XXVII

1.7K 40 0
                                    


Chapter 27


Ilang ang araw lumipas at wala pa rin kaming naririnig tungkol kay Alexander. Maging sa pamilya ko hindi pa rin ako nakakatanggap ng tawag.

Para na rin kaming nasa bakasyon na apat, dahil sa kaliwa't kanan naming paggala at pagpunta sa beach. Marami palang mapupuntahan dito sa Zambales.

Hindi lang ikakaila sa amin na namimiss na rin namin ang aming mga pamilya. Gusto na nga umuwi ni Elissha dahil namimiss niya na raw si Baby Felix, kaya ngayong araw aalis na silang mag-asawa gamit ang kotseng dala namin.

Pinagdo-doble ingat ko sila dahil hindi pa rin kami sigurado sa malikot na isip ni Alexander.

“Mag-iingat kayo, ha? Huwag na muna kayo umuwi sa bahay niyo baka nandoon lang sa paligid ang mga tao ni Alexander,” bilin ko kay Elissha bago siya sumakay ng kotse. “Briston, mag-ingat kayo sa biyahe, ha?” Tiningnan ko siya na sinagot lang ako ngiti at pagtango.

Bumalik ang tingin ko kay Elissha at saka siya niyakap. “Eli, salamat.” I whispered.

Hinaplos niya lang ang likod ko at nilayo ako sa kan'ya. “Magkikita pa naman tayo baliw. Pagbalik mo nang Manila, okay na ang lahat. Trust me.” She assured me with her genuine smile.

Tumango na lang ako nginitian siya pabalik. Pinapasok ko na rin siya sa loob bago pa kami mag-iyakan na dalawa. Nagpaalaman at nagpaalalahanan lang kami nang ilan pang beses bago sila tuluyang umalis.

Dalawa na lang kami sa bahay. Pareho pa kaming tahimik ang naiwan. Awkward.

Nagtungo ako sa living room ng bahay ni Keeon. Malaki ang bahay niya, hindi mo aakalain na walang nakatira dito sa ganda at linis pa rin niya. Hindi pala dito madalas namamalagi si Keeon, doon pa rin siya natutulog sa bahay ng lola niya.

Mas masaya daw kasi doon. Ayaw niya rin namang pilitin na lumipat silang lahat dito kahit para sa kanila naman talaga ito. Iba raw kasi ang saya at samahan nila sa bahay na iyon. Kahit mas malaki, matibay at maganda rito, totoong babalik at babalik ka sa nakasanayan mo.

“Uuwi pala sa bahay ni Nanay, may kukunin lang ako saglit. Gusto mong sumama?“

Nilingon ko si Keeon na nakatayo sa may pinto ng kitchen. Saglit akong nag-isip kung may gagawin ba ako ngayon bago ako sumagot.

Naalala ko iyong mga damit na dapat lalabhan namin ni Elissha ngayon. Kaagad akong umiling at sinabi ang gagawin ko.

“Maglalaba pala ako. Sa susunod na lang ako sasama kay Lola. Pakamusta na lang sa kanila.”

He just nodded before entering the kitchen.

I shrugged. “Okay,” I mumbled and looked away.

Awkward.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago ko napagpasyahang magsimula na sa paglalabas. Kakaunti naman iyon, sadyang mabagal lang ako sa gawaing bahay. I'm not used to this, so bare with me.

“Tria!”

Huminto ako sa ginagawang pag-se-separate ng mga puti sa may kulay na damit. Ito kasi ang turo sa akin ni Elissha noong unang beses na naglaba kami dito. Para hindi raw dumikit ang may kulay na damit sa puti.

“Po?!” I yelled back.

Nasa kwarto ako kung saan kami natutulog ni Elissha. May kwarto rin silang mag-asawa ni Briston, nagpapasama lang ako sa kan'ya sa tuwing inaabot ako ng trauma ko.

Bumukas ang pinto ng kwarto na kinagulat ko. Napatayo ako pero agad rin akong natauhan nang makita si Keeon.

“Mamaya na pala ako aalis kapag tapos ka na para makasama ka. Sa baba lang ako, magluluto ng lunch natin,” sunod-sunod niyang sabi na hindi ko na maabutan.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now