XV

1.8K 42 0
                                    


Chapter 15


Keeon is my first kiss.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pagkatapos mangyari 'yon. Iniisip ko na siguro tama lang na nangyari 'yon kaysa mapunta kay Alexander, na hindi ko naman gusto, mapunta ang first kiss ko. Mas lalong hindi ko matatanggap 'yon sa sarili ko.

Should I be happy and thank him for kissing me before the wedding happen?

No.

I should keep it to myself that at least, before I tie myself to the person I don't love, I kissed the man I only love.

Bumalik ako sa party na parang nawawala sa sarili. Mabuti na lang tapos na ang mga pangyayaring 'yon nang sunduin ako ni Elissha sa bodega. Baka kung ano pa ang isipin niya at lumabas sa bibig niya na pagsisimulan nang gulo.

“Anong nangyari? Bakit tulala ka yata?”

Umupo ako sa table nila at hindi makatingin sa kan'ya ng diretso. “Wala,” tipid kong sagot.

She sat beside me and acted like a concern mother. “Sigurado ka ba? Itutuloy mo pa ba ito? Nagbago na ba ang isip mo?” she asked with so much excitement.

I shook my head. “Walang nangyari...” I lied and faced at her. “At tuloy ang kasal.” Pilit akong ngumiti bago tumayo. “Hahanapin ko muna sina Ate Cynth para makapagsimula na tayo.”

Gusto ko na lang magpahinga at mag-sorry kay Keeon. He didn't stop from protecting me after all the pain I've caused him. I don't deserve him.

Nagtungo ako sa loob ng bahay nang makita ko doon sina Ate Cynth at Ate Aelin. Malapit sila sa hagdan at may kausap na mga bisita.

“Ate,” tawag ko na agad kumuha nang atensyon nila. Maging ang mga bisita na kausap nila ay napatingin din sa akin.

“Tria,” bati ng isa sa mga kausap nila Ate. “Congratulations on your wedding day! Kailan ang kasal?” usisa pa niya.

Hindi ako makasagot. Engagement party pa nga lang para na akong sinasakal, lalo na nang marinig ko ang kasal.

“Mabuti at magpapakasal ka na, Ija. Palagi ka pa naman naming pinag-uusapan ng Mommy mo. Nag-aalala raw siya na baka hindi niya maabutan ang magiging apo niya sa'yo,” sabad naman ng isa na halos kasing edad lang ni Mommy. “Nakakalungkot lang na wala siya dito ngayon para masaksihan ang pinakahihintay niya.”

Tila bumalik lahat ng guilt sa akin pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya. I didn't know her, but everything she said was true. Kung sana pumayag agad ako, e'di sana nandito siya ngayon at nakikita kong masaya para sa akin.

It's really all my fault.

“Teka lang po, may pag-uusapan lang po kaming magkakapatid. Excuse us po,” sabad ni Ate Cynth sabay hila sa akin palayo sa mga bisita.

Napansin siguro nilang hindi na naman ako okay sa mga oras na ito. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nalalamig at the same time.

Dinala nila ako sa isang sulok ng bahay kung saan wala masyadong mga tao. Nag-aalala silang nakatingin sa akin na dalawa.

“Saan ka nanggaling?” tanong ni Ate Aelin na bakas ang pag-aalala sa boses.

“Akala namin tumakas ka na, bakit ka pa bumalik?” sunod naman na tanong ni Ate Cynth.

Hindi ko alam ang isasagot kaya agad akong nag-isip ng ibang sasabihin. Hindi nila p'wedeng malaman na nagkita kami ni Keeon. Ipipilit lang nila lalo na huwag nang ituloy ang kasal.

✔ || Love Me at Your Own Risk (Single Ladies Collaboration Series #2)Where stories live. Discover now