I

3.9K 86 6
                                    


Chapter 1


Marahan akong sumimsim ng kape sa tasang hawak ko habang pinapanood ang kaibigan kong si Elissha na nagpapadede ng anak niya. She's a bit upset dahil kahit anong paghe-hele ang gawin niya'y hindi pa rin ito natutulog.

Napangiwi na lang akong ibinababa ang tasang hawak ko sa mesang nasa harapan namin.

"Kung pagod ka na, bakit hindi pa kumuha ng yaya?" suhestiyon ko sa kaibigan kong matigas ang ulo.

Magta-tatlong buwan na rin kasi si Baby Felix, pero hanggang ngayon siya pa rin itong naghihirap na alagaan ang anak niya. Hindi ba niya nare-realize na siyam na buwan na niyang bitbit ang anak niya, tapos siya pa itong mag-a-alaga? Tsk.

Nag-angat siya ng tingin at saglit akong matalim na tinignan bago muling ibinalik ang atensyon niya sa anak at muli itong pinaghele.

"Kung pagod ka na rin, mag-asawa ka na. Hindi 'yong paladesisyon ka," bulong niya.

Umawang ang labi ko sa narinig. Meganon? Gan'yan ba ang epekto ng pag-a-asawa at panganganak? Heavy, ah!

"Inis 'yan?" pang-i-insulto ko pa, para mas lalong mainis.

Hindi niya ako pinansin at mas lalo lang itinuon ang atensyon kay Baby Felix. Napabuntong hininga na lang ako bago pinag-krus ang aking mga braso at saka sumandal.

Bakit ko pa kasi niyaya ang babaeng 'to, alam ko namang mangyayari ang ganitong senaryo. Tsk.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong coffee shop. First time ko lang dito kaya hindi ako pamilyar sa buong lugar. Ito kasing si Elissha malapit lang ang bahay dito, kaya siya na rin ang pinapili ko ng matatambayan namin.

"Siya nga pala, Tria."

Maagap akong napatingin kay Elissha sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin, na hindi ko na rin na ikinagulat.

Napailing na lang ako. Hihintayin talaga kitang lumaki Baby Felix, para sermunan sa pagpapahirap sa Mommy mo.

Naghintay lang ako sa kung anong sasabihin niya. Baka kasi masermunan na naman ako kung kukulitin ko pa siya.

Bahagyang nag-angat ng tingin si Elissha. "You remember, Keeon?" aniya bago muling ibinalik ang tingin kay Baby Felix.

Saglit akong napaisip sa sinabi niya, hanggang sa naalala ko iyong transferee na mahangin.

Napangiti ako sa hindi ko malaman na dahilan, pero agad ko rin iyong inalis bago pa ako makita nitong bruha.

"Yup, why?" I asked with bitterness.

"Kinuha siyang ninong ni Briston," sagot ni Elissha bago muling ibinalik ang tingin sa akin. "Alam ko ba na anak pala siya ni Mayor?" dagdag pa niya na parang isang malaking impormasyon ang pagiging anak ni Mayor.

Marahan akong napailing. "Why would I know that? Close ba kami?" medyo sarkastikong sagot ko.

"Sabi ko nga," mapaklang sagot niya. "Pero kasi, 'di ba, para lang siyang hinugot kung saan ni Dean noong college?" usisa pa niya.

Ayan na nga, lumabas na ang pagiging Marites ng kaibigan ko. Madadamay na naman ako. Tsk.

"Alam mo rin ba, sampung taon na ang nakakalipas? Kaya walang magbabago kung mukhang kriminal pa rin siya," I hissed.

Bahagyang kumunot ang noo niya, halatang ayaw sumang-ayon sa sinabi ko. Okay, fine. Who cares!

"Hindi ko alam kung anong meron sa pagkain niyo at gan'yan ka pa rin sa mga lalaki," bulong na naman niya at saka inalis ang tingin sa akin. "Bente otso ka na pero hindi ka pa rin nagkakaroon ng boyfriend. Ano bang gusto mo sa buhay? Tumanda na walang experience?" sermon pa niya sa akin.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now