Strike One: Part 2

11.1K 438 17
                                    

Haist! Nanggigigil na ako sa inis. Hindi ako makaalis dito. Ang init na po! Pakiusap naman mahabaging diwata ng mga puno, kalagan nyo na ako. Huhu. Ang kili-kili ko umaapaw na sa pawis, dinaig pa maynilad.

May mga yabag na ng sapatos na paparating. Hindi ko ito pinansin at nakayuko lang ako. Galit na ako sa ngayon at kinakagat ko na ang bahagi ng lubid na nakatali sa akin. Ang sakit na sa likod! Maya-maya pa ay napasigaw ako sa sakit ng ulo ko. May bigla kasing sumabunot sa akin. Kainamanaman!

"Araaaayyy ko po! Tungunu! Ba't ka ba nananabunot bakulaw ka!?" ang malakas kong singhal sa bakulaw na parang sinumpang mainis sa aming mga dyosa. Eh bakla naman siguro to kaya pumapatol sa mga bakla.

"Katiting lang ito sa ipapadanas ko saiyong 'hell' sa buong mga taon ng pamamalagi mo dito..." ang nang-iinis nyang turan. Nag-uumapaw na ang galit ko sa ngayon. "...kaya naman, if I were you, magbalot-balot ka na bakla!"

"Kyaahhh! Arekup..! ano ba!?..." napaigtad ako sa sakit dahil hinigpitan nya pa lalo ang hawak sa maganda kong buhok. "...bakulaw ka talaga!!!" natawa na lamang siya. May nakita akong lumang blade sa may damuhan kaya naman nakaisip na ako ng paraan.

"Masakit ba huh bakla?...hahaha" nasasaktan man ako sa ginagawa nya sa ngayon ay pinipilit ko na lamang na wag ipakita sa kanya. Pero ang hapdi! Tae! Kailangan kong magawa itong balak ko dahil baka may iba pa siyang magawa sa akin.

"...Oh, hoho look at you! Ang ganda mo palang tingnan pag nasasaktan...hahaha" ang patuloy nyang pang-iinis sakin habang nakasabunot pa rin ang kamay nya sa akin. Napapasunod nalang ang ulo ko sa bawat galaw niya para di ako masyado masaktan. Hindi ko na kasi talaga kaya. Sobrang sakit na. Kailangan ko nang makaalis dito. Feeling ko matatanggal na ang anit ko. Buti at hindi nya napapansin ang ginagawa ko dahil abala siya sa pananakit sa akin.

"Let me take some pictures of you while hurting so much, f*ggot... napakagandang souvenir nito" pero bago pa man nya makuha mula sa pagkakasabit sa kanyang leeg ang kanyang camera ay inagaw ko na ito at agad-agad ipinukpok sa ulo niya. Tamang-tama naman ang pagkakakalag ko mula sa puno. Napaluhod ang bakulaw marahil sa sakit ng sintido at nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakas.

Pero syempre hindi ako papayag na wala akong ganti sa ginawa nya kaya naman habang nahihirapan siyang maglakad dahil sa pagkahilo sa pukpok ko ay sinabunutan ko din siya. Super typhoon lang ang walang ganti bruho ka!

"Ahhhhhh! Ahhhh! Ouch! Tama na! Sh*t!" ang pagsisisigaw nya habang ibinubuhos ko ang galit ko sa buhok nya. Bahala ka! Kakalbuhin kitang bakulaw ka!

"Hey!" at napatakbo na ako dahil may biglang lumabas na lalaki galing sa loob nung dome house. Mahirap na't baka pagtulungan pa ako ng mga ugok na abnormal na mga iyon. Akala niya ah! Hindi ako magpapatalo sa kanya.

Nang marating ko ang sikretong pwesto ko dito sa school ay minasahe ko ang ulo ko na ngayon ay nangmamanhid na sa sakit nung pagkakasabunot sa akin at ang pagkakabilad. Kawawa na ang itsura ko ngayon na parang ni-rape ng isang dosenang barakong hipon. Ba't ba kelangan kong maranasan to? Sumusobra na sila!

Hindi ko napansin ang paghikbi ko. Umiiyak na pala ako. Iniisip ko tuloy na baka ito yung kapalit ng katuparan ng mga pangarap ko. Hindi ko inakala na ganito pala ang mangyayari sa akin dito. Akala ko eh madali lang na mag-adjust sa lugar na bago sa iyo. Masyado akong nabibigla sa mga nangyayari at parang hindi ko na din nagugustuhan ang sarili ko sa mga ginagawa ko. Labag ang lahat ng iyon sa aking kalooban dahil ayoko naman talagang makasakit ng kahit na sino. Yun lang eh kailangan kong lumaban para naman hindi ako maging o magmukhang kawawa. Dehado na nga ako sa maraming bagay pati ba naman sa ganun? So kailangan kong protektahan ang sarili ko dahil wala akong kakampi dito pwera kay Ms. Cruz.

Dahil sa nangyari ay natulala na lamang ako doon sa kinauupuan ko. Narinig ko naman ang paglapit ng isang tao sa may pwesto ko kaya nagpunas ako ng luha at nag-ayos ng upo ngunit nakayuko lang ako.

"Hey, are you okay, pete?" sa boses palang ay nakilala ko nang si Carla ang katabi ko. Seryoso ang boses nya na tila nag-aalala. Salamat at may mga tao pa ditong ganito ang ugali at normal.

"O-oo a-ayos lang ako... Wag mo na akong alalahanin..." pinipilit kong huwag maging garalgal ang boses ko dahil sa pag-iyak. Ayoko kasi nung kinakaawaan ako ng ibang tao dahil ayaw kong isipin nila na mahina ako.

"I saw you kanina nung napadaan ako dyan sa Student Auxiliary Complex... kanina pa sana kita lalapitan but I felt na kinailangan mo munang mapag-isa" ang puno ng pagmamalasakit niyang sabi. Makikita sa kanya ang sinseridad. Ngumiti nalang ako sa kanya para naman gumaan ang atmosphere dahil parang malapit nanaman itong maging emosyunal. "What happen to you gurl?... Look at your hair... Sino may gawa nito saiyo at isusumbong natin sa admin!?"

"Wala to mare, wag ka nang mag-abala... hindi naman masakit..hehe" ang pag-iwas ko sa gusto nyang gawin. Tumawa nalang ako para ipakita sa kanya na ayos lang ako. At alam ko kasi na may posibilidad na mas kampihan yung bakulaw na iyon ng admin kung magrereklamo man ako kasi mas malakas ang kapit nila doon kasi mayaman sila at nagbibigay sila ng income sa school. Eh ako? Isang hamak na scholar. Baka nga baliktarin pa ako. Delikado ang scholarship ko.

Magkikita pa ulit kami ng bakulaw na iyon panigurado. Hindi ko lang alam kung makakakaya ko pa ba ang mga kaya nyang gawin sa akin. Marahil ngayon ay panalo ako sa kanya ngunit alam ko naman na sa huli eh nasa sa kanya din ang halakhak dahil may impluwensya sila kumpara sa ordinaryong taga baryong katulad ko.

Hinimas nalang ni Carla ang likod ko at inayos ang mga gamit ko na hindi ko napansing magulo na. Pati na rin ang uniform at buhok ko. Buti nandito sya, kung hindi ay umuwi akong mukhang basura. Kaya ayun nga umuwi muna ako sa boarding house para na rin matulog. Mamaya pa naman yung schedule ko kay Ms. Cruz. Kailangan ko ng energy para doon.

---

A/N: PART TWO PO ITO NG CHAP NA "STRIKE ONE" guys! ^_^ Keep on reading...Wag naman po maging silent readers, comment po tayo..hehe para naman may inspiration si Author. See you sa next chap mga ka #TBG

-lemuelderamon

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now