Guild or Not?

17.9K 514 10
                                    

                “Mr. de Jesus, I think you… can at least close your mouth now and respond to that statement” nagising ang aking diwa sa narinig ko. Nahiya ako bigla at nakatitig pala sa akin sina Dean and si Ms. Samantha Cruz, yung babaeng nagrequest na makipag-usap sa akin, yung judge sa contest kanina. Napansin ko din na ngumisi nang bahagya si Ms. Cruz dahil nga nakabuka ata talaga nang pagkatagal-tagal ang aking bibig dahil sa mga narinig ko kanina sa kanya. Hindi pa rin nagsink-in ang mga words nya sa brains ko. Dire-diretso pa naman. Anong nangyari sa brain neurons ko? Si Mr. Dean ay napahilamos ng mukha at napayuko nalang na tila kinakahiya ang inasta ko.

                Hindi pa rin ako makapaniwalang maririnig ko mula sa babaeng ito ang mga katagang “Mr. Pedro or shall I call you Pete de Jesus, I am Samantha Cruz by the way and I actually am from Guild University College of the ARTS and been visiting different schools to look for potential scholars. I’m honestly impressed by your performance earlier at the contest and I can hardly believe that this school is hiding exquisite talents species like you. So I will not take this long. I have a proposal for you Mr. de Jesus… You will be an ART SCHOLAR at Guild but you will be my student assistant for a year... So? How does that sound to you?” At doon nga nagsimula ng literal na paglaglag ng panga ko. Seryoso? Weh? Baka mamaya prank lang? Pauntog sa ulo! Ouch!

                At yun nga at nasa state of shock pa rin ako. Kaya naman bigla nalang nagtanong ulit si Ms. Cruz. Hindi ko alam ang sasabihin at di ako makadecide (wow! Choosy pa). Madami din kasing kelangan iconsider since di naman ako nabubuhay mag-isa.

                “Oh… look at your eyes? Are those contacts?” ang biglang dagdag ni Ms. Cruz sabay examine sa mata ko. Napangisi nalang ako ng mahina.

                “Ahm… actually ma-“

                “Ms. Cruz his eyes are normally colored green and black… dati when we profiled him, adopted child sya and ang nakalagay sa distinguishing features nya ay ang kanyang mata na color green at buhok na medyo brownish” hindi ako nakatapos mag-explain dahil biglang umepal si Dean. Ngayon naman ay si Ms. Cruz ang napanganga sa tinurang iyon ni Dean. Napangiti naman ako dito.

                “Oh, that’s rare” ang nasabi na lamang nito. “So, what’s your decision now Mr. de Jesus” Oh my! Eto nanaman. Papayag ba ako? Naku! Kailangan ko munang makausap sina mama.

                “Ahm.. Pwede ko po bang sabihin ang decision ko bukas?” ang sagot kong patanong sa kanila. Binigyan naman ako ng dean ng ‘Haler-choosy-ka-pa’ look. Eh kasi naman.

                “I’ll not be back here tom and I got so much appointment… So please, forgive my being rude but I need your decision today..” ang sagot naman nito sa tanong. Napalunok na lamang ng ilang beses. Hindi ako makapag-isip ng mabuti. Bahala na. Eto na to eh!

                “Uhm… O-okay po Ms. Cruz… pu-pumapayag na po ako” ang wala sa huwisyo kong sagot. Sana maintindihan nila itong desisyon ko. Para naman to sa kinabukasan ng Pilipinas (chos! Haha). Atsaka inisip ko din naman na baka ito na nga ang katuparan ng aking mga pangarap. Pag pinalagpas ko pa eh baka naman ako pa ang magsisi sa huli. Napapikit na lamang ako at nag sign of the cross.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant