XXII

1.6K 37 0
                                    


Chapter 22


Nagpaalam ako kay Alexander na makikipagkita ako kay Elissha. Mabuti na lang at pumayag siya, pero dapat may kasama akong bodyguard. Gustuhin ko 'man o sa hindi ay wala na akong magagawa, siya pa rin ang masusunod.

Pinapayagan naman niya ako sa ilang mga bagay na gusto kong gawin, huwag lang ako magkakamaling magsumbong. Hindi ko rin naman gagawin iyon sa takot ko lang na may mangyari kay Mommy kapag nalaman niya ang mga nangyayari sa akin.

Mahina na si Mommy, hindi niya na kakayaning magdala ng mga problema.

“Oh, Tria, kumusta ang buhay may asawa?” natatawang tanong ni Elissha.

“Okay lang naman,” tipid kong sagot.

Madalas naman kaming magkita at mag-usap ni Elissha, pero hanggang ngayon inaasar pa rin niya ako sa tanong na 'yan.

“Puro ka okay, wala bang kakaibang nangyayari sa buhay niyo?”

Meron, at marami.

“Wala naman,” tipid ko lang ulit na sagot bago umiwas nang tingin.

Kung alam mo lang Eli, baka hindi mo na magawang ngumiti sa galit kay Alexander. But, I can't tell my situation right now. Nakakaya ko pa naman... kakayanin ko pa.

“Mas naging boring kang kausap simula nang nagka-asawa ka. Hindi ba kayo nag-uusap sa bahay na dalawa?” Halatang naiirita na si Elissha sa mga sinasagot ko.

Anong magagawa ko kung wala naman akong maisasagot na maayos sa kan'ya?

Hindi naman kasi kami katulad nila. Hindi kami katulad nila Mommy at Daddy. Hindi kami katulad ng pamilya ng mga kapatid ko. 'Cause we're not the usual family who love each other.

“Pagod lang ako, Eli. Sorry.” I mean it.

“Hala, seryoso? Pinapagod ka ba ng lalaking 'yon? You're  the doing the gawaing bahay alone?” gulat na gulat niyang tanong at sinabayan pa ng panlalaki ng kan'yang mga mata.

I sigh. “Of course he's helping, it's just...” I paused and think for another lie. Ayoko ng magkamali ulit at magsisi na naman sa huli. “Iba pa rin kapag nasanay kang wala masyadong ginagawa sa bahay.”

Nagbago ang hulma ng mukha ni Elissha, tila sumasang-ayon sa sinabi ko.

“Tama ka naman 'don. Ilang buwan din akong nag-adjust noong nag-asawa ako lalo na nang dumating si Baby Felix. Hindi madali maging asawa at ina, hinding-hindi.”

Ramdam ko ang paghihirap ni Elissha sa mga sinasabi niya, pero alam ko rin na masaya siyang ginagawa iyon. Mahal niya ang asawa at anak niya, mahal niya ang pamilya niya kaya kahit mahirap nag-e-enjoy pa rin siya maging ina.

And, for me? Hindi niya ako maiintindihan. Ibang-iba ang katayuan ko sa nararanasan niya. Siguro may katulad kong iilan na hindi masaya sa mga naging desisyon nila sa buhay, kaya sana kahit mahirap at imposible maging maayos din ang lahat. Gusto ko lang maging masaya at maging normal na babae.

“But at the end of the day, it's so overwhelming to see my boys contented on my capability as a wife and a mother.” She smiled, full of joy and love.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan si Elissha. Minsan, kontento na talaga akong nakikitang masaya ang mga mahal ko sa buhay. Pero minsan napapaisip din ako kung kelan ba ang araw na ako naman ang magiging masaya, 'yong tipong masaya ka lang kasi masaya ka. Imposible 'man na mangyari pero sana, kahit saglit lang.

I hope someday it'll happen... for me.

Nag-usap lang kami ni Elissha tungkol sa buhay mag-asawa hanggang sa napunta ang usapan namin sa hindi ko inaasahan. Ilang buwan na rin kasi nang huli ko siyang makita, at inaasahan ko na sana hindi ko na ulit siya makita o makarinig 'man lang tungkol sa kan'ya. Masakit pa rin kasi, sobrang sakit.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now