The Surprise

14.4K 434 14
                                    

                Kung gusto mo talagang malaman ang tunay na kahulugan ng salitang ‘Awkward’ eh yun na yung nangyayari sa ngayon. O marahil ako lang ang nakakaramdam nun dahil parang wala naman epekto dito sa katapat ko sa mesa sa ngayon yung pinaggagagawa niya. Di ako kumportable sa awkwardness kasi di ako sanay nang inaasikaso nang maigi na maging yung pagpunas sa kutsarita na gagamitin ko sa kape ay gagawin pa niya. Imbes na kiligin eh kinikilabutan na ako.

                “Miguel, kaya ko na to… kaya ako na… hehe” inagaw ko kasi sa kanya yung cake plate kasi siya pa ata ang maglalagay ng cake para sa akin. Kaya naman pinabayaan niya na lamang ako at ngumiti nalang.

                “So, anong gusto mo mangyari dun sa mga kumag na kumulong sa iyo kanina dun sa CR?” yung parang seryoso nyang sabi sa pagitan ng pagkain namin.

                “Uhm, wag mo pansinin yung mga yun… mga walang magawa sa buhay…” pagtutol ko naman.

                “Baka kasi mamihasa…”

                “Ano ka ba Migz, ayos lang talaga ako… Kaya ko sarili ko no!”

                “Sigurado ka?”

                “Oo naman…” at nagsimula na akong kumain. “… nga pala, magkakilala ba kayo ng bakulaw na iyon” bigla kong segway. Para naman hindi na ako maging sentro ng usapan diba? Hehe.

                Medyo nadelay ata yung sagot niya o sinadya niyang patagalin ang sagot. “Ah, yun ba… sabihin na nating naging besfriend ko siya…” ngumiti siya. Bestfriend? Naging? So dati pala, ngayon hindi na? Malamang Pete! Kaya nga naging diba? LG? Luh! Soplahin daw ba ang sarili?

                Hindi na ako nakiusyoso pa kung ano yung nangyari sa kanila kung bakit nagkaganun. Baka sabihin tsismosa ako masyado. (Ano pa nga ba?) Hindi kaya!

                “Nagtataka lang ako kung bakit sa dinami-dami nung makakatulong sa akin kanina eh kayo pang dalawa… Pero, hindi naman sa ganun…” nakangisi kong saad sa kanya.

                “Nagkataon lang siguro” siguro nga. Tumawa siya. Mongoloid?

                “Adik ka rin ano? Hmmm… maraming salamat nga pala kanina ah, andami ko na tuloy atraso sa iyo, baka mamaya pag ikaw naman humingi ng pabor eh di ko maibigay…” pagprangka ko sa kanya.

                “Ganyan ka pala mag-isip.” Biglang sumeryoso ang mukha niya. Nakonsensya tuloy ako.

                “I mean, baka kasi ma-disappoint kita. Masyado ka pa naman mabait sa akin” pagbabago ko ng mood sa usapan. Ngunit hindi siya sumagot. Di ata ako nakalusot kanina. Tsk tsk. Nagkwentuhan pa kami ng matagal. Sinubukan ko syang patawanin kaya ang resulta eh siya ngayon ang halos di na makahinga sa kakatawa. Parang imba lang. Mga ilang minuto na din ang nakakalipas at napansin ko nanaman na may nakatingin sa amin. Naku ah! Natatakot na ako sa ganito. Kinikilabutan ako sa mga ganitong eksena. Baka mamaya may mga humablot nanaman sakin dyan sa may labasan. Sasabay na lang ako sa imba na ito para safe. Para-paraan.

                “Sabay na tayo, pareho lang naman tayo ng pupuntahan diba?” pag-aanyaya niya sa akin.

                “Ah, oo naman, para naman may shield ako… hehe” sabi ko naman na medyo patweetums. PumiPBB Teens. Nagsimula na kaming maglakad.

                “Uhm, Pete? May itatanong lang sana ako…” Malumanay nyang sabi na nakayuko.

                “Depende sa tanong, hehe… Ano iyon?”

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now