XXIII

1.7K 38 2
                                    


Chapter 23


Liwanag ang sumalubong sa akin pagkabukas na pagbukas ng mga mata ko. Am I dead now?

“Tria! Pinag-alala mo ako!” someone shouted that I immediately searched for.

I saw Elissha who is now worriedly standing right next to me. She hold my hand. “Magkasama lang tayo kanina tapos mababalitaan kong nandito ka sa hospital!”

Nasa hospital ako? What happened?

Nilibot ko ang mga mata ko at hinanap si Alexander. Kung hindi ako nagkakamali, nahimatay nga ako dahil sa bulaklak na binigay niya sa akin.

He's really a monster.

Walang ibang tao, si Elissha lang ang nakikita ko.

Magsasalita na sana ako nang naramdaman kong may oxygen palang nakakabit sa akin. Hindi na ito bago sa akin sa tuwing inaabot ako ng allergies ko. Mabuti na lang at naagapan agad ako dahil kung hindi maaari ko itong ikamatay.

Marahan kong ginalaw ang isang kamay ko at maingat na tinanggal ang oxygen. “Anong ginagawa mo? Baliw ka ba?” Pipigilan pa sana ako ni Elissha ngunit bago pa niya ako mahawakan ay natanggal ko na ang oxygen.

“O-okay na ako...” I said softly.

“Anong okay? Muntik ka nang matuluyan, alam mo ba 'yon? At saka ito, oh!” Binitawan niya ako at saka tinaas ang sleeve ng suot kong hospital gown.

Nagulat ako sa ginawa niya, lalo na sa reaksyon niya na galit na galit na parang naiiyak na. Paano niya nalaman?

Ibababa ko na sana ang manggas ng damit ko pero pinigilan niya ako. “Saan ito nanggaling?! Puro ka pasa, Tria!” may pagtaas na boses niyang sabi na bakas pa rin sa kan'ya ang pag-aalala.

Pinanood ko lang siya hanggang sa nanghihina siyang umupo. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. “Bakit hindi mo sinasabi sa akin na sinasaktan ka niya? Nakakainis ka naman...“ mahinang sabi niya habang unti-unti nang tumutulo ang kan'yang mga luha.

Hindi ko na rin napigilang umiyak habang tinitingnan siya. Hindi ko siya masisisi kung magagalit siya sa akin, lalo na ngayong bakas na sa kan'ya ang pag-aalala.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa damit ko at akmang babagsak na kaya agad ko itong hinawakan. Mahigpit ko itong hinawakan.

“I'm sorry, Eli. Ayaw ko lang kayong mag-alala, at madamay sa problema ko.”

She shook her head. “Gusto naming madamay, Tria, dahil pamilya mo kami. Alam mo ba kung anong magiging epekto nito sa Mommy mo kapag nalaman---”

“Kaya nga hindi ko sinasabi. Kaya nga sinasarili ko, kasi ayaw ko siyang masaktan. Hindi mo kilala si Alexander, Eli. He can do everything just to destroy me once I say something about him.”

Umiling siya na tila nadismaya sa akin. “Akala ko ba matalino at malakas ka? Bakit natatakot ka sa lalaking 'yon?”

Hindi agad ako nagsalita. Pinagmasdan ko muna siya bago napabuntong hininga. “I'm not, Eli. Tao lang din ako, natatakot at nasasaktan.”

Natahimik siya sa sinabi ko. May mga luha pa rin na kumakawala sa mga mata niya. At kung kanina pag-aalala ang nakikita ko, ngayon ay naging awa na ngayon niya lang pinaramdam sa akin.

“I'm sorry, Tria, I didn't protect you. All along, I thought you'll be happy. Sana pala pinigilan kita, baka sakali na hindi nangyayari 'to.” Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

Hinawakan ko ng isa kong kamay niya. “It's not your fault. Walang may kasalanan, Eli.”

“Meron,” she insist. “Si Alexander ang dapat sisihin dito! Siya ang nanakit sa'yo kaya dapat siyang makulong!” aniya at saka tatayo na sana na agad kong pinigilan.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon