Strike Two: Part Two

13.6K 457 12
                                    

                Halos basa dahil sa walang habas na pag-ulan ang paligid ng warehouse kung saan dinala ng mga lalaking naka maskara ang kaawa-awang si Peter na ngayon ay mahimbing pa din na natutulog sa lapag na animo’y wala pa ring kaalam-alam sa mga nangyari sa kanya. Nakapiring din siya sa ngayon. Maya-maya pa ay may narinig na tawanan na papalapit sa kanyang kinaroroonan sa ngayon. Malalaki ang mga pangangatawan ng mga ito na mas lalong nagpapaliit sa pigura ni Peter. Sa ngayon ay may pinag-uusapan sila habang tumutungga ng beer na dala nila sa kanilang mga malalaking kamay at nakaupo sa palibot ng beki. Tila sanay na ang mga ito sa ganitong gawain – ang mandukot ng tao kapalit ng malaking pera.

                “Pagdating ni boss, siguradong matutuwa yun kaya magdiwang tayo mga parekoy! Malaki-laki ang naging usapan naming bonus kahapon kaya wag na wag nyong hayaang makaalis yan…” ani ng parang pinaka-lider ng grupo. Nakangisi ang lahat na nakatitig sa beki na nakahiga pa rin sa maruming sahig.

                “Mukhang makinis pare… p*ta! Namamanyak ako sa baklang yan… parang babae ang katawan at kutis” sabi naman ng isang bruskong lalaki. Lahat sila ay nakaitim. Inalis na rin nila sa ngayon ang kanilang mga suot na maskara.

                “Ul*l! walang p*ke yan pare! Bumutas ka nalang ng saging! hahaha” ani naman ng isa pang kasamahan nito na tila naghahanda ng kung ano sa may bandang malaking lamesa na narito sa lugar. May hawak-hawak siyang plastic bag na naglalaman ng maraming yelo at ibinuhos nya sa malaking balde na puno ng tubig. Tumawa naman sila sa tinurang iyon.

                “May butas din naman yan dun sa likod! Baka naman pwedeng makaisa muna mga pre… medyo matumal lang ako ngayon kay misis!” the aggressive man once again said that looks so serious about his plan. But the man beside him, or the leader just gave him a hit on the head and laughed with all the men they are with.

                Later on, the man carrying the pail of ice and water made a signal for all the men to stay some meters from the still sleeping Peter.

“Wooooohh!!! Hahahahahahaha!” ang sabay-sabay na hiyawan at tawanan ng mga lalaki sa paligid.

Then suddenly, Peter woke up quickly from a big splash. Nanginig sya sa lamig ng ibinuhos na tubig at kumuha ng malalim na hininga dahil muntikan pa syang malunod sa dami ng naibuhos sa kanya. Ramdam na ramdam niya ito dahil manipis lamang ang kanyang t-shirt at ngayon ay nakashorts na lamang siya dahil wala na siyang pantalon na inalis ng mga lalaking sa ngayon ay nakapalibot sa kanya. Kawawa ang itsura niya ngayon na umuubo-ubo pa. Nagpumiglas naman siya nung napansin nyang may takip ang mga mata nya at nakagapos ang buo nyang katawan. Hindi nakayanan ng kanyang lakas kaya napasigaw na lamang siya na namamaos pa ang tinig.

“Mga hay*p kayo! Pakawalan nyo ako!” at sa ngayon ay talagang nanginginig na ang kanyang namamanhid nang katawan. Hinahabol nya ang kanyang hininga. Subalit nagtawanan na lamang muli ang mga mala-halimaw na mga kalalakihan. Ang isa sa kanila ay lumapit sa di makakitang si Peter at pasabunot nitong kinuha ang ulo ng beki na nagpasigaw sa kanya dahil sa matinding sakit. Maririnig pa rin sa paligid ang mga lalaking nagkakatuwaan sa nangyayari sa kanila na halatang lango sa alak na iniinom nila. Dinuraan pa ng lalaking ito ang mukha ni Peter.

“Nagtatapang-tapangan ka pang bakla ka? Ha? Ha? Ang mga salot na katulad niyo dapat na binubura sa mundo!” anito habang mahigpit pa ring nakahawak sa buhok ni Peter. Dahil sa di maitagong kirot at hilakbot na nararamdaman ay napahagulhol na ang kawawang beki. Mas lalong lumakas ang tawanan ng mga ito. Napasalampak naman siya sa mabatong sahig matapos ng biglang pagpapakawala ng lalaki sa kanyang buhok na ngayon ay halos matanggal na sa ulo niya. Umiiyak pa rin sya at pinipilit na gumapang papalayo sa mga demonyong ito subalit kinaladkad siya ng isa sa kanila through the thick entwined rope around his body kaya hindi siya nakawala sa malakas na sipa mula sa isa pang lalaki. Napangiwi sya sa sakit.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now