ang pamilya ko?"

"Hindi ako si Brianna."

Tumawa si Anton. "I like your acting. But it's not working." Isinasabit na niya ang nayari na niyang bird's house sa sabitan nito.

"Hindi sabi ako si Brianna."

"Listen to me... bitch!" Mas inilapit na niya ang kanyang mukha sa aking mukha. Gigil na gigil. Galit na galit. "I don't know what's your plan this time, and I don't know what you're doing to charm my Parents, but let me tell you this. I'll gonna keep my eyes on you. And I'm not gonna stop, until you rot in hell!" 'Yun lang at galit na galit na humangos na siya sa loob ng Mansyon.

***

Obviously kilala ni Donya Conception si Brianna kahit hindi pa niya ito nakikita. At obvious din, na mas kilala ito ni Anton dahil alam nito ang hitsura ng kapatid ko. Ang hindi ko lamang alam, ay kung ano ang kuneksyon ng kapatid ko sa kanila; at kung bakit galit na galit si Anton sa kanya.

Hindi kaya 'yun ang dahilan kung bakit halos nakadikit na ang mukha niya sa akin, no'ng araw na nasampal ko siya? Hindi rin kaya 'yon ang dahilan kung bakit mainit ang dugo niya sa akin? Ano nga kaya? Ano nga kaya ang ginawa ni Brianna sa kanya?

"Pagpapasensyahan mo na si Anton, Aria." Malumanay na sabi sa akin ni Donya Conception, habang nagkakape kami sa may hardin kinabukasan. "Magulo lamang ang utak niya ngayon kaya kung ano-ano na ang nasasabi at naiisip."

"Nagulat lamang po ako dahil kilala niya si Brianna. Ano po ba ang atraso ng kapatid ko sa kanya?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now