PROLOGUE

7.1K 119 27
                                    


Prologue


"Tria, p'wede ba kitang ligawan?"

Ibinaba ko ang tingin ko sa mga sapatos niya habang unti-unti itong inaangat pataas. I'm wondering, how much did it cost to buy flowers? When in fact, he can't even buy decent clothes.

I sighed. "No," I answered honestly.

Agad na nagbago ang hulma ng mukha niya sa sinabi ko. Magsasalita pa lang sana siya nang bigyan ko siya ng mga dahilan para manahimik.

"First of all, hindi tayo close, so, don't call me Tria," panimula ko. "Second... you're not tall, dark, and handsome. And third..." ani ko bago muling ibinaba ang tingin ko sa kan'ya. "Nevermind."

I rolled my eyes then turned my back to him. Isa sa pinakaayaw ko ang nasasayang ang mahal na oras ko.

Aalis na sana ako nang naalala kong may kasama nga pala ako. Nilingon ko si Elissha na mukhang disappointed sa ginawa ko.

"Let's go," I murmured.

Hinila ko siya na hindi pa rin maalis ang tingin doon sa lalaki. Sa lahat ng lalaking ni-reject ko, hindi pa rin ba nasasanay ang babaeng 'to? Ang slow ah!

"Kung gusto mo 'yong lalaki p'wede namang sa'yo na lang," kalmadong sabi ko bago binitawan si Elissha. Medyo nakalayo na naman kami kaya hindi na kailangan pang bumulong. "Affected ka masyado," I added.

Matalim niya akong tinignan bago pinag-crossed ang kan'yang mga braso sa may bandang dibdib. "Alam mo ikaw masyado kang insensitive," she gritted. "Kung ayaw mo doon sa tao sabihin mo nang maayos, hindi 'yong inilalapag mo lahat ng gusto mo na hindi mo nakikita sa kan'ya."

My forehead furrowed. "Anong gusto mong gawin ko?" I asked. "Kausapin ko ng maayos, tapos paasahin siya?"

"Nakikinig ka ba?" aniya na medyo naiinis na. "Sabi ko, kausapin mo ng maayos kung ayaw mo sa kan'ya, gets?"

"Ano nga ang gusto mong sabihin ko? Na, I don't like you?" may diing sabi ko. "Ganoon na rin kasi 'yon, Eli. Kapag sinabi kong ayaw ko sa kan'ya, syempre hihingi siya ng mga rason. Ano ang gusto mong sabihin ko? I just did what I need to do."

"For what?!" she exclaimed. "For your own sake?"

"No! Of course not," depensang sagot ko.

"So, para saan?"

Napairap na lang ako bago napasinghap. "I don't know," I mumbled. "Hayaan mo na nga, hindi naman ikaw ang nireject!" ani ko saka siya muling inirapan.

"Bahala ka nga, hindi naman ako ang tatandang dalaga," aniya at saka rin ako inirapan.

I don't care. 'Cause being single is not my problem. Nabuhay akong mag-isa, mamamatay ako nang mag-isa. Period.

May 1 pm class pa kami kaya nagmadali na rin kaming bumalik ni Elissha sa classroom. Magpapahangin lang naman sana kami, pero nang dahil sa lalaking 'yon masamang hangin ang nasagap namin.

Tsk. Perks of being pretty.

Papunta na sana kami sa upuan namin ni Elissha nang nahagip ng mga mata ko iyong isang kaklase namin na nag-iiwan ng bulaklak at chocolates sa table ko. Pareho kaming natigilan ni Elissha at nagkatinginan.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay habang itinuturo iyong nangyayari gamit ang mga labi ko. Ano ba ang nangyayati sa Earth?! End of the world na ba kaya naglalabasan sila?

Nagkibit-balikat lang si Elissha bago muling hinarap iyong table namin sa unahan. Napakahirap talagang makausap. Tsk.

Napabuntong hininga na lang din ako bago siya sinundan. Iniwan kasi ako ng bruha at mukhang kakausapin pa si Liam, iyong kaklase naming nag-iwan ng basura sa table ko na mukhang may gusto rin sa akin.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now