The Swim

13.6K 466 22
                                    

                Padabog na inumpag ni Jason ang kanyang dalang bag sa sahig at dumiretso sa kanilang private room dito sa may chamber. The people inside, Duke and August, were both knocked for a loop with this scene and their jaws were locked pero nagkatinginan lamang sila na tila nagsasabing ‘anong nangyari dun?’ Then the next thing that they heard was a punch on the door. Tatayo na sana si Duke to check their boss but August holds him aback.

                “May problema pare… hayaan na muna natin” ang mahinagong sabi ni August.

                Nabigla sila ng mabilis na namang lumabas ang galit na si Jason ngunit hindi man lang sila nito pinansin o inimik man lang. Datapwat ay tinungo nito ang kusina at kumuha ng maraming beer at isang boteng brandy.

                “Whoa bro! Are you serious about that?” Duke gasped in awe sa nangyayari sa boss nila. Alam nanaman nila ang mangyayari kung malasing ito. Pero tiningnan siya ni August ng makahulugan kaya pinabayaan na lamang niya itong pumasok ulit sa kwartong iyon.

                Sa loob ng kwarto ay makikita ang nagugulumihanang si Jason. He’s just from a serious fever then narito sya’t tumutungga ng malalamig na beer. Marami siyang iniisip o maraming naglalaro sa kanyang isip at tanging ito lamang sa tingin niya ang paraan upang matakasan ang mga ito. Maya-maya pa ay nilagok nya effortlessly ang isang bote ng brandy but his face now is blank. Umiikot na ang paningin niya pero sige pa rin ang kanyang lagok sa mga alak na dala niya kanina. Nagkalat na ngayon ang kanyang basura sa lapag at isa-isa nyang binabato ang mga iyon sa kung saan.

                Sa labas naman ay naghihintay at nakikinig lamang ang dalawang kaibigan na umiiling from time to time na makakarinig sila ng dagundong mula sa silid na iyon. Hindi nila mapigilan ang binata sa ginagawa nito. Hindi sa takot sila kundi kilala na nila ang taong ito.

                Jason’s mind is filled with hatred, anger and frustrations right now. He can’t think of happy things dahil kahit na anong kapa niya sa kanyang puso ng masasayang alaala ay nawawala naman agad sa isang iglap. Umaagaw kasi ang galit niya. Para sa kanya, maraming nawala sa buhay niya simula nung malaman niya ang hindi magandang bagay tungkol sa ama. Nariyan din ang pagkawala ng atensyon at care ng kanyang pamilya sa kanya, ang paglayo ng loob sa kanya ng kapatid na itinuturing niyang bestfriend noon, ang hate na nararamdaman sa kanya ng taong minahal niya dati at ang pagkawala ng kaibigang matalik. He’s so much hopeless right now and all he can do is drink and wash all the pain away.

                He was now very intoxicated but he knows what he’s doing still. Malakas ang lalaking ito sa alak. Lumabas siya ng medyo nahihilo mula sa kwarto. Naroon pa rin ang dalawa. Ang pinto ang direksyon nya sa ngayon. Sinundan sya ng dalawang kaibigan na mayroong pag-aalala sa mga mata nito.

                “Pare, I think you need to take some rest first…” ani August.

                “Yeah bro, dito ka muna…” asik din ni Duke. Pero wala atang narining ang kanilang boss at nagpatuloy na lamang sa paglalakad palabas ng tambayan nila. Pinigil nila ito pero pumalag siya at tiningnan ng masama ang dalawa kaya pinabayaan nalang nila ito. Inisip nila na baka manggulo nanaman ito sa campus. Ngayon pa na Mr. Donoway’s the new UA.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now