Wonderland

13.7K 447 23
                                    

                Yung pakiramdam na, may iba’t-ibang mata na nakatingin sa iyo. Yung di mo lahat kilala tsaka mga mukhang sosyalen pa. Siguro yung kasama ko sanay na pero paano naman ako? Nanliliit ako lalo sa pakiramdam na ito. Huhu. Pwede bang umuwi nalang ulit sa Pilipinas? Naaasiwa na ako eh. Hmmm… Pero hindi dapat ito yung mga iniisip ko ngayon. Focus Pete! Focus! Ay! Ano yun? Andaming gwapo! Ahaha. Landeee!!! Pete naman eh! Mag-focus ka!

                “Pete?”

                “Ay gwapo! E-este, teka? Ba’t ba?” nabigla ako dito sa bakulaw na hindi man lang nagpapasabi na mangangalabit siya. Magugulatin pa naman ako. Kung anu-ano tuloy yung nasisigaw ko. Ngumisi ang ogag na tila nasiyahan pa ata dun sa pagsinghal ko.

                “Tch! Alam ko na yun… uhm, baka naman gutom ka na?” anyabang talaga!

                “Mmmm… Medyo, pero okay lang ako” binawi ko yung pagkakasabi ko. Baka kasi mag-abala pa siya, madagdagan pa yung atraso ko. Nakaupo na kami sa table na nakareserve para sa amin. Dalawa lang kami dito kasi kami lang talaga ang galing sa Pilipinas. Yung iba kasi parang limang batalyon yung dala-dala. Nasa loob kami ng venue na parang lumang sinehan ang pakiramdam. Napaka-artistic nung konsepto at mamamangha ka talaga. Pati sa ayos nung mesa, sa mga disenyo sa paligid, sa ilaw at kung anu-ano pa. Halatang pinagkaabalahan at ginastusan.

                Hindi ako mapakali sa kakatingin sa paligid. Ewan, basta di talaga ako sanay sa ganito. Pwede naman simulan na agad diba?

                Opening ceremonies daw ito kung saan iwewelcome yung mga kasali at dito rin magkakaroon ng palabunutan kung anong kanta ang gagawan ng music video ng bawat team. Dito rin ia-assign yung mga artists na makakatrabaho ng team sa paggawa ng video.

                “gusto mo bang magrequest muna tayo ng appetizer? Mamaya pa kasi daw iseserve yung food” ewan ko lang ah, pero bakit parang ang bait ng bakulaw na to ngayon? Wag lang sabihing magugunaw na ang mundo kaya ganun? Kakatakot ah.

                “H-hindi na, okay lang ako, nagugutom ka na rin ba?” ang medyo mabait kong sabi sa kanya. Alangan naman tarayan ko pa eh ako nanaman yung magmumukhang kontrabida dito. Chos! Haha.

                “I’m okay na din, I’ve eaten chocolates kanina nung nasa byahe tayo” kainis! Ba’t di nya ako binigyan? Chos! Haha. Nakakapanibago talaga hanggang sa ngayon yung pinapakita nyang ugali ngayon. Napapaplastikan tuloy ako. Di ko maabsorb!

                Tumango na lamang ako sa kanya. Nag-usap din naman kami ng tungkol sa mga plano at strategies namin sa contest. Buti naman at nagkakasundo naman kami sa ganung bagay. Seryoso siya pagdating doon kaya masaya naman akong siya ang kapartner ko. Hindi ko lang maintindihan ang pakiramdam ko ngayon. Parang gusto kong makipag-usap lang sa kanya ng maayos, yung hindi tungkol sa contest, yung tungkol sa amin? Tse! ‘sa amin’ daw? Haha.

               

                Antagal naman magsimula. Sabagay wala pa yung ibang delegates. Tama din ang sabi sa amin ni coach na susubukan kaming iintimidate ng ibang teams lalong-lalo na sa gitna o kahit sa simula palang ng contest. Wag daw kaming makipagtagisan sa kanila. Dapat daw na ipakita namin yung kabaitan ng pinoy. Kaya naman pag may tumitingin sa may gawi namin eh nginingitian ko talaga ng buong husay at ubod ng plastik. Haha. Napapansin ko din na maraming babae ang nakatingin sa katabi ko. Sabagay, kaaya-aya naman talaga ang pagmumukha ng isang ito. Kanina pa din naman akong pasimpleng tumitingin sa kanya. Mas lalo ata syang gumwapo sa ngayon. Tse! Anubanaman tong iniisip ko? Kung anu-ano na tuloy yung pumapasok sa utak ko dahil sa stress at kaba.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now