XVII

1.7K 45 0
                                    


Chapter 17


Two weeks had passed since Mommy woke up from coma and she's slowly recovering from it. She can also talk now bit by bit and eat by herself.

I'm so happy that she's helping herself too kaya hindi kami masyadong nahihirapan. She's really a strong woman and a mother.

Pasalamat din ako na hanggang ngayon hindi pa rin niya nababanggit ang tungkol sa mga nangyari sa amin. Pero napagpasyahan kong mag-sorry ngayong araw bago pumunta dito sa hospital ang pamilya ni Alexander. Ipapaalam na kasi namin kay Mommy ang tungkol sa kasal.

Noong nakaraang linggo dapat sila pupunta dito, nagkaroon lang ng problema sa pamilya nila kaya napagpasyahan nilang sa ibang araw na lang. Hindi ko naman alam kung ano iyon, at wala na akong balak alamin.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang huling beses kong makita at makausap si Keeon. Mabuti na siguro iyon para unti-unti na naming makalimutan ang isa't isa. Ikakasal na rin ako anumang oras kaya ayoko na siyang mas masaktan pa.

“Tria, uwi ka na muna. Ako nang bahala dito.” Si Ate Aelin na kararating lang. “Babalik ka rin naman dito mamaya pagdating nila.”

“Sinong darating?”

Sabay kaming napalingon ni Ate kay Mommy. Umiling agad ako at nagkunwaring ngumiti. “Wala po, Mommy. Baka sina Ate at Kuya po kasama si na Pao.” I lied.

Hindi rin namin pinapaalam kay Mommy ang tungkol sa pagpunta nila Alexander dito, balak kasi namin siyang sorpresahin. Matalino si Mommy, baka magkaroon pa siya nang idea.

“Papupuntahin niyo ang mga bata dito? Huwag niyo nang papuntahin, uuwi na rin naman ako sa isang linggo. Baka mahawa pa sila ng kung anong sakit dito sa hospital.”

Napangiti ako. Kahit nahihirapan pa siyang magsalita nagagawa na niyang magsermon. It's actually an improvement.

Nagkatinginan kami ni Ate, she's smiling too. We all now that everything happens to Mommy that she can't do after coma, and she can do now it's quite an improvement.

Ate Aelin nodded and looked back at Mommy. “Opo, hindi na namin papupuntahin. Baka po kasi namimiss niyo na ang mga bata.” Lumapit si Ate kay Mommy na sinundan ko lang nang tingin.

“I missed them so much, but I'll not risk their health just to see them. I can still wait for a few days or week.”

“That's our, Mother. Kaya mahal na mahal ka namin, e.” Hinaplos ni Ate Aelin ang buhok ni Mommy saka hinalikan ang noon nito.

Nakangiti akong pinapanood sila. This family deserve everything, that's why I'm willing to sacrifice myself just to see them happy.

I sacrificed Keeon.

Pagkatapos nang ilang minuto nagpalaam na ako kay na Ate at Mommy na uuwi na muna ako. Sasabay na lang siguro ako mamaya kay na Alexander papunta dito.

Dumiretso ako sa bahay nila Elissha. I want to meet her first before everything might happen later. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita. And I want to ask if she talk or see... Keeon.

“Oh, bakit nandito ka?” salubong sa akin ni Elissha pagkabukas niya ng gate.

Pumasok lang ako sa loob ng bahay nila habang nagtataka siyang nakasunod sa akin. Umupo ako sa sofa nila at tila nanghihinang sumandal doon.

“Akala ko ba gusto mo 'to? Tapos ngayon sisimangutan mo ako.”

“I know.” I sigh and pouted.

“Anong, I know? Lutang ka ba?” She sat beside me and slap me on my face.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant