The Landing

15.1K 572 13
                                    

0_0

Yan po ang literal kong reaksyon nang makalapag na ang eroplano dito sa GuildGate Airport at makatapak ako sa siyudad. Nakakamangha na as in laglag ang panga ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kahit saan ako lumingon ay bago sa paningin ko. Makulay, masaya at maaliwalas at medyo maingay pero ayos lang. At nanginginig ako dito sa loob sa sobrang lamig kahit maaraw sa labas. Grabe naman ang aircon nila dito parang di marunong magtipid. “Woooooow!!” ang tanging nabanggit ko lang na parang batang taga bukid na nakatanggap ng bagong bestida. (bestida talaga). Nilibot ko pa ang aking paningin na tila walang pakialam. Nakatingin ako ngayon sa kisame na may mga kung anong nakasabit na malalaking bagay nang…

“Hey! Watch where you going!!” napabalikwas na lamang ako nang may nabunggo akong lalaki. (-_-) sorry naman po. Nagsenyas naman ako ng ‘peace’ at ngumiti. Umirap na lamang naman siya at nagpatuloy sa paglalakad.

“Oh, akala ko you’re lost na…” hala! Nakalimutan kong kasama ko pala si Ms. Samantha. Napakamot nalang ako ng ulo. Eh ang tanga lang kasi. Buti nalang talaga ay di nya ako iniwan kundi baka mawala ako dito. Lagot na pag ganun.

Nabibigatan ako dito sa mga bag kong pagkadami-dami na parang kulang-kulang labinlimang kilo. Kanina nga eh hindi na pinapasok yung bayong ko na may mga pagkain. Hmmp! Sayang tuloy nun. Kelangan ko tuloy bumili ng ulam mamaya. Kamusta naman kaya ang pamumuhay ko dito? Hay! Siyudad! Maging mabait ka naman po sa akin. Maraming salamat!

Para lang akong aso na sunod nang sunod kay Ms. Cruz kung saan siya pumunta. Hindi ko naman sya makausap dahil na rin kasi maya’t maya eh may kausap siya sa cellphone. Kanina na din ako pinagtitinginan ng mga nakakasalubong namin. Ewan ko lang kung bakit. Bahala nga sila.

“Hey, di ka ba naiinitan dyan sa suot mo?” ang biglang tanong ni Ms. Samantha na nakatayo’t nakatingin na sakin. At parang iba ang  reaksyon ng mukha nya na tila ba gustong sabihin sakin na ampangit ng suot ko ngayon. Haler! Uso kaya tong suot kong varsity jacket dun sa lugar naman. Hindi ata marunong tong si Ms. Samantha ng fashion.

“Ayos lang po ako mam.”ang nakangiti kong sagot kay Ms. Cruz. Pero actually, parang naiinitan nga ako kasi kakalabas lang namin mula sa malaki at napakalamig na lugar na iyon. Maya-maya ay biglang may gumalaw-galaw sa bulsa ko. Bigla kong nalapag ang mga gamit ko dito sa gilid ng kalye. Hinintay naman ako ni Ms. Cruz.

May tumatawag pala sa akin. Kinuha ko naman ang dala kong cellphone. Sa mga nagtatanong kung saan ko nakuha ang cellphone ko, well hiniram ko po ito kay bff Coring kasi diba kelangan ko ng komunikasyon sa pamilya ko. Diba nga andami naman nya nito, alam na! haha. Tinuruan naman ako nang kaunti ng paggamit nito kaya marunong na ako. Sinagot ko na ang tawag.

“hello po?” ang agad kong sagot.

“Anak? Peter, ikaw ba yan?” si Inay pala ang nasa kabilang linya. Wala kaming cellphone sa bahay pero dahil na din kay Dreno kaya nakakatawag sila sakin para daw makausap nila ako pag namimiss daw nila ako. Natouch naman ako bigla dun. Matulungin talaga si Dreno. Buti nalang at hindi nya iniisip na inaabuso namin ang kabaitan nya.

“Opo inay! Kakarating lang din po namin dito!” ang pasigaw na tanong ko. Napansin ko naman ang pagyuko bigla ng naka crosshands na si Ms. Samantha at ang mga tanong kanina pa nakatingin sakin dito sa dulo ng mga linyang puti dito sa kalye. ‘pedestrian crossing’ ang kita kong tawag dito.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now