Chapter 1

100 0 0
                                    

"Ano ba 'yan, Hillary?! Simple na nga lang hindi mo pa magawa!" Sigaw sa akin ng isa kong ka grupo, mali kasi 'yung naipasa ko. Matalino naman kasi talaga ako, mali lang talaga 'yung naipasa ko dahil sa dami kong iniisip. Nagkaroon kasi ng problema sa bahay, nag-away nanaman ang parents ko dahil nahuli nanaman ni mommy 'yung kabit ni daddy.

Imbis na makipag-away sa kapwa ko matalino, lumabas na lang ako ng classroom para pumunta roon sa tinatawag naming park sa campus. Dahil napapagod na ako sa mga nangyayare, umupo na lang ako roon at pinakalma ang sarili ko. Mayroon akong anger issues at baka masampal ko lang 'yung ka grupo naming si Janna dahil sa ingay ng boses niya.

Ako si Hillary Cruz, isa akong grade 10 student at 17 years old. May kaya ang family namin kaya lang, magulo lang talaga dahil sa kakatihan ng daddy ko. Wala namang purpose ang buhay kong ito, naiinis lang talaga ako sa mga nangyayare. Ayaw kong umuwi dahil gulo lang ang maabutan ko roon.

Sakto, napadaan sa harapan ko ang mga "mean girls". Agad ko silang tinawag para yayain mag mall, binigyan naman na ako ng allowance nina mommy at daddy eh.

"Tifanny! Binigay na sa akin nina mommy at daddy ang allowance ko, mall tayo?" Sabi ko sa kanila.

Nagtinginan sila nang sabay-sabay. "That's a good idea! Pero, mag-ma-mall lang tayo kapag pumayag ka na ka grupo ka namin sa thesis. Ano g?" Maarteng aniya.

Pumayag na ako dahil alam ko naman na ito na lang ang tangi kong choice. Besides, kapag naging ka grupo ko na sila, isa na rin ako sa tatawaging cool sa campus. Ang kailangan lang naman sa grupo na ito ay magaspang ang ugali at puro makeup ang mukha.

Tatlo sila sa grupo, si Tifanny ang leader, Si Micah at Janela ang parang alipin niya. Sila ang kinababaliwan ng boys sa amin. Sa katunayan, lahat ng varsity ng Basketball nga ay nagong boyfriend na nitong si Tifanny.

Lumipas ang isang buwan at natapos ko nang mag-isa ang thesis namin. Agad ko silang tinawagan at sinabing pumunta na kami ng mall dahil nga natapos ko na. Sinabihan nila ako na mag gayak nang maayos at mag lipstick ng color red. Ito na ang panahon para makilala ako bilang cool na babae at hindi nerd. Porket kasi ka grupo ko 'yung mga matatalino sa amin, akala ng iba ay nerd na rin ako.

Nagpabili agad ako kay yaya ng damit na susuotin at nagpabili na rin ng bagong lipstick. Gusto ko talagang mapatunayan na hindi na ako kasama sa grupo ng mga nerds na akala mo ay magaganda rin ang ugali. Ugh! I hate them so much at sinusumpa ko sila. Maghihiganti ako dahil sa mga pinag gagagawa nila sa akin. Sa totoo nga lang, mas matalino pa ako sa kanila.

Isa pa sa mga rason ko kung bakit ako sumali sa group na ito ay dahil gusto kong malaman nung campus crush na si Sean na gusto ko siya. Ayaw kong makaalis ng junior high nang hindi niya nalalaman na bet ko siya. I want him to be mine. Wala namang gusto sa kanya si Tifanny kaya sige, ako na lang ang kukuha sa kanya.

Oo, binully niya na rin ako noon pero okay lang, gusto ko siya eh. Siya ang gustong-gusto ko simula pa noon. Siya 'yung ideal guy ko dahil varsity siya sa soccer tapos ang ganda pa ng hubog ng katawan, isang karangalan na maging jowa siya 'no.

Sabi ng mga babae sa campus, malalaman mo raw na gusto ka ni Sean kapag tinawag kang "bro". Iyon ang palatandaan ng mga babae ritong baliw na baliw sa kanya. At ang pinakahuli, gusto ko siya dahil ang galing-galing niya sa Math.

Ngayon na ang araw na aalis kami at pupunta sa mall kaya naman excited kong sinuot ang bagong bili kong damit. Nag lipstick na rin akong pula at tsaka sinuot ang sapatos kong katas-taas ang takong. Kinuha ko rin ang bag kong Gucci na regalo sa akin ni mommy nung Pasko.

Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at talagang ibang tao na ang nakikita ko. Ngayon, matalino na ako, maganda pa. Ipapakita ko sa mga dati kong kaibigan na ibang-iba na ako sa kanila. Wala silang kwentang mga kaibigan. Ngayon, makakasama ko na ang mga cool sa campus at mas magkakaroon na ang ng chance kay Sean.

Agad akong nagpahatid sa driver ko at sinabi kay kuya driver na iwan na ako pagkatapos niya akong ihatid doon. Pagkababa ko sa mall, naglibot ako at saka tinawagan sina Tifanny, excited na kasi talaga ako eh.

"Hi Tifanny, nasaan na kayo?" Excited kong sabi sa telepono. Siguro ay mag sisine kami o 'di kaya ay maglalaro sa arcade. Saan din kaya kami kakain?

"Sorry Hillary, nakalimutan ko pa lang sabihin na hindi tayo matutuloy ngayon dahil may sakit ako. I'm sorry, next time na lang." Aniya sa kabilang linya. Agad akong nainis pero wala naman akong magagawa dahil may sakit siya. Nag decide na lang ako na mag sine na mag-isa.

Sawi akong naglakad papunta sa sinehan kaso sa paglalakad ko roon ay napahinto ako. Agad na kumirot ang puso ko nang makita sina Tifanny kasama si...Sean. Nakapulupot ang kamay niya sa kamay ni Sean at mas kumirot ang puso ko nang halikan niya ito. Alam naman ni Tifanny na may gusto ako kay Sean diba?!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit sa kanya. "Akala ko ba may sakit ka?! Bakit ka nandito at nakikipag harutan?!" Galit kong Sigaw sa kanya.

"Eh ano naman?! Hindi mo ba na sense na ayaw ka naming kasama?! Kaya ka lang namin sinama sa group ay dahil wala kaming taga gawa ng thesis! At diba gusto mo si Sean? Pwes, panoorin mo 'to!" Hinatak niya si Sean at saka hinalikan. Para bang nadurog ang puso ko sa kakapanood sa kanila.

Pagkatapos niyang halikan si Sean ay hinatak ko siya sabay sinampal nang malakas, pagkatapos ay umalis na rin ako. Para akong artista dahil ako ang naging sentro ng atensyon ng mga tao rito. Umalis ako ng mall at nagpunta sa malapit na bar, good thing that I have my fake ID with me.

Nakapasok agad ako sa bar at humingi agad ako ng Tequila. Nakaka tatlo na kong shot at medyo nararamdaman ko nang nahihilo na ako pero patuloy pa rin ako sa pag-inom. Wala akong pakialam kung may makakita man sa akin dito. May nagsasayaw sa gitna kaya nakisayaw din ako. Hindi talaga ako sure kung nasa wisyo pa ako nung mga oras na ito. Basta, tamang sayaw na lang ako.

Habang sumasayaw ako, naaalala ko lahat ng mga masasakit na nangyayare sa akin. Si daddy may kabit, tapos si mommy ay alam kong umiiyak tuwing gabi. Alam kong wala kaming laban sa kabit ni daddy na college student. Kapag iniwan kami ni daddy, hindi ko na lang alam kung saan kami pupulutin.

Wala naman akong kaibigan na mapagsabihan ng problema ko. Minsan, iniisip ko na nga lang tapusin 'tong buhay ko dahil mukha namang walang patutunguhan 'to. Lahat na lang ay niloloko ako. Daddy ko nga ay hindi ako mahal eh, paano ko pa aasahan 'yung iba na tanggapin ako.

Maya-maya ay naramdaman ko nang sobra na akong nahihilo kaya naman pinilit kong lumabas ng bar. Medyo nagdidilim na ang paningin ko pero patuloy pa rin ako sa paglalakad. Wala na akong maintindihan sa nangyayare sa kapaligiran ko dahil sa kalasingan ko. Hindi ko alam kung papaano magpapasundo gayong lasing na lasing ako. Bahagyang nagdilim ang paningin ko paglabas ng bar at ang ingay mula sa loob ay biglang nawala sa hindi malamang dahilan.

Dalawang lalaki ang naaninag ko paglabas at nakakapagtaka na ang dilim-dilim na. Naririnig ko ang mga boses nila.

"Mariano, ano kaya ang nangyare sa binibining ito? Ano at kinulang ng tela ang kanyang saplot? ganito na lamang, iuwi natin siya sa amin at Huwag natin siyang titignan dahil tiyak na pag-iisipan tayo nang masama ng kung sino ang makakakita sa atin na buhat siya. Isang kahihiyan na isipin nilang pinagsamantalahan natin ang babaeng ito. Kawawa naman siya." Rinig kong sabi ng isang lalaki sa kausap niya.

"Anong kulang sa tela?! Crop top 'to ano?!" Pagtanggol ko sa sarili ko. Hindi ko na nalaman ang mga sumunod pang nangyare dahil nawalan na ako ng malay.

Adios, Mi Amor (Completed)Where stories live. Discover now