In The Barrio

13.8K 404 24
                                    

                Hanggang sa pagtulog eh lahat naging awkward. Imaginin mo naman kasi kung makitulog sa inyo ang isang mayamang estudyante ng Guild na hindi man lang nakapaghanda yung may-ari ng bahay na tutuluyan. Siyempre si Inay eh naging busy-busyhan sa pag-aayos ng kwartong tutulugan ng bwisitang senyorito Jason.

                “Nakakahiya naman kasi sa iyo senyorito, ayan nag-emergency ayos pa kami para sa iyo… Kung ba’t naman kasi ang hihilig mambigla! Haist!” singhal ko sa kanya. Pero hininaan ko lang at baka marinig nina inay. Sabihin pa eh bastos ako sa bisita. Ang gagi eh hindi man lang kumibo at naging busy lang sa cellphone niya. Tse! Bahala siya dyan.

                Marahil eh nabigla siya nung inumpag ko yung mga unan at kumot sa kutson niya kasi napatingin siya sa akin. Pero awkward ulit kasi nagkatitigan kami. Shocks lang itong abnormal kong dibdib na ayaw magpaawat. Kaya ini-snob ko siyang muli. Mahirap na! Chos!

                Matapos yun ay payapa na akong nakatulog. Sa kalaliman ng gabi at ang mga kulisap ay nag-uusap na sa labas, eh nakaramdam ako ng kakaiba sa may pisngi ko. Pero hindi ko na napansin muli dahil bumagsak na ang aking inaantok na mga mata.

                Kinabukasan ay naalimpungatan ako ng malakas na pagpukpok sa labas. Bumangon ako at kinabahan nung hindi ko makita ang halimaw sa higaan niya.

                Subalit paglabas ko ay napakunot ang noo ko sa nakita. Si itay eh palihim na tumatawa habang nakatitig lamang sa pagsisibak ng kahoy ng isang anak mayaman galing sa Guild City. Naku! Si itay talaga… Mamaya eh maaksidente pa yan. In fairness eh nakakatawa naman talaga yung bakulaw. Ang sagwa niya humawak ng tabak at halatang hindi marunong.

                Napalingon naman ako sa kakarating lang na si Dreno na may dala-dalang mga buko. Natakam tuloy ako bigla. Parang gusto ko tuloy mag-umagahan ng buko juice. Napangisi ito nang makita si Jason na feeling busy sa kanyang ginagawa. Sinuklian naman siya nito ng matatalim na tingin. Nagpasikat din ang Dreno nung kunin niya ang isa pang piraso ng kahoy ay pinutol ito sa mga piraso ng napakabilis sabay kindat sa akin. Char! Andaming alam. Mga bwisit! Ang hirap kaya magtago ng kilig! Henebe!

                Dahil napukaw ni Dreno ang atensyon ko ay mas lalong sumeryoso ang mukha ng halimaw. Naging halimaw na talaga siya nun. Pero nabigla ako nung hinubad niya ang t-shirt niya at umaktong napagod at nainitan. Anak ng kalabaw na may hikaw naman oh! Napaiwas nalang tuloy akong tumingin sa may… Kyaaaahhh!!! Henebe Keye! Feeling ko tuloy pulang-pula na ako sa ngayon.

                Ngunit isa pa itong si fafa Dreno. Nakisali din sa hubaran galore kaya naman hindi ko na talaga kinaya’t nagmadali na akong pumanhik sa bahay na ipinagtaka naman ni itay. Hindi ko keri yung mga ganoong eksena pa. Naku ah! Kung sinabi pala nilang magiging pakitaan ng mga abs ang mangyayari sa sibakan ng kahoy eh nakapagdala pa sana ako ng isang bandehadong kanin. Chos!

                Dahil sa mga ganoong eksena eh napagpasiyahan ko nalang na magprisenta sa kusina. Parang feel ko kasi ngayon na magluto ng tinutong na manok sa gata. Tamang-tama kasing may nakita akong nakahandusay at duguang native na manok doon sa may malapit sa lababo. Pinag-dramahan ko pa nga bago ko sabunutan ng feathers.

                “Ako nalang yung maghihiwa nyan Pete” nabigla ako sa boses galing sa likuran ko. Kaloka! Hindi lang siya halimaw, engkanto pa.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now