Back To The Barrio

12.2K 399 10
                                    

                Masakit man ay nagawa pa ring ihatid sa airport ni Ms. Cruz ang kanyang itinuturing nang anak sa pagkadalaga na si Pete. Wala silang imik sa loob ng sasakyan habang patungo roon. Sumusunod lamang si Pete sa kung ano ang ipinaalala sa kanya ng kanyang pangalawang ina dito sa Guild City. Naging madali lamang ang proseso ng mga papel ng beki kaya agad din naman itong makakauwi na sa kanilang lugar.

                “Ms. Cruz…” at last Pete started the conversation. Ms. Samantha just stared at Pete, waiting for his next words to utter. “…maraming salamat po sa lahat ng ito… Humihingi din po ako ng dispensa dahil hindi ko po nagawa ang responsibilidad ko ng mabuti bilang scholar ninyo” maluha-luhang pagpapatuloy nito.

                Ms. Cruz let out a small air. “You know Pete, I know that you have done your job perfectly… you don’t need to be sorry… Pero mukhang di ka na mapipigilan my dear, take care always there and I’ll not give up to give your victory a justice” sabay hawak sa mga balikat ni Pete na nagpatulo ng mumunting luha sa gitna ng matipid na ngiti nito.

                Ang pamamaalam na iyon ay isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ng dalawa. Pero naniniwala si Ms. Cruz na hindi papayag ang nasa taas na pabayaan na lamang ang mga magagandang nangyari sa buhay ni Pete. Marahil ay may plano ito para sa mabuting batang tulad niya.

                Lumipad na ang eroplanong magdadala kay Peter de Jesus sa kanyang orihinal na tahanan. Ito ang bagong pahina sa buhay niya. Alam niya sa kanyang sarili na kakayanin niya lahat ng pagbabagong ito. Isang kembot lang ito for him.

---

                Hinatid na nga ako ni Dreno sa aming simpleng tahanan sa kabukiran matapos ang kadramahan ko doon sa pinakaunang parte nitong istorya. (Basahin niyo nalang ulit kasi masakit sa bangs mag narrate muli. Nakakabawas ng ganda!) Ayan na nga ang tawa ng pamilya ko matapos akong sabunutan at batukan ni Cory na medyo luhaan din. Ewan ko nga ba sa babaeng ito. May built-in sigurong water refilling station dyan sa mata. Chos!

                Nagsalo-salo kami ng aking pamilya, ng BFF ko na si Cory at syempre ng leading man ng kabundukan na si fafa Dreno matapos ang mga eksenang MMK kanina. Halos para na akong anak ni ‘baby Ama’ sa dami ng pagkain na bibitayin pagkatapos. Haaay! Namiss ko ito! Nakakakain ako ng normal.

                Ayaw kong lokohin ang sarili ko na hindi maisip ang mga nakaraang nangyari pero sinusubukan kong limutin muna ang lahat ng ito. Pero hindi ko pa naman naisip na ipukpok sa ulo ko yung bato na nakita ko kanina para lang magka-amnesia. Halos isumpa ko na iyong pagtuntong ko sa siyudad na iyon pero may mga pangyayari din naman na masaya at iniingatan ko dito sa aking puso.

                “Hoy bakla! Tulaley ka dyan? Sabihin mo lang kung ipapadala na kita sa hospital para masuri yung utak mo” pagbibigla ng aking kaibigang anak din ata ni Janice.

                “Puny*ta! Binibilang ko lang yung mga nakilala kong Koreano… Ipapainggit ko kasi saiyo” nakangisi kong sabi. Umirap naman siya kasi alam kong hindi siya makamove-on na nakapunta na ako sa pangarap niyang lugar. Ba’t di nalang siya pumunta dun? Kaya naman niya eh. Magsawa siya sa mga Koreano.

                “O anak, mamaya na kayo dyan maghugas… May mga prutas dito oh, at yung paborito mong manggang kalabaw” sigaw sa amin ni mama. Niligpit na kasi namin dito sa lababo yung hugasan.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now