KABANATA 23

18.3K 685 110
                                    

Rafael's P.O.V.

"I heard Arianna's dating Gabriel Antonio Gutierrez."  Nakangising balita sa akin ni Brianna.  Habang abala ako sa mga ginagawa ko sa aking opisina. "Darn little piece of trash survived after you abandoned her after all."

Hindi ako nagsalita. Pinipilit pigilan ang hindi ko siya masakal.

"Kung sa bagay. Anton Gutierrez is far better than you are, don't you know? He's wealthier, more goodlooking, taller, sexier, smarte--"

"Will you shut up ang leave me alone? What else do you want from me?"

Nakakabuwisit na nilapitan ako nito, umupo sa armrest ng swivelling chair ko at saka niya nilaro-laro ang buhok ko sa likuran.

"Simple lang." Anya, "I want you to break them apart."

Nilingon ko siya at sinamaan siya ng tingin, "Leave her alone, bitch!"

Sinagot niya ako ng halakhak bago umalis sa tabi ko at saka muling pumunta sa may harapan ng lamesa ko.

"Hindi ka ba nagseselos?"

Nagseselos. But, I'm not that selfish not to let her go now that she found a better man.

"It's none of your business." Sagot ko. Itinuloy ko lang ang ginagawa ko sa laptop ko.

"O really?  Hindi ka ba natatakot na si Anton din mismo ang nagpupursiging mabuksang muli ang kaso ni Walter? That could put you in jail, do you know. And these?" Iniladlad niya ang kanyang braso, "All these you have valued in exchange of Arianna will be brought to nothing."

"Wala akong ginawa kay Walter. Ikaw ang pumatay sa kanya. Kung meron mang dapat makulong, ikaw na 'yun. Ikaw lang yun!"  Mataas na ang boses ko.

Humalakhak ulit ang babaeng demonyo.

"Bakit? Ako ba ang sumaksak sa kanya according sa ebidensya ko?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Nakakapikon. Iyon at iyon na naman ang panakot niya sa akin. Parati na lang. Lalo na kapag may gusto siyang ipagawa sa akin. Nakakasawa na. Malapit na talagang maubos ang aking pasensya.  If I only know where that is. I will get ang destroy it myself.

"Bibigyan kita ng options para maiwasan ang jailtime.  Either... mapatunayan mo ang totoo, which by the way, will never happen. O, ang tanggalin mo sa landas mo si Anton."

"What?!"

"You heard me." Nakangisi pa ang demonya. "That's like hitting two birds with one stone. Kung papatayin mo siya.  You will do me a favor to part him with Arianna,  and that will do you favor as well, since wala nang magdidiin sa 'yo sa kaso. Ano?"

Tila umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko. Hindi mapakaling tumayo. Natutuksong hambalusin na lamang basta ang babaeng nasa harapan ko.

"Sagad-sagaran na ang kasamaan mo Brianna, and I don't even know where that came from. Listen to me, bitch!  Kahit anong gawin mo. Makuha mo man ang lahat ng gusto mo sa mundo. You will never be as good as Arianna. She will always be better than you..."

"No!" Galit na galit siya.

"She will always be more beautiful..."

"No, she's not!" Gigil na gigil siya na halos manginig na siya.

"More wonderful..."

"Fuck you!" Namumula na.

"Sexier..."

"I hate you!"

"Prettier..."

"Shut up you piece of shit!" Binato niya ako ng mga kagamitan ko mula sa lamesa ko.

Humalakhak ako. "Brianna... Brianna! Alipin ka na talaga ng inggit."

"Hindi ako naiinggit sa kanya!" Binato ulit ako ng mga natitira pang gamit mula sa aking lamesa.

"Oh yes you are." Nakangisi ako, "You're freaking out because you've just heard that she found the man you wish you had instead of Walter. Am I right? Dahil sa una pa lang, si Anton talaga ang gusto mo, dahil siya ang mas mayaman at makapangyarihan kumpara sa naging nobyo mo. Kaya nga you made sure na nauunsyami lahat ang plano nitong pagpapakasal. Kinukuntsaba mo ang mga naging nobya niya kapalit ng pera at kaligtasan nila. And now that you've learned that he is romantically involved with your worst possible rival. You're so deeply upset you couldn't handle it. So, now you want Anton dead as well? Well you listen to me you hopeless evil whore!" I was so angry I can no longer watch my words, "I will never be your--"

"If you won't kill Anton, he'll put you in jail. "  Parang nababaliw na sabi niya. "If you won't kill kill him, damn you bet, I'll kill your Mom... Oh wait, ang daddy mo na lang kaya. Or mas better siguro, kung pareho sila."

That was a deal breaker.  Nagdilim ang paningin ko kaya't nasampal ko siya. Tumilapon siya sa sahig. Dadamputin ko sana siya ulit pero nakuha niya ang kanyang baril at itinutok niya ito sa akin.

"Listen here, you stupid son of a bitch!" Anya, habang itinatayo ang sarili niya.  "You will call  Anton, meet-up with him somewhere and then kill him. I want you to chop him to pieces and bring some parts of him to me. Don't you dare cheat, because I'm going to have his DNA checked.  If not..." Ipinakita ulit niya ang phone niya kung saan ay nakita ko ang live video sa bahay ng aking mga magulang.  May mga tauhan pala siya sa bahay. Nakabantay mismo sa aking mga magulang.  "Somebody's going to be dead from your family in his place."

[ITUTULOY]

Darating kaya ang bukas? [PUBLISHED]Where stories live. Discover now