II

3.1K 93 10
                                    


Chapter 2


Maaga akong nagising dahil sa binyag na paulit-ulit pinapaalala ni Elissha. Ngayong araw kasi 'yon, na sinabayan naman ng ilang emergency meeting ko.

I checked my wrist watch. Mariin akong napapikit habang inaalala kung ano ang maaaring gawin sa'kin ni Elissha mamaya. Ayaw na ayaw pa naman no'n ang late.

It's already ten in the morning, pero ang usapan sa simabahan ay alas siete. Mukhang mamalasin na ako buong buhay ko pagkatapos nang araw na ito. Sigurado kasi akong sari-saring sumpa na naman ang sasabihin no'n mamaya.

Nagmadali akong nagtungo sa kotse. Natapos na rin ang meeting, pero alas dose na nang tanghali. I'm dead.

I grab my phone at my bag and checked to see how many cursed I've got.

I bit my lower lip in frustration. Hindi nga ako nagkamali, kulang na lang ay itakwil niya ako bilang kaibigan sa dami ng masasakit na salitang sinabi niya. Keri.

I put my phone back before I rushly started the car. I need to be there as soon as possible. Late na ako, pero may kasabihan nga sila 'it's better late than never'. I just need to prepare my explanation.

Sa reception na lang siguro ako di-diretso, wala na rin naman akong maaabutan sa simbahan. Magmu-mukha lang akong tanga.

I run fast when I reached the reception's hallway. Ngunit saglit akong natigilan at marahang ibinaba ang tingin sa suot kong sapatos. Omg. I almost forgot, five inch high block heel nga pala ang suot ko.

Mariin ako napapikit at mapait na ngumiti. Nakarating nga ako sa reception, bali-bali naman ang buto ko.

Napabuntong hininga na lang ako bago naglakad na lang ng medyo may kabilisan. Wala pang ilang minuto nang muli na naman akong natigilan, may sumagi lang naman sa akin na kung sino.

Kusang kumunot ang noo ko at nilingon iyon. Ang laki-laki naman kasi ng daan, at talagang sinagi pa ako.

"Hey!" sigaw ko nang hindi 'man lang siya nagmalasakit na mag-sorry. "Walang modo," I hissed, murmuring.

Magsasalita pa sana ako sa sobrang inis nang bigla naman siyang lumingon sa akin. And I got shocked to see who it was.

No way.

Saglit ko siyang tinitigan bago napagtanto na siya nga iyon. The idiot guy.

Umiwas ako nang tingin at natatawang inaalala ang mga nangyari noon sa isip ko. Mukhang hindi ko na 'yon malilimutan. Sino ba ang makakalimot sa gano'ng katangahan? Uto-uto. Tsk.

Napailing na lang ako habang nagpipigil nang tawa bago ko ibinalik ang tingin sa kan'ya. Magsasalita na rin sana ako nang naunahan niya 'ko.

"Sorry, Miss," tanging sabi niya bago ako muling tinalikuran at nagsimulang maglakad paalis.

My jaw just dropped in surprise. Did he just ignored my presence? I can't believe this. Matapos ko siyang alalahanin, magso-sorry lang siya na parang walang nangyari? Ano siya gold?! Tsk.

I annoyously looked up and took a deep breathe.

"He's still an idiot," I tsked.

Saglit ko munang pinakalma ang sarili. Ayoko namang magmukhang basang sisiw na pupunta sa reception. I'm pretty sure, maraming batch mate namin ang imbitado sa binyag ni Baby Felix, including that annoying guy.

As a Class and Club President, who graduated Summa Cum Laude, their first impression after 8 years is my only goal for today. So, minding that guy is not a big help.

I stood up straight as I walked confidently. I'm feeling sexy and free.

"Tria!"

Napalinga-linga ako sa sigaw na iyon. Hindi na ako nagkamali nang makitang si Elissha, kausap ang ilan sa mga bisita niya. At talagang nakita pa ako ng bruhang 'yon.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ