The City and the Guy

23.2K 520 27
                                    

***

                “Okay good! Next pose!” There are flashes of lights coming from two different cameras. Every click captures beautiful and professionally touched photos of Mr. Seong Don or mas kilala sa kanyang english name na Jason Don, isang model student ng isang kilalang academe sa buong bansa--- Ang Guild University. Maraming nakakakilala sa gwapong nilalang na ito sapagkat sikat sya hindi lamang sa school kundi sa mga patron ng GU all over the country at syempre pa sa mga students ng partner International Schools nito. He is also a varsity of the school’s Volleyball team. He is a member or actually the leader of one famous group in the campus known as CRAYONS dahil na rin siguro sa iba’t-iba nilang personality. Pero wala naman talagang nakakaalam kung bakit ito ang napili nilang pangalan.

Halos lahat ng babaeng magaganda sa school na ito ay nakadate na ni Jason dahil na rin marahil sa di maitatago nitong charm and appeal. Natural siyang chinito dahil sa lahing Koreano. Medyo suplado siya sa kalahatan ng tao at konti lang ang kaibigan. Ipinagbabawal kasi ng kanyang amang may ari ng isang malaking clothing line sa bansa ang makipagkaibigan siya sa mga walang connections sa business nila. Hindi din maitatanggi ang hatred nya sa mga taong napapabilang sa third sex or in layman’s term “gays” dahil sa di malamang dahilan. Pag may nakikita syang bakla ay pinapahiya niya ito at kinasusuklaman na para bang hayop ang mga ito. Palibhasa spoiled brat ay marami na rin syang cases ng bullying especially sa kanilang mga alam mo na.

                Papalabas na sya ng studio ng school media center dahil natapos na ang kanyang photoshoot nang matunugan niya ang mga nag-aabang na mga babae sa labas na maituturing na fans club kaya naman dumaan siya sa kabilang bahagi ng building kung saan malapit ang parking lot at walang masyadong tao.

                “Tss…” napabuntong hininga nalang siyang kinuha ang susi ng kanyang bagong car sa kanyang bulsa at pumasok at pinaandar ito. Nainis siya nang biglang may mga humarang na mga babaeng may dalang tarpaulin na mukha niya ang nakabalandra. Nakatunog na din ito na bantayan sya sa parking area pero nakatakas naman sya nung pinaharurot nya na yung sasakyan. Napahinga nalang sya ng maluwag nang makalabas sya ng campus. Mapapansin sa mga mata nya ang pagkainis--- inis na may pinaghuhugutan hindi lamang sa mga ganoong pangyayari sa kanyang buhay kundi dun sa isang bagay na bumagabag sa kanya hanggang ngayon.

---

                The night in the city is sparkling as usual.

                Party music is growling inside the building while the gorgeous Jason is outside the bar’s dim lit terrace enjoying the beer in his hand. He is in his common city boy aura, tight jeans, leather jackets with plain blue shirt. Malayo ang tanaw nya. May biglang gumapang na daliri sa kanyang balikat sabay litaw sa eksena ng isang usual city girl. Shorty shorts with foxy outfit and make-up.

                “You look sad… mind if I join you?” ang tanong nito sa nang-aakit na boses. But he did not bother to crossfire. Only wanders the sky. Kaya naman umalis na bigo ang babae. Wala siyang planong mag-enjoy sa mga oras na ito.

                “Pare… anlalim nyang iniisip mo… baka malunod ka” nakangisi na bungad ng isang gwapong lalaki na animoy nakainom din. Nakatabi na pala sa kanya nang di niya namalayan ang isa sa mga crayons na si Duke, alam niyang dito rin ito nakatambay. Nilagok na lamang nya ang natitirang laman ng beer na hawak nya without bothering to answer the man beside him.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum