Chapter 2

50 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa lakas ng ingay ng mga naririnig kong nag kwe-kwentuhan. Nakakainis naman! Umagang-umaga, nagdadaldal sila yaya! Nakapikit pa rin ako dahil ayaw ko pang bumangon.

"Yaya, ang i-ingay niyo naman! Pwede bang patulugin niyo muna ako?!" Sigaw ko dahil nakakainis naman talaga kapag nagising ka dahil lang sa lakas makipag kwentuhan ng mga kasama mo sa bahay. Besides, bakit sila nag kwe-kwentuhan sa kwarto ko?

"Elias, ang ingay mo kasi! Tignan mo at nagising mo ang magandang binibini." Sabi ng isang babae na ang boses ay parang nasa 60 years old na. Teka, sino si Elias?! May lalaki sa kwarto ko?!

Agad akong napabangon ngunit napahawak din ako kaagad sa aking ulo dahil nahilo ako dala ng nainom kong alak kagabi. Halos lumabas ang kaluluwa ko sa kaba nang mapagtantong wala ako sa bahay namin at hindi sina yaya ang nag-uusap kanina. Nasa isang kubo ako na maliit lang!

Isang lalaking naka uniporme ng parang guardia civil ang lumapit sa akin. "Binibini, mabuti naman at gising ka na." Sabi niya sa akin. Teka?! Bakit binibini ang tawag niya sa akin? Nakikipag lokohan ba siya? 2021 na at bakit siya nakagayak ng guardia civil? Hays. Ang daming tanong sa isip ko at parang mababaliw na nga ako!

"Nasaan ako? Kinidnap mo ako 'no? I was just at the bar yesterday tapos nandito na ako ngayon?!" Natatakot kong sabi sa kanya.

Agad namang kumunot ang kanyang noo, "Binibini, paumanhin ngunit hindi ko maunawaan ang salitang iyong tinuran." What the hell?! Nakikipag biruan ba siya?

Agad kong inilibot ang aking mga mata at halos lumuwa nanaman ang kaluluwa ko sa kaba nang makita ko ang kalindaryo nila.

1880?!

"B-bakit ganyan 'yung taon sa kalindaryo niyo?" Kinakabahan kong sabi kung saan ay napalunok pa ako.

Nagtataka niyang tinignan ang kalindaryo nila, "Wala namang mali, binibini. Ngayon ay ika-tatlongput't isa ng Agosto taong isang libo walong raan at walong pu." Aniya. Agad siyang nagtaka sa mga ikinikilos ko.

"Binibini, ikaw ba ay baliw?" Tanong niya sa akin na tinanong ko rin sa sarili ko.

Napatayo ako sa banig na kinahigaan ko. Isang babaeng naglalaro sa edad na 60 ang nasa harapan ko at isang lalaki na tinawag nitong Elias. Sa akin, mukha silang mag-ina.

"You are kidding me! Bakit ako nasa taong 1880?!" Sigaw ko dahil hindi ko maintindihan ang mga nangyayare. May ganito ba talagang side effects ang Tequila? Ugh! I hate my life!

"Elias, hindi ba wala sa isip ang babaeng naidala mo rito?" Nag-aalalang tanong nung matanda.

"Ina, tama ka riyan, mukhang baliw nga siya." Pagsang-ayon ni Elias. Dahil sa kaba ko na baka kung anong gawin nila, dinipensahan ko na lang ang sarili ko kahit gulong-gulo pa rin ako sa mga nangyayare.

"H-hindi po ako baliw. Naka inom lang po ako kagabi." Kinakabahang sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa at tinignan ako nang may pagdududa.

"Ah ganon ba? Kung gayon bakit ganiyan ang suot mo, ikaw ba ay isa sa mga babaeng bayaran na nagsisilbing aliwan ng mga mayayaman? Tsaka isa pa, hindi normal para sa ibang babae ang uminom." Agad na nanlaki ang mga mata ko. Ano raw?! Babaeng bayaran?! Tsaka, hindi umiinom ang mga babae pala noon. Ang lungkot naman ata ng mga buhay nila.

Tinignan ko ang suot ko at crop top nga ito. Sinong naglagay ng dahon ng saging sa tiyan ko?!

"Ako ang naglagay n'yan." Seryosong sabi ni Elias. "Hindi magandang nakikita ng mga kalalakihan ang tiyan ng isang babae lalo na kung hindi naman sila mag-asawa. Pagpaumanhin mo sana kung hindi ko maipahiram ang damit ng kapatid kong babae dahil baka magalit siya." Seryosong aniya. Naiwan akong kasama ng nanay niya.

Adios, Mi Amor (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz