Leche(ng) Flan!

14.2K 455 9
                                    

                Sumasayaw at sumasabay sa hangin ang mga ibon na tila nasisiyahan sa magandang panahon. Maaliwalas ang kapaligiran at makulay ang bawat makikita. Nagsasabing ang mundo ay perpekto ngunit sa kabilang dako ay hindi ito tugma. At ang corny corny na nitong mga iniisip ko sa ngayon. Pasensya na po! Epekto lang ng gutom at puyat sa kakaisip ng kung anu-ano.

                “Are you going to serve my food or you’re going to stare at the glass wall all day?” bumalik ang aking ulirat sa nadinig. Haist! Anu ba to! Napapadalas na ang aking biglaang pagkatulala. Nakalimutan ko nanaman na narito pala ako sa trabaho ko. Muntanga nanaman tuloy ako. Baliw na ata ako eh. Yung estudyanteng costumer ding ito eh masyadong masungit. Pasalamat siya’t maganda ang pagkakulot ng hair nya ngayon na ang sarap gawing pangitlugan ng manok.

                “Sorry po mam, iniisip ko lang po yung kapakanan nung buhok ..ay este ng pamilya ko na naiwan sa bayan namin. Eto na po ang espresso nyo and truffle cake. Enjoy your coffee!” sabay ngiti dito na ubod ng plastic. Ipinatong ko din ng buong husay ang pagkain. Tinungo ko na ang mini-bar at iniligpit na ang mga nakuha kong mga gamit nang tasa sa ibang table. Medyo pagod na din ako. Kanina pa kasi ako dito at konti lang kaming pumasok.

                “Oh, pete… hindi ka pa ba magpapahinga? Baka naman pagpawisan ka masyado…” tanong sa akin ni Bryan na may halong landi. Naku talaga kang lalaki ka! Haha. Syempre di ako papatalo sa kalandian.

                “Ihh..naman tong si honeybunch… eyes leng eke! Hihi” sabi ko sabay flip ng hair. Oh diba!? Ansabee!? Kabog!

                “Tsk… tsk… tsk… wag mo ako daanin sa ganyan babe… baka seryosohin ko! Haha” Luh! Luh! Luh! Choserong palaka din tong isang to! Inirapan ko nga. Lakas maka-babe eh, kinikilig tuloy ako… haha! (Landeee!!!)

                Nag-ayos na ako sa kitchen nung mga dapat iligpit. Matapos nun ay lumabas ako at napansin kong konti nalang ang tao. Medyo matumal ata sila ngayon. Sabagay, medyo mainit sa labas kaya di naman nila kelangan ng kape. Pero sa totoo lang di ko pa talaga natitikman yung mga kape dito. Lasa-lasa lang kumbaga para alam ko naman na iisa lang ang lasa nung mga siniserve ko. Paborito ko dito yung doughnut na nilibre pa sa akin ni Ate Rich nung isang araw. Eh yun lang kasi natikman ko at nasarapan naman ako kaya nasabi ko nang favorite. Haha.

                “Waiter!” ang sigaw ng lalaking nakaupo dun sa dulong table. Ako lang ang tao dito sa floor kaya naman ako na ang nag-approach. Nung malapit na ako sa kanya eh nakilala ko agad ang likod nya. Hmm… kaya naman pala pamilyar yung boses.

                Nilapitan ko ito hawak ang crew clipboard ko.

                “Yes sir, what can I do for you? Do you have your order na po?” ang malambing kong bungad sa kanya. Napaharap siya sa akin at hindi naman ako nabigla kung bakit may gwapong prinsipe dito sa harap ko ngayon. (Chos!) Nginitian niya lang ako.

                “Okay, can you give two regular frappe and two slices of mulberry cheesecake?” saad naman nito na tila ginagaya ang pagkaprofessional ko sa trabaho. Parang ang plastik tuloy kasi magkakilala lang naman kami. Nakangisi lang siya ng nakakatunaw. Hmmm… may date kaya siya? Ba’t dalawa? Eh? Ba’t ko rin ba iniisip yun? Wala ka na doon Pete no!

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora