Tears

12.7K 369 19
                                    

"Pete! Peter! Pedro!" nakakabinging pagtawag sa akin ng aking bestfriend na istorbo sa umaga. Ang sarap kaya ng tulog ko! Haist! Pero pansin ko rin na napatagal ata kasi naramdaman ko na yung sinag ng araw sa pisngi ko. Teke? Ba't ang aga naman ata nitong isang ito pumunta sa bahay? May plano ba kami ngayong lamyerda? Hindi pa naman lunes ah?

Napitlag ako dahil parang wawasakin na niya yung pinto ng kwarto sa lakas ng pagkatok nya. Kaya padabog akong tinungo iyon at pinagbuksan siya upang bigwasan.

"Ano bang problema mo't nambubulabog ka sa pagtulog ng isang napakagandang prinsesa? Sinira mo nalang sana tong pinto para nakapasok ka agad!" sarkastikong sabi ko saka humalikipkip sa gilid ng pinto. Nakatalukbong din ako ng tuwalya para naman hindi makita ang aking pagka-bagong gising. Eh nasa paligid-ligid lang kasi ang mga bakulaw. Ya knows!

"Hmmm... Hindi mo naman kasi ako ininform na sa Guild pala eh makakabingwit ka ng milyung-milyong boylet na surpresang dumadagsa dito halos araw-araw! Ayan at may mga bagong delivery nanaman!" pagsarkastiko niya rin sa akin na nakapameywang. Pero...

"Huh!? Anong ibig mong sabihin?" kunot-noo kong tanong sa kanya. Sino naman kaya yung sinasabi niya?

"Maang-maangan pa more friend! Hmpf! Nasa labas ang mga prinsipe mo at ang mga bagong dating na prinsipe ng mga kahariang far away!" anas niya pa na ikinagulat kong muli. Uso ang gulatan dito author? Kaya naman dali-dali akong naghilamos at lumabas ng bahay para maabutan sa may maganda naming bakuran ang nag-iinuman na sina itay, halimaw, Miguel, Dreno at dalawa pang gwapong nilalang. Wait? Parang pamilyar sa akin ang dalawang ito? Parang sila yung sumundo sa bakulaw nung plano niyang magpatiwakal sa swimming pool. Oo tama! Pero ano namang sadya nila rito? Don't tell me nang-imbita pa tong bakulaw na to? Naku talagang nakakaputok batok!

Napansin nila ang presensya ko dahil sa nagliliwanag kong kagandahan. Chos! Kaya napatigil sila sa kanina pang tawanan. Dinaig ko pa yata ang isang reyna na naabutang nakahilata ang mga kawal niya.

"Ang aga naman ata ng inom nyo itay?" ang kasual kong tanong sabay pa-cute. Chos ulit!

"Yaan mo na anak! Minsan lang naman ito atsaka bisita naman yung kainom ko. At hinahamon ko lang din itong mga manliligaw mo kung sinong tatagal sa mesa!" at dumausdos na nga ang bagang ko pababa sa lupa dahil doon. Napangiwi ako pero napatawa lang yung mga bagong dating.

"Ah Pete, si Duke pala at August... mga student din ng GU" biglang sabat ni Miguel at kumaway sa akin ang dalawa. Tiningnan ko lang sila at pilit na nginitian.

"Yow Pete! Nice place..." ani Duke daw sabay tagay nung lambanog. Yung totoo? Umiinom sila niyan?

"And nice view..." sabi naman nung August na hindi nalang naging September. Pero parang ibang view naman ata ang ibig niyang sabihin nung nakatitig lang siya sa bestfriend ko habang sinasabi iyon. Ang mare ko naman eh grabe ang pagtago ng kilig na kung walang tao eh baka kanina pa nangisay dyan.

Napansin kong hindi ata umiimik ang bakulaw at nakatitig lang sa akin. Napansin ko kasi sa gilid ng mga mata ko. Subalit nailang na ako kaya inaya ko nalang si Cory na pumanhik na sa bahay para maghanda ng pananghalian ng mga bwisita namin na nadagdagan pa ng dalawa.

"Frieeeennnnnddd!!!" pagtitili niya nang marating namin ang kusina. Kaloka! Ang OA lang po nyang bestfriend ko minsan. Kaya nakatikim naman siya ng mega sabunot. "...Aray naman! Hmpft!... Uy, ibigay mo na sa akin yung isa, yung cute na chinito na bagong dating?" sabay tapik sa akin kaya kumunot ang noo ko.

The Barrio Gay (Now Published under LLP)Where stories live. Discover now