X

2K 67 1
                                    


Chapter 10


Napakurap ako bago natatarantang umupo nang maayos. I may look stupid, but it's already too late to impress him.

“Y-you may take your seat, Mr. Jimenez,” I said formally and pointed out the chair in front of my table.

As long as I'm aware, I need to be professional. He's an investor for now here inside my office, and not that annoying idiot guy outside this building.

Pinatong ko ang hawak kong cellphone sa mesa ko habang pinapanood siyang umupo. Bakit ko nga ba ito hawak?

“I prefer the first name basis you called me the other day.” He smiled then sat down in front of me.

“W-what?” naguguluhang tanong ko.

Anong pinagsasabi niya? Tuwing may sasabihin talaga siya may mga bagay akong hindi naiintindihan. Para siyang alien na may sariling mundo.

“Nevermind.” Napawi ang ngiti niya at umiwas nang tingin na parang nadismaya sa ginawa ko.

Ayan na naman po siya. Konting kibot ko parang palagi na lang mali para sa kan'ya. I just asked him.

“Okay,” I said, and ignored what he's saying. Hinanda ko na rin agad ang sarili ko para sa konting introduction katulad ng ginagawa ko sa mga bago naming investor. “So, in behalf of our growing company. I would like to express my gratitude for choosing our company and...” Natigilan ako nang biglang magtama ang mga mata namin.

Ito na nga ba ang kitatakutan ko sa lahat nang posibleng mangyari... ang masilayan muli ang lalaking nakita ko ten years ago. He looks so innocent that I didn't recognize him at all.

This freaking heart is running out of control...

“And?”

Napakurap ako at bahagyang umawang ang labi. “Oh... that...“ I mouthed na parang nawawala sa sarili. Ano nga ulit 'yon?

Tria, umayos ka! Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo. Hindi 'yan santo para lumipad ang isip mo.

“Tria, are you okay?”

Mas lalo pa akong naguluhan dahil sa tanong na 'yon. Of course, I'm always fine... before, noong wala ka pa.

Napalunok ako bago nagsalita. “I am.” Umiwas ako nang tingin at naghanap ng p'wedeng palusot para matapos na itong usapan namin.

Hindi ko na talaga kakayanin na manatili dito kasama siya kahit na ilang segundo pa. Bawat oras kasi na lumilipas, parang mas lalo akong tinatraydor ng puso ko.

Bumaba ang tingin ko sa mesa at nakita doon ang cellphone ko. “Sh*t.” Dinampot ko ito agad at tiningnan ang screen nito. She didn't hung up the phone...

Nang dahil sa takot at pagkataranta, pinindot ko ang end call at saka ito muling ibinalik sa mesa. She heard everything... and I'm sure of that.

“Tria? Bakit?”

Napaangat ako nang tingin nang hindi pa rin nakaka-move on sa nangyayari. Sobrang bilis nang tibok ng puso ko, at hindi ko p'wede itago na talagang kinahabahan ako at natatakot sa mga posibleng mangyari.

Hindi ako dapat makampante, dahil kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, hindi pa rin mawawala sa sarili ko na siya pa rin si Dimittri Tianzon - Solidad, the most powerful woman I know.

She's my mother, but it doesn't mean she'll forget and ignored everything.

“Ahm...” Paghahanap ko nang tamang sasabihin. “You want coffee?” natatarantang tanong ko at saka tumayo. Baka sakaling maabawasan kahit konti ang nararamdaman kong bigat sa dibdib ko. Wala na akong ibang maisip... wala na talaga.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now