XII

1.9K 49 1
                                    


Chapter 12


Nandito kami ngayon ni Keeon sa bahay nila Elissha. Wala na kaming pupuntahan na walang ibang makakakita sa amin, lalo na ngayon na pakiramdam ko'y maraming mga matang nakatingin sa amin.

Mas mabuti na dito sa bahay nila Elissha, kami lang ang tao at alam kong mapagkakatiwalaan namin ang mag-asawa.

“Bakit mo sinabi 'yon? Magsu-sumbong 'yon kay Mommy!” I almost shouted before sitting on the sofa.

Nakakainis lang na nag-iingat ako sa mga ginagawa ko para hindi matuloy ang kasal, tapos sisirain lang niya. How can I fix this now that Alexander has a reason to continue the wedding?

Wala na, sira na ang lahat ng plano ko!

“Kumalma nga muna kayong dalawa. Hindi ito maaayos kapag mainit ang mga ulo niyo,” ani Elissha bago ako tinabihan sa sofa at hinaplos ang braso ko.

Hindi ko siya nilingon. Hinilot ko ang sarili kong sintido at muling tiningnan si Keeon. Nakatayo pa rin siya habang dinadamayan naman ni Briston. Hindi siya makatingin sa akin.

“Hindi mo ba alam...” I began. “Nang dahil sa'yo magpapakasal ako sa taong 'yon? Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman gusto! Masaya ka na?! Nakabawi ka na ba sa lahat ng ginawa kong pagpapahirap sa'yo?!” Umiwas muli ako nang tingin. Ayokong mas magalit dahil baka hindi lang 'yon ang masabi ko.

Ang bigat ng dibdib ko, parang gusto ko na lang sumabog sa galit na nararamdaman ko. Sana masaya na siya sa ginawa niyang pagpapahirap sa akin ngayon.

I hope that's enough for all the things I did to him. I know I haven’t been a good person at all, but I hope they know I’m having a hard time too.

“Bakit mo ba sinasabi 'yan, Tria? Hindi naman alam ni Keeon---”

“Kaya nga!” sigaw ko at saka nilingon si Elissha. “Hindi niya alam, kaya huwag na lang sana siyang nangingialam. Ayokong magpakasal kay Alexander... a-ayoko...” I sobbed saka yumuko.

I could no longer stop myself from crying. Gusto kong maging malakas dahil 'yon ang dapat, pero itong puso ko, at itong isip ko pagod na sa lahat ng mga nangyayari.

All my life, I've been trying to be a perfect daughter, pero nawala ang lahat ng iyon dahil sa kan'ya.

Should I really let him go? Dapat ko na bang pakawalan ang nag-iisang taong ginusto ko buong buhay ko?

“Shhhh... you'll not marry that Alexander.” Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at ang boses na iyon --- agad akong natigilan sa pag-iyak. “Sorry, Tria. Sorry for making you feel this way. I'm not happy seeing you like this. Sorry...”

Para akong nakalunok ng holen sa narinig at sa mas bumibigat na nararamdaman ko ngayon. It's Keeon, kneeling in front of me while holding my hands tightly.

I can't look at him, I feel like I'll give up anytime soon. Dapat ngayon pa lang alam ko na sa sarili ko kung sino ang pipiliin ko. Matagal kong iningatan ang pangalan ko at ang buhay na kinatatayuan ko ngayon, kaya hindi ako papayag na mawawala na lang iyon ng isang iglap.

Pero ang hirap...

Naramdaman ko ang pagtayo ni Elissha sa tabi ko at ang pag-alis nilang mag-asawa sa living room. Kaming dalawa na lang ngayon ni Keeon. Dapat na ba akong pumili?

“Tria...” mahinang tawag ni Keeon na hindi ko pa rin sinasagot nang kahit ano.

Nanatili lang akong nakayuko at hindi pa rin makatingin sa kan'ya ng diretso. Hindi ko siya kayang harapin. Para na nga akong lalamunin nang lupa sa sitwasyon ko, lalo na siguro kung magtatagpo ang mga mata namin.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now