Prologue (Fast Forward)

34.7K 689 10
                                    

             ***

        I just stared at my feet on the ground at ina-absorb parin ang fact na nandito na ako’t nakabalik na sa Sta. Fe. Mahabang panahon din na namuhay ako sa siyudad na aking pinangarap. Medyo may mga nagbago dito pero masarap pa rin langhapin ang sariwang hangin. Nakangiti ngayon ang aking labi ngunit biglang pumatak ang aking luha na dumaloy papunta sa aking pisngi. Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang dating pakiramdam nung ako’y namumuhay pa kapiling ang aking pinakamamahal na pamilya dito. Masaya ako sa aking desisyon. Hinihiling ko lamang na kasabay ng paglisan ko doon ay ang unti-unting pagkalimot sa mga nangyari. Ang drama naman masyado. Napatawa ako ng mahina at nagpunas ng sipon at luha.

        Plenty of realizations came up my mind at napabuntong hininga na lamang ako. Hindi pala maganda ang buhay doon. Lahat ng sakit na di ko dapat naramdaman ay doon ko naranasan. Bumabalik ang aking mga alaala. At ipinilig ko na lamang ang aking ulo.

        “Malayo pa pala ang aking lalakbayin mula dito… Asan na kaya si Itay?” mahina kong sabi. At inakay ko na ang aking mga dala-dala.

        “Pete!” napalingon naman ako kung saan galing yun. Napangiti na lamang ako nang makita ko si Dreno. He never changed, gwapo pa rin, only that mas maporma na sya ngayon. Lumapit siya sa akin at kinuha ang aking mga dala-dala. Aniya ay di daw makakasundo si Itay at si Labang sa akin kaya naatasan na lamang siya nito. And I know na hindi nahirapan si itay sa pagkumbinse sa lover boy na ito. Napangisi nalang ulit ako sa thought na iyon. Hindi parin nagbabago ang pagtingin niya sa akin kahit na anong mangyari. Ako nga’y babalik na sa dati kong buhay. Ang sarap sa feeling.

        After a 15-minute motor ride na nakakapit pa kay Deron (uy chansing!), narating na namin ang aming simpleng tahanan. Nabigla naman ako sa nakita.

        “Baklaaaaaaaa! Wahhhh!!! andito ka na nga mare! Ikaw nga yan” sigaw po yan ng napakabongga kong bff na si Cory habang tinatantya pa kung ako nga talaga or tao nga bang nagngangalang Pedro “Pete” de Jesus ang nakikita nya.

        “Ay hinde hinde! Hologram ko lang to! Online lang ako mare at nag cacam-to-cam tayo!” ang pamimilosopo ko sa kanya. At isang malakas na batok ang nakuha ko dahil dun. Namiss ko ang bababeng ito. At naisip ko din na marami pa ring nagmamahal sa akin. Napaluha akong nakangiti nang makita kong masayang nakaabang sa pintuan ng bahay sina Inay, Itay at si Ate. Kaya nanakbo na ako papunta sa kanila at mahigpit silang niyakap.

---

A/N: And we’ll start here… FLASHBACK NA TAYO SA SUSUNOD NA CHAPTER

Please Vote. Comment. Share J

 #JustWriteIt

I am dedicating this to my favorite author @YorTzeKai na nagsulat ng favorite wattpad piece ko na REBEL HEART where this work is basically inspired. Kawai Kwai! J J J

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now