XXV

1.8K 46 0
                                    


Chapter 25


“Nasaan na tayo?”

I'm not familiar with this place, especially it's a province side of Manila or anywhere. I don't know. Actually, this is my first time leaving our town. And it feels like, I'm having a little vacation to breathe.

Sabi nga nila, umiikot na lang daw ang buhay ko sa pamilya ko at sa lugar namin. Gayong mas maraming oportunidad na naghihintay sa akin dito sa labas.

“Kung nasaan ako sa loob ng sampung taon.”

I turned to him and stared at him. He's watching the sunset through the window.

Huminto kami malapit sa beach, at kitang-kita mula dito ang dagat at ang araw na papalubog pa lamang. Sa haba ng biyahe namin, hindi ko na rin namalayan ang oras.

Bumaba ang tingin ko sa aking kamay. Hinawakan kasi iyon ni Elissha na nasa tabi ko.

“Nasa Zambales tayo, hometown ni Keeon.”

Nag-angat ako nang tingin at saglit siyang tiningnan bago lumipat kay Keeon na nakamasid pa rin sa labas. Seryoso lang siya doon na parang may malalim na iniisip.

“Hayaan mo na. Ilang araw din 'yang hindi nakatulog kakaisip kung paano ka namin itatakas,” bulong pa ni Elissha sa tabi ko at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

“Akala ko ba wala na kayong communication sa kan'ya?” I lower my voice as I looked back at her.

“Kung gusto may paraan, Tria. Akala mo talaga hahayaan lang kitang nakakulong sa bahay niyong impyerno? Hindi 'yon tama, at mas lalong hindi ako papayag.” Hinila niya ang kamay ko at saka ako niyakap. “Hindi ako papayag na masaktan ulit ang nag-iisang kaibigan ko. I survived my teenage life up to now that I have my own family because of you. I may not be your best bestfriend, but I promise you that I'll be here forever whenever you need me. I love you, Tria. Sobra...”

I sobbed and hugged her tight. “I love you too, Eli.”

She caressed my hair and heard her sniffed. She's crying too. Bakit kasi dito pa niya naisipang mag-drama sa gitna nang gulo at sa harap ng magandang tanawin? Nakakawala ng magandang mood at vibes.

“Tigilan niyo na nga 'yan, parang hindi na kayo magkikita ulit, ah.”

Sabay kaming naghiwalay ni Elissha sa pagkakayakap at tiningnan nang masama si Briston, ang asawa niyang kill joy. Tumawa lang ito at inasar pa lalo ang asawa niya.

Napangiti na lang ako at babalik na sana sa maayos na pagkakaupo nang magtama ang mga mata namin ni Keeon sa rear mirror. Nakatingin din pala siya sa'min. Pinapanood niya kaya kami kanina?

I cleared my throat and heave a sigh. “K-kanina ka pa?” lakas loob na tanong ko.

He nodded then looked away. “Tara na, Briston. Malapit na dito ang bahay ni Nanay,” he said.

Nanatili ang mga mata ko sa salamin. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa umandar na ang kotse. Iniiwasan niya na ba ulit ako?

Kung nakapag-isip-isip na siya tungkol sa amin, at kung tama ba o mali ang ginagawa niya. I'll let him be. Hindi ko na siya guguluhin ulit pagkatapos nito.

Ayoko rin namang masangkot siya sa gulo na mayroon ako, dahil hindi na tama. Pamilyado na akong tao, may sasabihin at sasabihin ang ibang tao lalo na kung hindi nila alam ang buong kwento.

“We're here.”

Huminto kami sa tapat ng isang bahay na may kalumaan na. Base sa nakikita ng mga mata ko, mukhang matagal na itong nakatayo dito. It's old but beautiful.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now