V

2.4K 65 6
                                    


Chapter 5


Ten years ago...

Padabog akong sumandal sa upuan nang nakakaramdam na ako nang inis at pagkainip sa paghihintay kay Elissha. May usapan kasi kami na magkikita dito sa Mcdo after class. Humiwalay lang ako sa kan'ya kanina dahil may inutos sa akin si Mommy, ang akala ko rin naman ay nandito na siya kaya nagmadali akong nagtungo dito. Mukhang may date pang dinaanan ang baliw.

I'll another five minutes, kapag wala pa rin siya ay uuwin na lang ako. Magbe-bente minuto na rin kasi akong nandito.

Nakailang order na rin ako ng fries at sundae. Nakakahiya kayang umupo lang dito at manood ng mga kumakain. Mukhang hindi na rin naman ako makakakain mamaya pagdating niya kaya mas mabuting umuwi na lang.

"Mabaog ka sana, Elissha..." bulong ko sa sarili sa sobrang inis. 'Wag na 'wag ka rin talagang magpapakita sa akin na babae ka, magigilitan talaga kita.

Kunot noo akong napatingin sa labas ng Mcdo. Magdi-dilim na din kaya kailangan ko nang umuwi. Baka isipin pa ni Mommy na nakikipag-date lang ako kung kanino. Gano'n pa naman iyon kapag dis oras na umuuwi ang mga kapatid ko.

Tatayo na sana ako nang nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na lalaki malapit sa entrance ng Mcdo. Papasok na kasi dapat ito nang harangin siya ng isang matanda na mukhang nanlilimos.

Bumalik ako sa komportableng upo ko at pinanonood na lamang ang dalawa. Masinsinan silang nag-uusap habang hawak na no'ng lalaki ang mga dala-dala noong matanda. Hindi pa katagalan ay napansin kong ngumingiti na iyong matanda habang kausap 'yong lalaki.

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Sa ilang minutong panonood ko, hindi ko namalayang napapangiti na rin ako sa mga nangyayari. Namamangha lang siguro ako sa kung paano i-approach noong lalaki si Nanay, dahil sa panahon ngayon, bihira na lang ang mga lalaking may mabubuting puso.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum