XIII

1.9K 54 1
                                    


Chapter 13


Nanlalamig at walang tigil sa pagbuhos ang luha ko habang tumatakbo papasok ng hospital. Hindi ko pa alam ang nangyari dahil hindi ko na magawang tumawag pa at maghintay ng balita sa kanila.

Mabuti na lang din at kasama ko si Elissha, wala na rin kasi ako sa tamang pag-iisip para makapagmaneho. Gusto ko na lang makita si Mommy at mag-sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan.

I can do everything just to save Mommy. Maging okay lang siya gagawin ko talaga lahat para sa kan'ya.

“Tria, calm down. Malakas ang Mommy mo, at alam mo 'yon. Kaya please lang... magdahan-dahan ka baka madulas ka.”

Hindi ko pinansin si Elissha. Nakatuon lang ang atensyon ko patungo sa kung nasaan si Mommy. Lalo na at sabi ng nurse nasa OR daw si Mommy, na hindi ko na rin tinanong kung bakit.

Labis akong kinakabahan sa bawat oras na lumilipas, mas lalo na ngayong nakikita ko na sina Ate Cynth at Ate Aelin na umiiyak hindi kalayuan sa akin.

Nanginginig ang mga tuhod kong huminto at tiningnan ang pinto ng operating room. Kasalukuyan silang nag-a-undergo ng operation na mas lalong nakapagpakaba sa akin.

Napaupo ako sa kinatatayuan ko at mas humagulgol ng iyak. “M-mommy...” I sobbed.

Hindi ko kaya... h-hindi ko kakayanin na mawala si Mommy. I can't live without her. She's been my support and motivation ever since. Handa akong mawala lahat, huwag lang siya.

“Nica... tumayo ka d'yan.” It's Kuya Dione, siya lang kasi ang tumatawag sa akin nang ganoon.

Nag-angat ako nang tingin nang naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko. Mas naiiyak ko siyang tiningnan. “K-kuya... kasalanan ko...” I sobbed.

Umiling si Kuya at umupo rin sa harap ko. “No. It's not your fault. Magiging okay din si Mommy, huwag mong sisihin ang sarili mo.” Hinawakan ako ni Kuya Dione sa magkabilang pisngi bago pinahid ang mga luhang tumulo doon. “Tahan na, hindi ka pinalaki ni Mommy na iyakin, remember?”

Napahikbi ako at parang bata na tumango. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong sisihin sa mga nangyari. Alam kong may galit sa akin si Mommy, at baka dahilan iyon ng galit niya kaya siya naaksidente.

Ayokong isipin, pero malaki ang posilidad na iyon nga ang nangyari.

Inalalayan ako ni Kuya Dione at Elissha sa pagtayo. Sabay-sabay kaming lumapit kay na Ate Cynth at Ate Aelin na parehong umiiyak pa rin. Niyakap ko silang dalawa at hindi mapigilang umiyak ulit.

“Mommy's gonna be okay. We know she's strong. Hindi niya tayo iiwan...” rinig kong sabi ni Ate Aelin habang hinahaplos ang likod ko.

Tumango lang ako at hindi magawang makapagsalita. Wala nang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko dahil sa bigat ng mga pangyayari. Akala ko ay magiging maayos din ang lahat, pero hindi pala ganoon kadali.

Bumitaw ako kay na Ate nang naramdaman kong bumukas ang pinto ng operating room. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang Doctor na nanggaling sa loob.

Kaagad na lumapit sina Ate at Kuya kay Doc., habang ako ay nanatiling nakatayo na tila naduduwag sa kung anong maaaring sabihin ng Doctor.

“How's our Mom, Doc.? Is she okay?” sunod-sunod na tanong ni Ate Aelin.

“Successful ang operation, pero hindi pa nagigising ang Mommy niyo.”

Doon pa lang sa sinabi ng Doctor para na naman akong nanghihina. Maagap akong humawak kay Elissha sa tabi ko para suportahan ang sarili ko.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now